Day 1:

18 2 1
                                    

Have a safe flight


11 am na akong nagising hindi manlang gumana ang alarm clock na sinet ko sa 7am. As soon as i get up agad na akong nagtungo sa banyo para maligo at mag ayos agad-agad para makapag ready sa mamayang flight.

This is it, this is the day na makakapunta ako sa Korea. Hoping to discover more adventure and challenges while I'm in my dream place. Mga Oppa here i come.

Bumaba na ako para makakain para naman may laman ang t'yan ko sa pag alis.

"Uy, good luck sa game ate. Galingan mo para makabili ako ng bagong sapatos." bilin ng kapatid kong si Vonni.

"Kahit hindi mo sabihin saakin 'yan talagang gagalingan ko para sa'tin nila Mama.

"Eh ang tanong, naka move on kana ba talaga kay kuya Fritz?" sunod n'yang tanong na kinahinto ko sa pagkain.

"Aba, kumakain ako dito. Bakit paepal ka? ayaw mo ng sapatos?" tanong ko pabalik.

"Biro lang 'te, basta galingan mo lang saka mag iingat ka dun sa Korea, balita ko kasi marami daw Koreano dun." aniya. Pinangsingkitan ko nalang ito sa katangahan n'ya.

"Ikaw rin, dapat mag aral ka ng mabuti dito saka mag iingat karin. Balita ko kasi maraming pinoy na gumagala ngayon."

Narinig ko nalang ang mahinang pagtawa ni Mama sa kusina.

"Ma, ingat kayo dito ni Vonni okay? Isang buwan lang naman ako doon, uuwi ako agad dito sa bahay asap." yakap ko kay Mama sa likod.

"'Wag mona kami intindihin ni Vonni, okay na kami dito. Ang mahalaga mag enjoy ka roon sa lugar na pinapangarap mo, 'wag pasaway sa director baka mawala ka." paalala ni Mama at tinanguan ko nalang ito.

"Sasama ba kayo mamaya sa paghatid saakin sa airport?" tanong ko.

"Siguro hindi na, 'di kita kayang makita na umalis." sagot ni Mama.

"Eh? Mama naman baka 'di na'ko matuloy sa alis ko n'yan mamaya, pinapaiyak n'yo 'ko." We just hugged each other for a while and treasure our time together habang hindi pa ako nakakalis. Mamimiss ko talaga yakap ni Mama.

"Basta mag iingat ka doon ang lawak ng Korea baka mawala ka." pag uulit neto.

"Opo."

Nagkwentuhan muna kami sa mga ganap namin sa buhay habang nag share din si Vonni sa mga nangyayari at ganap sa pag aaral n'ya, nang may tumawag saakin na Unknown number.

"Hello?"

"Oh, hi ija. Ready kana ba?" si Director J.

"Hello po, Director. Yes po, bakit aalis na ba tayo?"

"Later, pero ngayon i need you to come here right now sa office ko asap. May pag uusapan muna tayo saglit bago umalis, nandito narin ang kasama mo sa game ikaw nalang hinihintay namin." aniya saka ako nagmadaling kinuha ang luggage bag ko at nagpaalam na kina Mama.

"Sige po Director, on the way na'ko." sagot ko sa call bago ibinaba at sumakay na ng taxi patungong studio kung saan ako pinapapunta.

Dumating ako doon at the exact time 4:00 pm, isang oras bago ang flight namin.

Sinalubong ako ni Director at kasaksama neto sa gilid n'ya si Fritz na ngayo'y naka Korean outfit, kala mo naman kinagwapo n'ya ang pagsusuot ng mahabang damit. Hindi n'ya alam nagmukha s'yang turon sa suot n'ya.

"What can you say about my outfit?" natauhan ako nang magtanong ito at nasa harap kona pala ang kumag nang hindi ko napapansin, i fixed my reaction dahil naabutan ako netong naka wtf look sakanya.

Hindi ko ito pinansin instead sinundan ko nalang si Director J sa loob ng opisina at iniwan s'yang nakatayong mag isa sa labas.

"Hey, i was talking to you!" rinig kong sigaw neto sa likuran ko.

"One hour bago tayo umalis, remember the rules okay? Atsaka ayoko ng pasaway. Pag sinabing hindi pwede, hindi pwede are we clear?" paglilinaw ni Director saamin at tinanguan nalang namin ito as a response sa sinabi n'ya.

"Naghihintay ang mga staff, let's get ready." aniya saka namin kinuha ang mga gamit namin at sumakay na sa van.

Ilang minuto pang pagmamaneho ay nakarating na kami sa  airport kung saan hinihintay kami ng mga staff sa game show na gagampanan namin ni Fritz.

"Good luck players!"

"May the best player win!"

"Sana ma fall nalang sila parehas, para walang winner."

"Comeback is real."

"Omg, ang cute kaya pag naging sila ulit."

Ilan lamang iyan sa mga naririnig kong sigaw at bulungan dito sa airport, yuck! comeback? sa taong manloloko? no thanks.

I'm pretty sure narinig din lahat 'yon ni Fritz dahil napangiti ito at kumakaway pa sa mga staff na mas kinahiyaw ng ilan sakanila.

"Aalis na tayo, you can say your goodbye dito sa camera. Film ko kayong dalawa para as soon as we're done with the game ito ang intro ng video sa pag alis natin dito sa pilipinas." Director J said.

"Ako muna." saad ko.

"Okay, ladies first nga naman." sabat ni Fritz sa gilid ko.

"First of all, hi kay Mama saka sa kapatid kong si Vonni. Aalis na ako to make my dreams come true, syempre hindi lang para saakin 'to para sainyo rin, kaya always take care of Mama ha? ikaw Vonni huwag pasaway. Mamimiss ko kayo, love you guys. Wish me luck!" mahaba kong saad saka binaba ang camera ni direct, yawa bat ako naiiyak.

"Sunod kana Fritz." sabi ni Director kung saan nakatingin pala ito sa akin habang may ngiti sa labi.

"Oh, tinitingin mo? ikaw na daw sunod." ani ko rito at tinanguan lang ako neto saka pumwesto sa unahan ko.

"Hi Ma, always take care d'yan sainyo ni Papa. I won't be able to look after you for now kasi i really wanna help you both by joining this game, i'm really sorry if i make you feel unspecial. Pero i'll do my best para makabawi sainyo, ingat kayo lagi, love you both!" mensahe naman ni Fritz sakanyang mga magulang.

"And cut. Now, let's go 15 minutes before our flight, baka mahuli tayo." saad ni Director J.

"Good luck." rinig kong saad ni Fritz sa likuran ko.

"Ikaw din." sagot ko at nauna nang maglakad.

"Have a safe flight guys!" sigaw ng mga staff saamin na kinawayan nalang namin habang naglalakad paalis.

End of Day 1.

30 Days to fall (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon