Chapter 12
**
Tinitignan ko ang sarili ko sa salamin ng banyo ng kusina habang iniisip kung dapat ko pa bang ituloy ang pagpapa-ibig kay Sir Kleiner dahil sa nalaman ko na malaki ang tiwala niya sa'kin pero ayoko rin naman biguin ang mga magulang ko dahil sila ang nagpalaki sa'kin.
Magulang ko sila at isa pa kailangan nila ng pera, hindi kasya ang binibigay ko sa kanilang sahod ko sa isang buwan na dalawampu't libo. 'Yung iba doon ay tinatabi ko para sa pag aaral, may limang libo pa lang akong nalilikom mula nu'ng magtrabaho ako rito dahil kinukuha lahat ni Nanay.
Lumabas ako ng banyo at nakita ko si Sir Kleiner na nakahalukipkip habang nakatingin sa'kin ng seryoso. Napakamot ako sa ulo dahil baka nagalit siya sa ginawa kong pag alis na lang bigla sa harapan niya.
"Isla, prepare yourself. We're going in Davisian Univeristy. Malapit na ang pasukan ng kolehiyo at kailangan mo ng magpalista,"
Napakurap ako sa kaniyang sinabi dahil buong akala ko ay galit siya sa'kin dahil sa ginawa ko pero nasa harapan ko siya ngayon at inaaya akong pumunta ng Davisian University. At ano 'yun? Ie-enroll niya na ako e' kulang pa nga ang naiipon kong pera!
Tumikhim ako, "Ah... Sir Kleiner. Puwede po bang next time na lang?"
"And why?" Kunot noo niyang tanong.
"K-Kulang pa po ang naiipon kong pera."
Mas lalong kumunot ang noo ni Sir Kleiner sa aking sinabi at napansin ko na parang nag iisip pa siya tungkol dito.
"Paanong kulang? Didn't I give your salary enough? Kulang pa ba 'yon?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko, "Hindi naman po, Sir Kleiner. Pero siguro sa susunod na lang po ako magpapaenroll kapag tama na ang perang naipon ko."
"Ako naman ang gagastos sa pag aaral mo hindi ba? I already told you I will help you with that University. You don't need to pay with a large amount of money."
"Hindi na po, Sir Kleiner. Gusto ko pong gumastos kahit magkano lang... ayokong umasa sa'yo lagi. Kapag tama na lang ang ipon ko, doon ako papaenroll."
Umigting ang kaniyang panga at lumalim ang tingin sa'kin. Umiwas ako ng tingin dahil ayokong makita niyang nagsisinungaling ako sa kaniya.
"Tell me the truth, Isla. Where did your money go? It was impossible, ikaw hindi makakaipon sa pinapasahod ko sa'yo? Hindi ka naman gumagastos at lumalabas ng mansion. Now tell me, where did your money go?"
Tinikom ko ang bibig ko at hindi nagsalita.
"Isnaira Lavictoria,"
"Kailangan po kasi ni Nanay ng pera, Sir Kleiner. Kaya binigay ko po lahat,"
Tumalim ang kaniyang tingin sa'kin at bumigat ang kaniyang paghinga, "All of your money?"
Umiling ako sa kaniya. "May limang libo pa naman pong natira,"
"Fuck. Five thousand?!"
Hindi agad ako nakasagot dahil sa totoo lang sa magtatatlong buwan kong pagtra-trabaho kay Sir Kleiner ay nasa sixty thousand na sana ang ipon ko pero kinuha lahat 'yon ni Nanay nung bisita ko sa kanila at nu'ng pumunta siya rito. Ang ibang tira do'n ay binigay ko sa kanila bilang pangangailangan nila at para sa susunod na bayarin ng kuryente pero sa iba pala napunta ang sahod ko.
"Why did you give your money? Hindi ba pinaggrocery na natin sila? Binigyan ng allowance? And I also pay their debts. So, tell me, why did you fucking give all of your hardships?"
Lahat naman ng sinabi ni Sir Kleiner ay totoo. Bago namin sila iniwan ay kumpleto na sila ng mga pangangailangan sa bahay at para sa sarili pero hindi ko naman inaakala na mapupunta sa inom at sugal lahat ng sahod ko.
BINABASA MO ANG
Just Lust (Desire Series #1)
RomanceSi Isla ay laki sa hirap at tanging sa masikip na eskinita lang siya nakatira kasama ang mga magulang niya. Sa murang edad, nagsimula na itong maglako ng paninda hanggang sa pagtanda ay naglalako pa rin siya. Nangarap siya na makapag aral ng kolehiy...