Chapter 09
**
Gumising ako maggagabi na, siguro nakatulog ako sa kakaiyak ko kanina no'ng talikuran ko si Sir Kleiner at ang... babaeng dala dala niya sa kuwarto.
Hindi ko naman itatanggi na sobra akong nasaktan sa kaniyang sinabi na katulong niya lang ako. Kahit totoo naman iyon. Hindi ko rin naman ina-akala na sasabihin niya ang bagay na 'yon dahil salungat naman lagi sa sinasabi niya dati na hindi niya ako katulong.
Tumayo ako sa higaan para tignan ang mukha ko. Namumugto at parang kinagat ng ipis ang mga mata ko. Hindi ako kailangan makita ni Sir Kleiner at nila Ate Paula na ganito ang itsura ko. Hindi nila puwedeng isipin na umiyak ako.
"Bakit ko ba kasi dinibdib 'yung sinabi niya kung totoo naman talaga na katulong lang ako?" Bulong ko sa sarili.
Umiling ako at naghilamos ng mukha kapasok ng banyo. Hindi ako lumabas ng kuwarto hanggang hindi dumarating si Sir Kleiner dahil hindi ako handang makita ang kaniyang mukha.
Maghahating gabi na nang lumabas ako ng kuwarto. Madilim na sa labas at tanging mga maliliit na lang na ilaw ang nakabukas. Dahan-dahan kong tinahak ang kusina para uminom ng tubig dahil pakiramdam ko natuyuan ko dahil kaninang tanghali pa ako hindi uminom.
Bumugtong hininga ako.
Binuksan ko ang malaking refrigerator na naglikha ng ilaw sa kusina. Nagsalin ako ng tubig sa baso at pagkatapos ay mabilis ko ring hinugasan ang pinag inuman ko.
Napalingon ako sa isang gilid nang may tumikhim. Kinabahan ako dahil nakita ko si Sir Kleiner na nakatayo, nakahalukipkip habang nakatingin sa'kin. Naalis lang siya ng tingin ng buksan niya ang ilaw.
Hindi ako nagsalita. Nag iwas lang ako ng tingin at nagsimulang maglakad palayo sa kaniya.
"So, you're avoiding me, huh?" Malamig at malalim niyang tanong.
Napahinto ako sa paglalakad at kinagat ang ibabang labi para maiwas na sumagot pa. Kapag sumagot ako alam ko na magiging malala na naman ang kapupuntahan ng pag uusap namin.
"You did not eat lunch and you did not eat dinner because you're avoiding my presence the whole day." Pagpapatuloy niya.
Huminga ako ng malalim.
"Bakit mo 'ko iniiwasan, Isla?"
Nagkaroon ako ng lakas ng loob para tignan siya sa mga mata. Nakita ko kung paano nanlilisik ang kaniyang tingin sa'kin. Madilim at matalim ang kaniyang mga mata.
"Hindi ko po kayo iniiwasan, Sir Kleiner." Namamaos kong sagot.
Napag isipan ko na tawagin na lang siyang muli sa kung paano ko siya tawagin nung una. Hindi na ako magiging panatag kung pagpapatuloy ko pa ang pagtawag sa kaniyang pangalan at parang barkada lang kung ituri.
Tumaas ng bahagya ang kaniyang kilay, "Hindi?" Tanong niya, nagdududa "I've waited for you the whole day tapos hindi?"
"Nakatulog lang po talaga ako... ngayon lang nagising."
"Sinungaling." Bulong niya, "Iniiwasan mo 'ko, Isla. I could feel it. So, tell me the reason why you're avoiding me?"
Umiling ako, "Hindi ko po talaga kayo iniiwasan. Wala naman pong rason kung bakit ko kayo iiwasan."
"Isla." Pagtawag niya sa'kin.
Bumaba ang tingin ko, "Sir Kleiner... Kung maaari po... Tawagin niyo na lang ako kapag may kailangan kayo, kapag may iuutos, kapag may importanteng lakad na kasama ako. Pero huwag na po sana tayong masyado magkakaroon ng interaksyon kung wala naman pong saysay ang pag uusapan."
BINABASA MO ANG
Just Lust (Desire Series #1)
RomanceSi Isla ay laki sa hirap at tanging sa masikip na eskinita lang siya nakatira kasama ang mga magulang niya. Sa murang edad, nagsimula na itong maglako ng paninda hanggang sa pagtanda ay naglalako pa rin siya. Nangarap siya na makapag aral ng kolehiy...