Day 5:

8 1 0
                                    

Oppa

"Kung steak naman kaya ang lutuin mo para sa mamayang ulam natin nila Direct." saad ni Fritz mula sala habang nasa kusina naman ako na akmang bubuksan ang cup noodles na binili namin kahapon.

"May delata naman, kumain kana lang sa kung ano man ang nabili natin kahapon." saad ko pabalik at nagpatuloy na sa ginagawa. Tama naman s'ya kahit papaano dahil maging ako ay umay na umay narin sa cup noodles. Cup noodles na nga kinakain ko sa pinas pagdating sa korea cup noodles parin?

Binaba kona ang hawak kong cup noodles at pinatay ang stove. I'll try to buy some steak para maiba naman ang ulam namin mamaya, nasa korea nga kami pero parang nasa pilipinas parin ang dating sa pagkain. Ayoko naman na dumating sa point magka cup noodle desease narin ako kakakain ng pancit.

"Saan ka pupunta?" Fritz asked while holding a remote oh his right hand at nakataas pa ang paa neto sa lalagyan ng flower vase sa unahan, parang tanga lang. Nakalimot atang nasa Korea kami, kung makaupo kala mo naman nasa bahay nila lang.

"Maghahanap ng ulam."

"Okay.."

aalis na sana ako nang may pinabilin pa ito.

"Bumili kana rin ng maiinom." aniya.

"Pepsi o Sprite?" tanong ko.

"Genebra kung meron." alam kong nagloloko nanaman ito dahil sa tono palang ng pananalita ay ganito ang paraan n'ya para bwesitin ako.

"Wala akong oras para makipaglokohan, aalis na ako at sabihin mona ang pinapabili mo habang hindi pa ako nakakaalis."

"Bakit pinaghintay ba kita? ang bilin ko lang naman bumili kana rin ng maiinom." prankang aniya.

Hahampasin kona sana ito ng vase sa unahan n'ya nang bigla nalang ito nag sign of cross.

"Biro lang eh."

"Out of stock po ang aking pasensya kaya wag n'yo akong mabiro biro d'yan." saad ko at binalik na ang vase sa lagayan.

"Basta kahit anong maiinom okay ako." aniya saka ito bumalik sa panonood.

Umalis na ako at hindi na nagpaalam kay Direct dahil alam kong hindi ako papayagan nun lumabas nang hindi n'ya alam. Para kaming bata na bantay sarado ng magulang sa bahay.

May malapit na bilihan dito sa labas ng apartment na tinutuluyan namin kaya doon nalang ako bumili at tumingin ng pwedeng ulamin.

Kumuha ako ng dalawang klase ng steak, beef steak para sa ulam at cheese steak naman para sa desert. Kumuha narin ako ng tatlong bote ng pepsi sa ref para sa maiinom namin. Nang may nakita akong soju sa bandang taas ng ref pero malabong maabot ko ito dahil kahit nakatingkayad ang paa ko hindi ko manlang abot ang dulo ng taas sa ref sa sobrang taas neto.

Wala naman bumilin saakin na bumili ng soju pero gusto ko itry since curious ako sa lasa, madalas ko rin itong nakikita sa mga K-Drama na napapanood ko at 'di malabong nabuhay talaga ang intens'yon kong itry pagdating ko rito sa Korea.

Tumingin ako sa bawat paligid ko pero walang tao at balita ko konti lang ang customer nila sa Sunday since naghahanda na ang karamihan para sa darating na pyesta para bukas. At bukas narin kami magsisimulang magvideo nila Direct kaya kailangan kong sulitin ang araw na'to at makuha ang soju sa itaas dahil baka hindi na ako makabalik pa dito dahil sa sobrang strikto ni Direct saamin.

Inabot ko lang at tumingkayad sa abot ng aking height at makakaya, hanggang sa hindi ko namalayan na may nahulog na isang bote ng soju kakahawak ko sa freezer. Patay ako neto.

May lumapit na isa sa mga nagtatrabaho dito saakin para kausapin ako pero hindi ko maintindihan ang sinasabi dahil hangul nga.

Humingi lang ako ng tawad paulit-ulit at nag ba-bow, kahit sorry hindi ko alam sa korean kaya inenglish ko nalang ang sorry. Wala akong ideya sa sinasabi ng matanda pero ramdam kong galit na ito at nauubusan na ng pasensya saakin dahil sa nagawa ko.

May lumapit na lalaking hindi ko kilala, nasa unahan kona ito at nakikipag usap sa matanda. Nang makita kong mukhang ayos na dahil tumigil na ang matanda sa pagsasalita ay humarap naman ito saakin na s'yang kinakurap ko ng paulit ulit. Nasisilaw ako sa kagwapuhan n'ya, at confirm It's an Oppa.

"Uh, hi." nabalik ako sa realidad nang magsalita ito at kumakaway sa harap ng mukha ko, ang tangkad n'ya.

Naka black jacket ito at naka sumbrero habang nakapamulsa.

"Sorry." yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Are you okay?" senyales n'yang tanong saakin. Tumango nalang ako bilang sagot.

"You speak english?" tanong ko pabalik.

"A little bit." aniya, hay salamat sa d'yos.

"Don't worry about the damage, i got it." naintindihan ko naman sinabi n'ya kahit malalim ang boses neto at hangul parin ang pag english, nakaka buang ang boses.

"I'm really sorry for what happened, i'm new here and i just wanna grab that soju over there." bow parin ako ng bow sakanya dahil sa sobrang kahihiyan.

Hindi na n'ya ako pinansin, instead inabot n'ya ang soju at binigay saakin.

"Huh? thank you?" i said.

Teka alam ko ang korean ng thank you.

"Kamsahamnida." dagdag ko. Kahit nahihiya ay sinabi ko parin at nakita ko naman na napangiti ito sa sinabi ko.

"You speak korean very well." komento n'ya nang nakangiti parin. Damn that smile, nawawala ang mata n'ya but still cute.

Lumabas na kami ng store at akmang hihiwalay na ako ng direksyon nang tawagin ako neto ulit.

"Can i get your name?" tanong n'ya. Syempre sasabihin ko, aarte paba ako. Oppa 'yan oh.

"I'm Vanessa, and you are?"

"Oh, i'm Do-hyun."

"Do you have english name?" tanong ko ulit.

"I don't have one but i'm currently using Leo." he answered.

Kahit anong name ang gwapo parin pakinggan pag galing sakanya.

Nagpaalam na ako at ganun din s'ya saakin. Pag uwi ko lang saka ko narealize na para pala akong nasa K-Drama alam kong makapal mukha ko pero oo naisip ko 'yon.

Umuwi akong may ngiti sa labi maging sa pagluluto ng pagkain at paghuhugas ng mga plato ay nakangiti ako.

"Baliw." rinig kong saad ni Fritz habang nasa sala parin ito nanonood ng tv.

Ano bang pake n'ya, masaya ako ngayong araw eh.


End of Day 5.

30 Days to fall (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon