Chapter 40
**
Hanggang makauwi kami ni Kleiner ay hindi nawala sa isip ko ang itsura ni Arcel, ang ngisi niya at ang tingin niyang puwede ka ng paglamayan kung nakakapatay lang.
"Don't think about her, Isla. She's nothing to do with our relationship anymore. I am with you. Hindi kita pababayaan. Hindi ko na hahayaan na saktan ka niya ulit. She knows me, alam niya ang kaya kong gawin kapag sinaktan ka pa niya."
Simula pa lang kanina sa biyahe pauwi ay puro katiyakan na agad ang sinasabi ni Kleiner. Inaalis niya sa isip ko ang nangyari at sinabi ni Arcel kanina kaya medyo nababawasan ang bigat ng nararamdaman ko.
"A-Ayos lang..."
Sinubukan kong ngumiti sa kaniya para hindi niya isipin na kinakabahan ako at napapaisip ako sa posibleng mangyari. Apat na taon nung nagsumbong si Arcel kay Don Victor na kung anong kami ni Kleiner at 'yun din ang dahilan kung bakit kami natapos.
"I know you have homework," Saad niya, "Gawin mo muna. Ako na ang bahalang mag ayos ng mga grocery."
"Tulungan na kita. Sandali lang naman 'yung binigay sa 'min."
"Then rest."
"Kleiner naman."
"Kaya ko ng gawin mag isa ang pag aayos, Isla. Umupo ka na lang sa sala at manood ng gusto mo at hintayin mo ako roon. I'll cook snacks for us."
Parang wala man lang sa kaniya ang nangyari kanina, parang hindi man niya iniisip ang puwedeng mangyari kapag nalaman ng kaniyang Ama ang relasyon namin. Sinabi ko naman kay Kleiner na ipaglalaban ko 'to pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi matakot.
Hindi para sa 'kin, kundi para sa magulang ko.
Sasagot pa sana ako pero tinalikuran niya na ako at pumunta sa kusina. Dahil nasa kusina na siya, lumapit ako sa remote ng TV at sinindi ito. Narinig ko pa ang pagluluto ni Kleiner mula rito at nakakatakam dahil sa amoy nito. Hindi ko muna pinansin ang tiyan ko at namili na lang ng papanoorin.
"Ano'ng pinapanood mo?" Tanong niya at nilapag ang nuggets at fries sa mesa na nasa harapan ko.
Nagkibit balikat ako, "I don't know, basta pinindot ko lang 'yung nasa unahan ng listahan. Watched na nakalagay pero hindi pa tapos-"
Napahinto ako ng agawin niya sa 'kin ang remote, "Uhm. I watched this with my friends. Damn Khelgio played this movie. This is fifty shades of gray. It has bed scene, you wanna continue?"
Nanlaki ang mga mata ko at halos mapalunok ako sa sinabi niya. Huminga ako nang malalim ng makabalik sa wisyo, "Hanap na lang tayo ng iba..."
Hindi ko alam kung bakit siya natawa sa sinabi ko. Nilagay niya sa ibang palabas at nanood na lang kami ng tahimik. Aksiyon yata ang plinay niya dahil umpisa pa lang ay may mga barilan na. Gusto ko rin naman manood ng mga aksiyon dahil nung bata ako may TV pa kaming maliit at nakakapanood ako ng mga teleserye na may aksiyon.
"Do you want more?" Turo niya sa nuggets na isang piraso na lang ang nasa plato.
Umiling ako. "Hindi na. Sa 'yo na lang," Ubos na rin kasi ang fries kaya nuggets na lang ang pinagtatalunan namin.
Patapos na rin naman ang palabas na mahigit dalawang oras din. Sa buong panonood namin nakalagay lang ang ulo ko sa kaniyang balikat habang siya ay hawak hawak ang kamay ko at hinahaplos 'yon.
"Isla?"
Nilingon ko siya kaya nawala ang pagkakasandal ko sa balikat niya. "Bakit?"
"Do you trust me?"
BINABASA MO ANG
Just Lust (Desire Series #1)
RomanceSi Isla ay laki sa hirap at tanging sa masikip na eskinita lang siya nakatira kasama ang mga magulang niya. Sa murang edad, nagsimula na itong maglako ng paninda hanggang sa pagtanda ay naglalako pa rin siya. Nangarap siya na makapag aral ng kolehiy...