Day 6:

8 2 1
                                    

Libre

Natulog ako ng maaga kagabi dahil excited na ako para sa film namin gay'on din sa game. Matagal ko na itong pinaghandaan kaya I'm pretty sure malalagpasan ko 'to at tatakunin si Fritz sa laro. May pinangako ako kay Mama at paninindigan ko ang mga sinabi ko sakanya lalo na sa kapatid ko, hindi ako marupok.

Bumaba na ako pero wala parin sila, chineck ko ang oras at alas tres palang pala ng madaling araw. Yawain sobrang napaaga ata ako ng gising, can't blame myself though excited ako eh.

Bumalik muna ako sa kwarto at sumilip sa bintana na ngayon ay may ilang mga tao narin pala ang gising, ngayon pala ang pyesta dito sa kalsada.

Nagsasabit ang ilan sa itaas ng ilang ballon at sakabila naman ang sign na hindi ko mabasa kung ano ang nakasulat.

Grabe sila, talagang planadong planado pagdating sa mga pyesta, lahat nagtutulungan sa gawain at kumikilos bilang grupo. Panigurado magiging maganda at masaya talaga mamayang umaga at hindi na ako makapag hintay pa.

Patuloy lang ako sa panonood sakanila sa bintana ng kwarto nang may nakita akong isang pamilyar na tao sa baba, naka bkack t-shirt ito at pawis sa ginagawa na ngayon ay bumaba na ng hagdan, s'ya pala ang isa sa mga nagkabit ng poster sign sa itaas, hindi ko manlang napansin dahil sa malayo din ito at natakpan ang mukha n'ya.

Nakita ko lang ng buo nung bumaba na ng hagdan. It's him, si Do-hyun. Yung oppa na tumulong saakin kahapon sa store para abutin ang soju.

Jusko lord, ganito naba ako ka-blessing para makita at makilala ko ang isang gwapong koreano. Oppa material talaga ang dating n'ya alam mo yung mga dating na pang Korean Actor, Lee jung sok ang ngiti, Park so joon ang katawan, Kim so hyun ang mata at Kim Taehyung ang ilong. Imagine kung gaano s'ya ka-gwapo na pinaghalong ibat-ibang korean actor.

Agad naman akong napaiwas at nabagok ang ulo sa bintana nang lumingon ito sa direksyon ko.

"Sana hindi ako nakita." saad ko sa isip. Tiniis ko kung gaano kasakit mauntog sa bintana ng todo kesa makita n'ya ako, baka isipin n'yang binabantayan ko s'ya all the time. Totoo naman 'yon pero ayokong isipin n'ya na baka creep ako.

Sumilip ako ng kaunti sa labas at agad namang gumaan ang loob ko nang hindi na ito nakatingin dito at nagpatuloy na sa ginagawa n'ya. Sheesh, thank god.

Ilang oras pang pagbabantay ay may kumatok sa labas ng pinto ko.

"Vanessa?" rinig kong tawag ni Direct sa labas.

"Inaantok pa po ako Direct." kunwari kong sagot.

"Ngayon na tayo magsisimula, ikaw nalang hinihintay namin ni Fritz lalabas na tayo." aniya kaya agad kona itong pinagbuksan.

"Let's go." salubong ko na kinagulat naman neto.

"Akala koba inaantok kapa?"

"Eme lang direct." ani ko at nauna nang maglakad pababa na sumalubong naman saakin si Fritz na ngayon ay matyagang nakaupo at nag aantay sa sala.

Sumunod naman si Direct at nauna nang lumabas na sinundan namin bago lisanin ang apartment.

Ganun nalang ang pagka mangha ko nang masilayan ko ang naging resulta ng paghahanda ng mga tao dito kaninang madaling araw. Sobrang ganda kung ikukumpara sa normal na pyesta, talagang napaka galing ng mga Korean Citizen at sobrang seryoso pagdating lamang sa isang normal na salo salo.

Ang lahat ay masayang nakikihalo bilo, may mga ilang taga ivang bansa din ang nakisalo at talaga namang tinanggap ng mga tao ang mga foreigner at walang pang  descrimination, marespeto sila sa lahat. 'Yon ang nakita at nasaksihan ko simula ngayong araw, ang akala ko kasi may pagka arogante ang mga Korean People at hindi tumatangggap ng mga taga ibang bansa.

Sinabitan pa ako ng isang babae ng rosas sa tenga, hindi ko s'ya kilala pero ramdam kong welcome kami sa pyesta nila. Sobrang bait ng mga tao dito.

Ganun din sa ilang mga taga ibang bansa na dumalo, maingay at maraming tao sa paligid, takbo dito takbo doon ang mga bata. Habang kami naman ay nanatiling nakatayo sa pwesto namin at pinagmamasdan ang lahat.

"Walang mangyayari pag tumayo lang tayo. Let's start to film." Director J said at nagsimula nang buksan ang camera n'ya at agad na tinutok saamin ni Fritz na ngayon ay nagpoprocess parin sa mga nangyayari. Hahaha cute.

"Magsalita naman kayo." ani ni Direct.

"Paano po ba?" lutang kong tanong.

"Mag usap kayo ganun, kunwari may plano kayo, ififilm ko muna kayo kunwari you two are getting along with each other saka nalang ako magbibigay ng task." aniya.

Grabe naman direct, film pa lang nahihirapan na kami sa task pa kaya.

"This is how the game works, you have to get along with each other, you can be sweet, you can date, you can do whatever you want. But never fall in love ir you'll lose. I mean nagets n'yo naman diba?" natatawa ako dahil nauubusan na ng pasensya si Direct and yet we're still don't know how to do it. Na awkward ako bigla.

Tumango nalang kami na kunwari ay may naintindihan kami ni Fritz pero hindi talaga namin kaya dahil it's been a long time narin since we were out like this, together.

"Uhm, wanna eat?" awkward na tanong saakin ni Fritz.

"Uh, sure?" sagot ko. Hindi talaga ako sigurado.

Naglakad lakad lang kami habang nasa likuran naman namin si Direct na nagfifilm na ngayon at sumusunod. Hanggang sa may nakita akong nagbebenta ng ice cream kaya sinabi ko kay Fritz na tamang timing 'to para sa video.

Tumango naman si Fritz saakin bilang pagsang ayon, kahit awkward kami sa isa't-isa ay nagawa parin naming makapag usap at makapag kunwaring magkaibigan.

Bumili na s'ya at gayon din saakin, tumatalon pa ako sa sobrang tuwa dahil ibang klase ang ice cream dito parang ngayon lang ulit ako nakabili. Ang sarap talaga pag libre and It's been a while since we hang out like this.

Hindi kona pinansin ang hiya at kung kanina lang ay hindi ako mapakali dahil na-awkward ako sakanya, pero ngayon ay gumaan ang pakiramdam ko dahil we actually get along nananaman ulit.

Namiss ko 'to.

Namiss ko 'to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


End of Day 6.

30 Days to fall (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon