Day 8:

7 1 0
                                    

Celebration.

"Direct, nakunan mo ba?" tanong ko.

"Yes, recorded lahat including yung sumasakay kayo sa roller coaster. May ilang picture din akong nakunan." he replied. Ayos hihingi akong copy later pang block mail kay Fritz, I'm pretty sure may epic pics n'ya doon habang nasa taas kami ng rides kanina.

"How are you, Fritz?" tanong ni Direct kay Fritz na ngayon ay nahihilo parin at nakaupo sa tabi n'ya.

"Good." aniya pero kita kong nakatulala parin itong tumitingin sa rides, natawa nalang ako nang manindig ang balahibo n'ya sa braso. Mukhang nakita n'ya naman ang reaction ko at agad na napaiwas ng tingin. Tsk, what a coward.

"Since you two did great kahapon, nakarecord na tayo ng isang episode and because of that I'm gonna prepare a dinner party for us tonight, for our first film video celebration." Ramdam ko ang saya ni Direct, he can be nice naman pala.

"Direct, are you sure na dapat nating i-celebrate dito?" tanong dahil dinala kami ni Director J sa mukhang mamahaling restaurant. Kaiyak ang laki ng chandelier sa taas tapos exposed kami sa lahat ng tao dahil sa gitna kami nakaupo. Feeling ko tuloy VIP kami dahil sa dami ng waiter na nakapaligid.

"Oo naman, dapat gawin nating special 'to. Remembrance narin natin dito sa Korea." he said conving me while si Fritz? heto pachill-chill lang. Normal lang sakanya ang mga ganito dahil laking mayaman naman s'ya kaya hindi na nakakagulat.

Naiilang ako kung tutuusin dahil hindi ako sanay sa ganitong lugar ng kainan, lahat ng tao sa loob puro may suot na mamahaling alahas. Habang mas prefer ko naman ang simpleng kainan lang.

Pinilit kong itago ang hiya ko, at kumain nalang. Nang mabulabog kami ng isang away sa kabilang table. The man with the two girls on his table keeps on pointing and shouting random words to the waiter. Hindi ko halos maintindihan ang sinasabi ng lalaki ang alam ko lang yung word na 'shibal'.

He keeps on saying that to the waiter, kahit medyo malayo ay nakikita ko ang away sa table namin at rinig na rinig ang sigaw ng lalaki sa loob ng restaurant.

Hanggang sa nagkumpulan na ang mga tao at tumayo naman si Direct para tignan. Chismoso direct ah.

Naiwan kaming dalwa ni Fritz sa table at sakto namang nagtama ang tingin namin nang tumingin ako sa harap ko.

"Oh, tingin tingin mo d'yan?" i ask him sarcastically.

Ngumiti lang 'to sa'kin na kinairap ko sakanya at humigop nalang ng sabaw.

"Namiss kita." bigla netong saad dahilan upang mabulwak ko ang hinihigop kong sabaw, what up with this man? napaka unpredictable n'ya. Walang pinipiling oras makalandi lang.

"You okay?" abot neto ng tissue saakin.

"I'm good." hindi kona kinuha ang iniabot n'yang tissue. Instead kumuha ako nang akin mismo sa table.

Ilang minuto pa kaming walang ginagawa kundi ang maging tahimik at humigop ng sabaw, here it goes again. The awkwardness.

"So, uh. How are you?" tanong n'ya.

"Huh? oh, I'm good. Currently working sa Shakeys restaurant para sa alam mo 'yon maintenance na gastusin ng pamilya." kahit awkward ay nagawa ko paring sagutin ang tanong n'ya saakin.

"Ikaw ba, how are you and your fam?" tanong ko pabalik.

"Uhm, I'm good. My brother is in charge of the company." he said pero hindi ko nakikita yung good na sinasabi n'ya, there's still something na hindi n'ya p nasasabi.

"Gaano ka ka-good?" wala sa sariling tanong ko. Narealize ko nalang when it's already too late dahil mukhang nagulat ata s'ya sa tanong ko, shit. Ayoko namang isipin n'ya na concern ako sakanya.

"I mean, hindi mo naman kailangan sagutin kung ayaw mo pag usapan. Sorry my bad." agad akong humingi ng tawad.

"Hindi, ayos lang. I haven't talk much about this lately. Gusto ko lang din mag share. My Brother is currently the incharge of the company dahil matanda narin si Dad at hindi na nakakalakad. I tried my best back then para lang ako ang sumunod sa yapak n'ya na maging next CEO of our company pero he still chose my brother. Hindi n'ya nakikita ang paghihirap at pagsisikap ko just make him proud." kwento n'ya.

I admit, kahit gaano pa ako kagalit sa lalaking 'to. Lumambot ang puso ko nang marinig ko ang kwento n'ya.

"Wow, anak ng isang CEO sa isa sa mga sikat na kompanya sa pilipinas and yet your still here in Korea nakikilaro sa underrated game show." saad ko that made him giggle.

"Hindi naman sa pagiging buwaya, pero sinadya ko narin sumama magtravel and to take the challenge to prove my Dad na ipagmamalaki n'ya rin ako balang araw."

"You're gonna make him proud, and win this game?" tinanguan n'ya nalang ako as a response.

As expected from this guy, hindi parin talaga s'ya nagbabago. Still focusing on someone that can't even see his hardwork. Nagpapakahirap s'ya para lang mapatunayan 'yon sa Dad n'ya.

"Well, good luck. Kase hindi rin ako magpapatalo. May the best player win." ani ko at ngumiti naman s'ya.

Bumalik na si Director sa upuan at panigurado may baon 'tong chismiss.

"Oh, what happened?" Fritz asked.

"Yung customer, nagwawala dahil sa mali ang naibigay na order ng waiter." kwento ni Direct saamin.

"Eh, dapat pinalitan nalang. Hindi na dapat nauwi sa sakitan." sabat ko. Mga mayayaman talaga.

"Don't mind them, kain nalang tayo. Hindi naman natin kilala 'yon."

Nang matapos kaming kumain ay talaga namang worth it ang pagdala ni Direct saamin sa restaurant dahil nabusog ako. Ganun din sila ni Fritz.

8:35 pm na ng gabi nasa labas parin kami. We decided to take a walk instead na mag taxi, malapit lang naman sa apartment namin, ilang kalye lang ang lalakarin nandoon kana. Sayang pamasahe ang mahal mahal ng bayad dito.

As soon as we enter our room, we said good night to each other at pumunta narin ako ng kwarto to take a nap. Dito palang nagsisimula ang saya, nararamdaman kong may susunod pa na araw ang darating. Looking forward sa magiging resulta ng game.

End of Day 8.

30 Days to fall (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon