Chapter 14

34 6 0
                                    

Chapter 14

**

Gumising ako ng maaga dahil kailangan kong puntahan sila Tatay at Nanay. Nagsabi sa'kin si Sir Kleiner na sasamahan niya ako dahil wala siyang tiwala sa mga taong madadaanan ko habang may hawak hawak na malaking pera.

Sana lang ay hindi ko marinig sa kanila na kailangan ko pang perahan si Sir Kleiner dahil sa dami na niyang natulong sa'min. Hindi rin kaya ng konsensya ko na gawin ang bagay na 'yon dahil marami namang paraan para yumaman.

Napansin ko na hindi umuwi sina Sir Adler at Sir Gio dahil dito sila natulog. Naabutan ko silang nakaupo sa sala habang nanonood ng basketball pero hindi ko nakita si Sir Kleiner na kasama nila.

Namataan ako ni Sir Gio, "Good morning, Isla. 'Yung amo mo, natutulog pa. Gisingin mo na."

"Good morning, Isla. Anong ginawa mo kay Klay kagabi? Bakit bumalik na ang laki ng ngiti?" Kuryosong tanong ni Sir Adler, at parang natatawa pa rin.

Kumunot ng bahagya ang noo ko. "Po?" Tanong ko.

Naalala ko 'yung pagyakap ko kagabi sa kaniya. Hindi kaya 'yun naman ang rason pero bakit naman siya magiging masaya sa pagyakap ko sa kaniya e' parang normal at pambata nga lang sa kaniya ang bagay na 'yon.

"Wala Isla. Gisingin mo na si Klay para makaalis na rin ako."

Marahan akong tumango kay Sir Adler. Siguro kaya siya nagmamadaling umuwi dahil sa girlfriend niya na naghihintay sa kaniya habang si Sir Gio mukhang walang pakialam kung uuwi o hindi.

"Umalis na po sila Sir Stan, Sir Limwell, at Sir Kulas?" Tanong ko sa kanila dahil hindi ko na sila namataan.

"Huwag ka ng magtaka uuwi at uuwi ang mga 'yon kahit madaling araw, kundi lagot sila sa mga asawa nila." Si Sir Gio, "Kaya ako ayoko pang mag asawa e'."

"Kung nagustuhan ka ni Nille edi nagkagirlfriend ka. Kaso hindi, best friend zoned ka sa kaniya."

"Bakit ba lagi mong dinadamay si Nille? May asawa't anak na siya! Ikaw na lang ang hindi nakakamove on,"

"Sweet niyo kaya dati kung hindi lang umepal si Natanius!" Tawang-tawa na sabi ni Sir Adler.

Kahit kuryoso ako sa pinag uusapan nila ay mas pinili ko na lang na magpaalam at talikuran sila para puntahan si Sir Kleiner sa kuwarto niya. Pinapa-gising naman siya nila Sir Adler at Sir Gio, hindi naman siguro magagalit.

Hindi na ako nag abalang kumatok dahil kapag kumakatok ako ay tulog naman siya at ayokong istorbohin ang tulog niya. Huminga ako ng malalim at mabilis na binuksan ang pintuan.

Naglakad ako papasok at hinanap si Sir Kleiner. Inikot-ikot ko ang paligid ko habang hinahanap siya pero hindi ko nakita sa kaniyang kama kaya kumunot ang noo ko. Narinig ko ang pintuan na biglang bumukas. Tumingin ako ro'n at napausog ako at nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko ang hubo't hubad na katawan ni Sir Kleiner. Hindi agad ako nakagalaw sa nakita kong mahaba... at malaking...

Napatingin sa'kin si Sir Kleiner na nanlaki rin ang mga mata niya. Mabilis siyang pumasok ulit sa loob ng banyo. Ilang segundo nang makabalik ako sa wisyo at tinakbo ang labas ng kaniyang kuwarto.

"Isla? Bakit hindi ka nagsasalita? Bakit pulang-pula mukha mo?" Tanong ni Sir Gio.

Pakiramdam ko mas namula ang mukha ko dahil sa nasaksihan ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at umiling.

"W-Wala po... Uhm, punta lang ako kusina, Sir Gio." Pagpapaalam ko.

"May nakita ka bang hindi namin nakita?" Inosenteng tanong ni Sir Adler. "Nasa'n na ba si Klay?"

Just Lust (Desire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon