Day 7:

7 1 0
                                    

Roller Coaster.

Buong araw kaming walang ginawa kundi ang gumala pero walang masyadong pag-uusap, still nagkakahiyaan.

"Wala ba kayong ma-topic?" Direct asked.

"Uhm, 'di korin sure eh. Matagal narin since nagka kasama kami at gumala ng magkasama." sagot ko habang nakaupo naman si Fritz sa isang upuan dito sa park at kumakain ng popcorn.

Pachill chill lang ang tanga habang pinapagalitan na kami ni Direct.

"Walang mangyayari saatin kung ganyan kayo." aniya.

Hindi ako makapagsalita dahil totoo naman, saka i can't blame myself naman kung bakit ako ganito. Sino ba naman ang gugustuhing makasama ang ex n'ya sa isang travel. Kung hindi lang talaga para kina Mama ito, hindi ako magtitiis sa bawat paalala ni Direct.

Nakakaumay na pakinggan ang boses n'ya sa totoo lang, halos araw-araw galit ito at lagi kami ang pinagtutuunan ng galit n'ya. Hayst, no wonder tumanda itong lalaki.

"Direct, baka gusto mong mag film tayo sa Carnival." suggest ko. Para naman mabawasan ang init ng ulo n'ya.

"Hindi na, bukas nalang. Pagod narin ako sa buong araw n'yong puro lakad lang." nauna na itong naglakad at akmang susundan kona rin nang tawagin ako ni Fritz.

"Uwi kana agad?" tanong n'ya.

"Tsk, obvious ba?"

"Come on, 'wag mong sabihin na susunod sunod ka nalang sa matandang 'yon habang nandito tayo sa Korea?"

"Huh? bat naman hindi? s'ya ang director 'di ba?"

"I know, pero hindi naman porket s'ya ang nagpapatakbo ng game eh susunod-sunod kana sakanya."

"We have our own freedom." dagdag n'ya.

"Lakas makabigay ng advice bakit hindi mo ginawa saakin dati 'yan nung down na down ako sa lahat?" hinarap ko ito at tinangong s'ya ng seryoso. Napaka arogante n'ya saakin dati, samantalang ngayon makapagsalita parang alam n'ya ang lahat. Ngayon pa na hindi na kami?

Hindi ito nakasagot at tumingin lang saakin.

"Ang ganda mo." aniya na kinalaki ng mata ko. What the?

"Hindi 'yan ang sagot sa tanong ko."

"Pero 'yon ang gusto mong marinig galing sa'kin, hindi ba?" ngisi neto na agad kong kinatalikod. He's teasing me, again.

"Tsk, save your words. Hindi na n'yan mababago ang dati." saad ko bago umalis at iniwan s'yang mag isa doon.

Wala kaming masyadong nagawa kahapon and it made me realize something. Kailangan namin makabawi kahit papaano kay Direct, ayoko namang maging pabigat at walang maambag habang nandidito kami sa Korea. Besides si Direct lang ang pamilya namin dito na inaasahan namin sa araw-araw.

Hindi kaya ng kunsensya ko, hindi ako makatulog sa sobrang guilty. Ganito naba ako kabait?

Lumabas ako ng kwarto at kumatok sa kwarto ni Fritz.

Limang minuto na akong nandito sa labas pero walang response ang sira, natulog na ata.

Aalis na sana ako nang buksan neto ang pinto.

"Oh, what do you what?"

"Can i talk to you for a sec?" tanong ko. Pansin kong nakatulog na s'ya, humihikab pa at nangangati sa bandang hita, yuck.

"Pwede bang ipagpabukas mo nalang 'yan? natutulog na ako."habang bitbit ang unan sa kamay n'ya.

"Hindi pwede, bukas natin 'to dapat gawin eh. Kaya nga kita ginising."

Umupo ito sa sahig at nagsisipa na parang bata.

"Tatayo ka d'yan o ano?"

"Or else what?" paghahamon pa neto habang nakaupo parin.

"Ipagkakalat ko na naglalaway kaparin matulog." banta ko at agad naman itong tumayo at nauna nang bumaba saakin. Grabe, nawala agad antok ah.

Sumunod narin ako pababa at agad na pinag usapan namin ang plano para bukas.

"Ayoko." tanging sambit n'ya.

"Ano kaba kailangan nating gawin 'yon. Sayang effort ni Director J para dito." i said to convince this mug head.

"Oo, i agree with you. But, to ride that thing. Hell no!" pagmamatigas neto at umiiling pa.

Tsk, ang sabihin mo duwag ka lang sa matataas na sasakyan.

"Ayaw mo talaga?" i ask him again.

"Ehhh." paiyak na s'ya pero wala akong pake. This is the first time he acted like this napaka pabebe n'ya, para s'yang five years old na bata.

"Oo na, matutulog na ako." tumayo ito at nagsimulang maglakad paitaas, kahit mahina ay sapat narin 'yon para marinig ko galing sakanya.

"Talaga? wala ng bawian ah?" saad ko at niyakap s'ya sa likod sa sobrang tuwa ko. Nauna narin ako naglakad pataas.

For sure matutuwa si Direct bukas sa plano namin.

Papunta palang kaming Carnival pero gusto nang umuwi ni Fritz. Napaka duwag talaga, wala pa kami sa roller coaster namumutla at namumuti na s'ya sa nerbyos. Jusko Fritz, roller coaster lang 'to uy.

"Pwede mag back out?" rinig kong tanong n'ya habang nakatingin sa itaas ng umaandar na ride, may sumisigaw pa namang ilang tao, dahilan para madagdagan ang kaba na naiipon n'ya.

"Hindi, susunod na tayo oh." turo kopa nang mag panic naman ito dahil nasa unahan na talaga kami.

Excited ako habang s'ya halos himatayin na. Si Direct?
Nandun sa isang kainan sapat na para makita kami, kinawayan ko at inaya pero umiling lang 'to at nag thumbs up saakin. Hahaha isa pang duwag.

"Hindi ko talaga kaya 'to, Vanessa. Please, parang awa mona." ewan ko lang pero natutuwa ako sa ganito at maging sa kung ano ang nararamdaman ni Fritz ngayon. Parang satified ako at buo na araw ko, makita ko lang s'yang ganito. Ay demonyo.

Hanggang sa tuluyan na kaming makasakay at ganun nalang ang higpit ng hawak ni Fritz sa kamay ko habang nakapikit at humihinga ng malalim. Sobrang higpit parang ayaw na n'yang bitawan. Tsk, first time n'yang ginawa saakin 'to, dati parang wala lang sakanya. Ako pa nag aadjust sa lahat at gumagawa ng paraan para lang mahawakan ko kamay n'ya. Tapos gagawin n'ya pa 'to saakin? ngayon pa talaga? na wala nang kami.

"You're gonna be fine, just trust me. Okay?" pagpaptahan ko sakanya habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito bago paandarin ang ride.

Hanggang sa huminto na ang ride. Ang saya sobra, kahit hilong hilo ako pagbaba. Worth it ang pagbili ko ng ticket.
Habang si Fritz? ayon nasa banyo sumusuka.

Sinalubong ako ni Direct at hinanap saakin si Fritz, tinuro ko lang ang banyo bilang sinyales at agad n'ya namang naintindihan ang ibig kong sabihin dahilan para matawa kami pareho dahil sa kaduwagan ni Fritz.


End of Day 7.

30 Days to fall (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon