Prologue:

26 5 0
                                    

Meet Up

Vanessa's POV:


Kasalukuyan akong naglalakad patungong studio kung saan naimbitahan akong maglaro ng isang game.

Nang makita ko sa labas ang isang pamilyar na mukha.

Hindi ko akalaing makikita ko dito ang lalaking nanloko saakin last 3 years ago, lumingon din ito sa kinatatayuan ko at kumaway pa ang gago. Denedma ko nalang at nagpatuloy nalang pumasok sa loob ng studio at hinintay na dumating ang direktor ng sinasabing game show.

Ilang saglit pang paghihintay ay dumating na ito at sinalubong ako ng beso at pinahawak ang bag neto saakin.

"Oh, hi ija. As you can see I'm the director of this game show, let me introduce my self first. I'm Joseph Sanchez, you can call me director J." pagpapakilala neto saakin saka umupo nang nakataas sa lamesa ang mga paa.

Ibinaba ko ang bag sa lamesa n'ya at akmang uupo na sana nang magsalita ulit ito.

"Pinaupo ba kita?" tanong ni Direk J at agad naman akong tumayo at pumwesto sa gilid ng lamesa n'ya.

"Let me know your name first bago ka mag atubiling umupo." aniya.

"I'm Vanessa Vergara po 23 years of age and currently have a part time job sa shakeys restaurant." pagpapakilala ko.

"So, ano naman ang nagtulak sa'yo para sumali dito?"

"Una, inimbitahan ako na maglaro since wala naman akong masyadong ginagawa na sa pang araw-araw and i wanna help my family specially yung kapatid ko na makapagtapos kung sakali mang mananalo ako dito." sagot ko habang paikot ikot si direk sa loob ng opisina n'ya na nakikinig saakin.

"Okay, good answer. Here's the last question, marupok kaba?" tanong n'ya na kinakunot ng noo ko.

"Uhm, hindi. Unless, it's about my family ang pinag uusapan."

"You have a good sense of humor, consistent ka sa pamilya mo and i see that you are totally focus sakanila and willing to take all the challenges. Satingin ko you're the perfect one to be in this game show. But for now, hintayin nalang muna natin ang makakasama mo sa travel." Director J said at pinaupo na ako saka naman ito nag focus sa laptop na nasa harap n'ya.

Bumakas ang pinto at pumasok ang lalaking hindi ko kailanman na gugustuhing makita.

"oh, you're here ijo. What's your name?" salubong ni Director J sakanya. Tumingin ito sa'kin pero inirapan ko nalang ito at tumingin sa kabilang side.

"I'm Fritz Guerero, 24 currently single." rinig kong pagpapkilala neto kay Director.

"Tss, malamang magiging single kaba kung hindi ka nag cheat?" sabat ko sa isip. Hindi naman ako warshock kaya hindi kona ito kinompronta, okay na ako sa kung ano man ang nangyayari ngayon sa buhay ko, pinarealize n'ya saakin na kaya ko palang mabuhay mag-isa. Kaya kong magtrabaho nang hindi s'ya ang inspiration ko.

"Okay, tutal nandito na kayo parehas. Now let's talk about how the game show work." pninimula ni Director kung saan nakaupo ito sa kaharap kong upuan.

"Rules are simple, We have to travel to Korea then enjoy lang kayo doon while i'm filming you guys for 30 days, pero kailangan bawal kayo ma attached to each other dahil matatalo kayo, you can talk to each other, you can go anywhere you guys want, you can be sweet to each other, pero don't get fall in love again. We make this show para talaga sa mga mag ex para exciting. Always remember, who ever fall in love first will lose the game. So, good luck fellas." paliwanag ni Director.

"Wait, what do you mean we can still talk to each other. Baka pwedeng 'wag nalang?" suggest ko kay direct dahil hindi ko talaga kaya na kausapin ang lalaking walang ginawa kundi ang lokohin ako.

"No, you know you can be disqualified because of that reason. You have to talk to each other din, para bigyan naman natin ng konying entertainment ang mga manonood." i just sigh defeatedly, ano pa nga ba ang magagawa ko.

"Then, what if we both win. Ilan ang grand prize?" Fritz asked.

"2 Million pesos, pero pag nanalo kayo parehas paghahatian n'yo 'yon. 1 Million Pesos each of you guys." saad ni director dahilan ng pag nganga namin ni Fritz.

Seriously, mamimigay sila ng 2M para lang sa isang game? grabe, ganun na ba talaga sila kabaliw?

"So, that's all for today. See you tomorrow sa airport 5pm don't be late kung ayaw n'yo ma-late sa flight." paalala ni director saka kami tuluyan nang makalabas sa opisina neto.

Umuwi na ako at nag impake agad agad para makapag ready bukas sa flight papunta sa dream place ko wich is South Korea.

Matagal ko nang pinapangarap na makapunta doon ever since i was little talagang pinangarap kona makapunta doon at makita ang mga iniidolo kong Singer at K-Drama actors.

Nag ready na ako ng mga gamit na dadalhin ko dahil baka tanghaliin ako ng gising at least nakapag ready na ako ng gamit.

I was about to sleep nang may tumawag na unknown number. Seryoso, alas dose ng madaling araw may nag atubiling tumawag.

"Hello?"

"It's me." aniya, sapat na para marealize kong si Fritz itong tumatawag. Ang kapal ng mukha.

"Oh tapos?"

"Pinapaalala lang ni Direct na maaga ang flight bukas."

"Narinig ko sinabi n'ya kanina bago ako lumabas, hindi pa naman ako bingi ewan ko lang sa'yo." sagot ko. Nakakairita nananadya ba 'to?

"Ang sungit neto, nagpapaalala lang naman ako." dipensa n'ya.

"Tss, talaga lang ah? alam mo Fritz luma na 'yang style mo na 'yan. Ganyan din sinabi mo saakin nung tayo pa." Rinig kong natawa pa ito sa kabilang linya .

"Ahh, i see. Still remember those sweet words of mine eh?" siraulong saad neto. Nialandi nananaman ako ng hinayupak na'to.

"Gago, style mo bulok!" sigaw ko at agad na binaba ang call.

Kung satingin n'ya easy to get ako hindi na mangyayari 'yon. Kung dati mabilis n'ya akong napa ibig, hinding hindi na mauulit 'yon ngayon dahil ibang Vanessa na 'to kumpara sa dating marupok na Vanessa.

Starting bukas mababago na ang buhay ko. I just gotta have to win that prize at hindi lang buhay ko ang mababago, pati buhay ng pamilya ko. Humanda ka Fritz Gueroro tatalunin kita.

30 Days to fall (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon