Chapter 10

33 5 0
                                    

Chapter 10

**

Hindi naman ako langit para hindi niya maabot. Kung anu-ano na lang talaga ang lumalabas sa bibig ni Sir Kleiner at pinapabilis na naman ang tibok ng puso ko. Mahirap akong abutin? Bakit niya ako kailangan abutin kung mas mataas siya sa'kin?

Mabuti na lang talaga at may tumawag sa kaniya dahilan para umalis siya sa harapan ko at mawala ang kabang nararamdaman ko sa kaniyang sinabi.

"Mukhang may nararamdaman akong iba. Uhm, nahuhulog ka na kay Sir Klay?" Halos patanong na sabi ni Rana.

Bumugtong hininga ako at umiling, "Hindi naman."

Sinubukan ko na sumagot ng mabilis nang sa gano'n ay hindi niya ako pagdudahan kapag nakita niyang nag iisip pa ako ng isasagot sa kaniya.

"Bakit mo iniiwasan?"

Naging halatado siguro kanina sa mga pagpupumilit ko sa kanila na makipagpalit ng trabaho. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko siyang iwasan e' dapat trabaho lang ang pinagtutuunan ko ng pansin dito at hindi ang nararamdaman ko para kay Sir Kleiner.

"Hindi naman ako umiiwas..." Pagsisinungaling ko, "Gusto ko lang ng bagong trabaho... At isa pa, hindi naman ako hahanapin ni Sir Kleiner."

Tinaasan niya lang ako ng kilay at humalukipkip sa harapan ko. "Duda ako sa mga pinagsabi mo. Hindi mo iniiwasan e' halos lahat kami pinakiusapan mo na makipagpalit."

Napababa ako ng tingin.

"Tapos 'yung sinabi mo na baka hindi ka hanapin ni Sir Klay, imposible naman 'yon! Lagi ka niyang hanap kapag hindi ka nahahagilap sa paningin niya. Sus!"

Nakita ko pa na ngumisi siya sa'kin at bahagyang tinulak ang braso ko sa pabirong paraan. Parang may gusto pa siyang sabihin sa'kin pero bakas pa rin ang pag aalala sa mukha niya.

"Katulong niya ako e'." Mapait kong sambit at nagkibit balikat na lang.

Umalis ako sa harapan niya at akala ko ay hindi niya ako susundan pero naramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko kaya huminto ako at tinignan. Nakasunod nga siya sa'kin habang nagsasalita.

"Sinabi ko naman kasi sa'yo, Isla. Kailangan mong maging handa kay Sir Klay kapag pumasok ka rito. Sa totoo lang, kahit ako no'n nagkaroon ng crush sa kaniya pero naalis ko rin kasi na turn off ako sa pakikipagchugchugan niya sa iba't ibang babae."

Namilog ang mga mata ko. "Lagi ba niyang ginawa ang pakikipagtalik no'n?" Tumikhim ako, "No'ng wala pa ako..."

Kita ko na medyo napaisip pa siya sa tanong pero kalaunan ay bigla siyang tumango kaya gumihit na naman ang sakit sa puso ko.

"Hindi naman lagi... pero madalas, lalo na kapag may event sa mansyon."

Tumango-tango ako.

"Anong balak mo sa nararamdaman mo? Kahit naman hindi mo sabihin sobrang halata, Isla. Kung hindi mo mapipigilan 'yan... Baka mapipilitan kang umalis dito o ikaw ang paalisin ni Sir Klay dahil ayaw na ayaw niya ang may nagkakagusto sa kaniya in a romantic way."

Hindi ko alam ang isasagot ko. Sinusubukan ko naman talaga ang makakaya ko para pigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya pero natatalo ako kapag nakikita ko siya araw-araw, kapag nakikita ko ang guwapo niyang mukha, at kung paano niya ako itrato.

"Hindi ko naman gustong mahulog kay Sir Kleiner."

Dahil hindi puwede.

Naalala ko na naman 'yung naging pag uusap namin ni Nanay... Kung paano niya ako ibugaw kahit kapalit ang katawan ko basta para sa pera. Hindi naman sila gano'n dati pero mukhang sinilaw sila ng malaking pera na binigay ni Sir Kleiner.

Just Lust (Desire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon