Chapter 42
**
Pinakamasakit na plot twist na yata ng buhay ko ang malaman na isa akong ampon at hindi ko alam kung matutuwa ako dahil isa akong Demercibal at ang kapatid o kakambal ko ay ang Principal ng DU, si Tanya. Ang liit ng mundo, ang daming bagay ang hindi inaasahan.
Lumipas ang ilang taon, nasa huling yugto na ako ng pag aaral ko. Matatapos na ako ngayong buwan. Ita-take na lang ang PLE bukas at titignan ang resulta kung magiging ganap na Doktora na ba ako. Kinakabahan ako pero sa totoo lang nakakaexcited din dahil kung sakaling makapasa ako puwede na akong matawag na Demercibal, MD.
Nawala ang ngiti sa labi ko nang mabanggit ko ang apilyedo ko. Sa ilang taon na nalaman ko ang totoo, naming lahat ay nagbago na rin ang buhay ko. Si Mayor, ang Papa ko. Hindi ako pinayagan na nakabukod ako sa kanila kaya sa Villa Mansion nila ako pinatira. Umayaw ako noong una pero hindi sila pumayag lalo na si Vice Mayor.
Simula nung naging Demercibal ako, naayos lahat pati ang apilyedo ko ay nagbago na rin ang turing sa akin ng mga tao sa paligid ko. Wala na ang mga tingin nila na mapanghusga. Marami na rin lumalapit sa akin ngayon at gusto nila akong maging kaibigan. Pakiramdam ko, ang pagiging isang Demercibal ang nakapagpabago ng buhay ko. Ginamit ko bilang gitnang pangalan ang apliyedo ng totoo kong magulang, at pumayag naman si Mama.
Huling pagkakaluklok na rin pala nila Mama at Papa sa pagiging Mayor at Vice Mayor ng Manila dahil malapit na sila sa limitasyon. Gusto na rin ng mga anak nila na magretiro na sila pagkatapos at magpahinga na lang sa mansiyon.
"Isla Demercibal!"
Nakita ko si Rana sa kabilang dako na malaki na ang tiyan. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway bago lumapit. Hinaplos ko ang tiyan niya dahil pagkakatanda ko, pangalawang anak niya na ito. Ang bilis, kalalabas lang ng isa ay may nabuo agad.
"Rana? Bakit ka ba sumisigaw?"
"Ninang ka ng anak ko ha?"
"Oo naman. Hindi ko naman tatakasan 'yan huwag kang mag alala. Kahit naman hindi mo ako kuhanin na Ninang, magvovolunteer ako." Biro ko sa kaniya.
Natawa na lang din siya sa sinabi ko. "Kamusta na Isla? Malapit na ang PLE mo. Goodluck! Kaya mo 'yan, malay mo kapag nanganak na ako, nasa hospital ka na. Isa ka ng doktora!"
Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa sinabi niya. "Maayos lang naman ako. Ikaw? 'Yung PLE, kinakabahan nga ako. Hindi ko alam kung kaya ko bang ipasa iyon."
"At bakit hindi?! Kayang kaya mo 'yan! Para kang kuya mo! Pareho na kayong Doctor n'yan!" Ngiti ni Rana, ang sinasabi niya ay si Kuya Krall.
"Step brother ko lang sila..."
"Kapatid mo pa rin. Hindi talaga ako makapaniwala na isa kang Demercibal. Wala nang manlalait sa 'yo, dahil ang mga Demercibal ay may class and pride. Their surname is really powerful."
Napangiti ako roon at tumango. "Saan punta mo?" Pag iiba ko ng usapan.
"Uh, may check up ako."
"Oh sige. Kailangan ko na kasing magreview bukas na ang exam ko. Kinakabahan pa rin ako baka may makalimutan ako na words at mag iba ang sagot ko..." Ngumuso ako at napababa ng tingin sa libro na hawak hawak ko.
"Kaya mo 'yan Isla! For sure papasa ka! Padayon Future Doktora!"
Sa library, dito ako naging madalas. Kailangan ko na yatang halughugin ang buong library para magreview. Hindi ko na rin natitignan ang oras ng labasan dahil sa focus ko sa pag aaral. Kung kakain man ako ay wala na sa tamang oras, lumalagpas ng isang oras.
"Isla. Uwi na tayo."
Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Tanya sa harapan ko na nakangiti sa akin. Ganito ang naging senaryo namin, kapag hindi kami magkikita ni Kleiner ay si Tanya ang nakakasabay ko sa pag uwi.
BINABASA MO ANG
Just Lust (Desire Series #1)
RomanceSi Isla ay laki sa hirap at tanging sa masikip na eskinita lang siya nakatira kasama ang mga magulang niya. Sa murang edad, nagsimula na itong maglako ng paninda hanggang sa pagtanda ay naglalako pa rin siya. Nangarap siya na makapag aral ng kolehiy...