Chapter 15

34 4 0
                                    

Chapter 15

**

Totoo kaya ang sinasabi ni Nanay na pinapahulog ako ni Sir Kleiner at pagkatapos kukunin niya lang ang bagay na iniingatan ko at itatapon na pag nagsawa? Itatapon na at ipagpapalit sa mas maganda? Totoo kaya 'yon?

Kung sakaling totoo 'yon, ito na ba ang nagiging hakbang ni Sir Kleiner para umpisahan? Ang dahan-dahanin ako sa mga bagay na magpapatibok ng puso ko. Gaya na lang kanina, hinawakan niya ang kamay ko at sinabi na 'di ako nag iisa.

Gagamitin niya ba talaga ako para makuha lang ang gusto at kaya ko ba siyang gamitin para mai-ahon ang pamilya ko?

"Isla ang lalim naman ng iniisip mo ha?" Si Sir Gio habang nakapang swimming na madulas na shorts.

Nandito pa pala si Sir Gio. Sabagay ang sinabi kanina ni Sir Kleiner ay mags-stay ng isang araw si Sir Gio dito kaya siguro na kahit gabing-gabi na ay nagswi-swimming pa rin siya sa labas.

Posible kayang kasama niya si Sir Kleiner? Siguro dahil kanina pa naman kami nakauwi. Amoy alak din si Sir Gio kaya hula ko ay kasama niya si Sir Kleiner pero hindi ko na lang tinignan sa labas.

Ngumiti ako ng bahagya, "Patulog na rin po, Sir Gio. At hindi naman po malalim ang iniisip ko..."

Humalakhak pa siya sandali at napadapo ang mata niya sa braso ko, "Oh? Bat may pasa ka d'yan?"

Kumunot ang noo ko at ngayon ko lang napansin na may kulay itim ang magkabilang braso ko. Hindi ito naging halata kanina dahil sa mahabang tela ng uniporme namin sa pang katulong at ang suot ko kaninang umalis ay mahaba ang manggas.

Tumikhim ako, "Ah... Nauntog ko lang po siguro sa pader kaya nagkapasa..." Pagsisinungaling ko.

Napansin ko mula nang makatungtong ako dito sa mansyon ni Sir Kleiner ay nagagawa ko na magsinungaling ng madalas. Aminado naman ako na nakakapagsinungaling ako no'n kina Nanay pero dahil 'yun sa pagtra-trabaho ko. Para bang... magandang kasinungalingan.

"Careful Isla. Kapag may nangyaring masama sa'yo, magwawala ang amo mo!" Humalakhak pa siya bago umalis sa harapan ko.

Napansin kong pumasok sa si Sir Kleiner na ngayon ay may tuyong pangbaba na short at pinupunasan ang basang buhok nito. Napalingon siya sa'kin kaya dumiretso siya sa kinaroroonan ko.

"Bakit gising ka pa?" Sinabit niya ang tuwalya sa kaliwang balikat niya at naglakad ng diretso sa kusina.

Umiling naman ako, "Patulog na rin sana ako..."

"Have you eaten already?" He asked, while drinking water.

"Oo... sige, kailangan ko ng matulog." Pagpapaalam ko habang pilit tinatago ang pasa sa braso ko.

Napansin ko na napatingin siya sa braso ko. Kumunot ang noo niya, binitawan niya ang baso sa mesa at naglakad patungo sa'kin. Humakbang na ako palayo pero hinuli niya ang kamay ko.

"What happened?"

"Na... Nasagi lang siguro sa pader kaya nagpasa pero mawawala rin naman."

Tumaas ang kilay niya, "Hindi ako naniniwala Isla. As much as I want to believe, I couldn't. Do I need to watch the CCTV?"

Ngumuso ako at napababa ng tingin, "Nahawakan lang... ng mahigpit ni Tatay. Pero wala naman kaso sa'kin 'yun dahil alam kong hindi niya lang alam ang gagawin dahil sa naging utang niya."

Dumilim ang mga mata niya, "Does he really needs to hurt you?"

Lumapit siya sa'kin kaya napaurong ako ng isang hakbang. Hinawakan niya ang braso ko ng dahan dahan at hinaplos 'yon. Hindi siya nagsasalita pero alam kong galit siya.

Just Lust (Desire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon