Day 2:

12 3 1
                                    

Welcome to Seoul

Ilang oras pang byahe at sa wakas ay nakarating na kami sa Korea na kailan may hindi ko inexpect na makakapunta pala ako bansang 'to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ilang oras pang byahe at sa wakas ay nakarating na kami sa Korea na kailan may hindi ko inexpect na makakapunta pala ako bansang 'to. Sa wakas nandito narin kami, napagod ako sa byahe at nanmamanhid narin pwet ko kakaupo pero lahat ng iyon napawi noong nakita kona ang lugar pagbaba ko ng  eroplano. Airport pa lang maganda na sa syudad pa kaya.

As soon as we got out of the airport hindi ko ma-imagine ang ganda at sobrang lawak ng lugar dito, hindi ko maalis ang tingin ko sa matataas na building, binibilang ko pa kung ilang palapag dahil sa sobrang paghanga ko nagmumukha na akong baliw.

Pinagtitinginan na ako ng mga Citizen dito dahil sa kahibangan ko turo ako ng turo kung saan saan, para daw akong bata sabi ni Fritz. Ano bang pake n'ya nag eenjoy ako e.

"Oh, mga bata 'wag lalayo baka mawala kayo sa sobrang kawak netong lugar. Hintayin lang muna natin saglit ang sundo natin." saad ni Director kaya nanatili muna ako sa kinatatayuan ko at habang nakatingala parin sa billboard kung saan pinapakita ang mga iniidolo kong Boy band na BTS.

"Uy, mga asawa ko 'yan." turo ko sa taas saka tumatalon pa sa sobrang tuwa.

"Alam mo nakakahiya ka." rinig kong kontra ni Fritz.

"Una sa lahat, wala kang pake. Pangalawa, just mind your own business will you?" i glare at him at inilingan nalang ako neto at tumingin sa paligid.

"Oh, ayan na ata sundo natin." saad ni Director at agad na naming kinuha ang bagahe namin at isinakay sa Van.

"Dadaaan daw muna tayo sa restaurant dito bago tayo pumunta ng apartment na tutuluyan natin."

"Okay po, Direct." we both agreed.

As soon as we reach sa sinasabing kainan ay agad na akong lumabas at agad na sumunod kay direct dahil nagugutom na talaga ako mula pa sa flight
Ilang oras pang paghihintay ay sa wakas dumating narin ang inaasam asam kong pagkain, seryoso? dalawang oras akong nag antay sa isang noodles lang? magpo-protesta na sana ako pero mas nangunguna ang gutom ko kaya kesa magreklamo mas pinili ko nalang lumamon.

Nang matapos na ako ay saka naman umalis si Direct at nagbayad ng kinain namin. Pinaghintay muna kami ni Fritz sa labas ng Van.

"Mag kasintahan ba kayo?" nagulat ako sa tanong ni Manong driver 'yong sumundo saamin sa airport, hindi ko napansin magaling pala itong magtagalog dahil wala talaga sa itsura n'ya ang dugong pilipino.

"Ahh, hindi po." sagot ko na kinatingin namin sa isa't isa ni Fritz dahil maging s'ya ay nagulat din ata sa tanong ni Manong.

"Dati lang po." dagdag ni Fritz dahilan upang hampasin ko ito sa braso.

"Aww, ano ba? nagsasabi lang naman ako ng totoo." aniya at hinihimas ang braso na hinampas ko.

"Mukha nga, mukha pa kayong bata at marami pang magagawa sa hinaharap kaya 'wag n'yong hayaan na masira 'yon dahil sa isang malaking pagkakamali." saad ni Manong.

"Ahh, opo. Saka hindi naman ako dapat ang pagsabihan n'yo, hindi naman ako ang nagloko diba?" ngiti kong tingin kay Fritz na kinakunot ng noo n'ya.

"Tss, kung hinayaan mo lang sana ako magpaliwanag edi sana tayo parin ngayon." dipensa neto.

"So, kasalanan ko?"

"Depende sa'yo."

"Tarantado kaba?"

"Parehas kayong may mali, alam n'yo sa sarili n'yo 'yon hindi n'yo lang inaamin dahil parehas pa kayong hindi mature mag isip, kung pinairal n'yo lang sana ang magpakumbaba at magpatawad dati edi sana masaya parin ang relasyon n'yo ngayon." sabat ni Manong na kinatahimik namin.

"Maiba po ako, paano n'yo po napag aralan ang magsalita ng tagalog?" tanong ko dito.

"Ang nanay ko pinay, pinanganak ako sa Pilipinas. Bago nawala ang tatay ko nakabalik na ako dito sa Seoul at dito na nakapag asawa at nakabuo ng pamilya." kwento ni Manong.

"Manong, hulaan ko. Pinay din asawa n'yo 'no?" curious akong malaman eh bakit ba.

Tinanguan nalang ako neto bilang sagot, sabi na. Tama talaga ang sabi sabi pag mga babae tamang hinala.

"Tss, naka chamba ka lang eh." rinig kong bulong ng impakto sa tabi ko.

Babatukan kona sana ito sa inis nang bigla nalang dumating na si Director habang bitbit ang isang kahon.

"Seriously, direct? hindi kapa nabusog sa kinain natin kanina?" tanong ni Fritz.

"Sino ba naman mabubusog sa pancit lang?" aniya saka ito nauna nang pumasok sa Van.

Sumunod na kami at nagsimula nang magmaneho si Manong papuntang apartment na tutuluyan namin parsamantala.

Ilang oras pang byahe ay nakarating na kami sa malaking building at sa harap neto ay may mga bilihing merch at street foodnaman ang sa kabila.

Grabe mga paninda nila dito 24/7 nasa labas walang pakealaman sa kung manakaw man. Kung sa pilipinas 'to wala na lahat ng paninda kinabukasan.

5 am pa lang naman at medyo madilim pa ang langit kaya napagpasyahan muna namin na pumasok muna sa apartment at magpahinga ng konting oras bago bumili ng mga pangangailangan.

"Sakto may tatlong kwarto dito isa isa tayo saakin ang sa baba habang kayong dalawa sa itaas, kayo na bahala pumili kung saan kayo pupuwesto." ani ni Direct at matik na isinara ang pinto ng kwarto neto saka kami hinayaan na sa labas.

Nauna na akong maglakad paitaas at pinili kong sa left side ang magiging permanenteng kwarto ko, may bintana ito at makikita dito sa ang labas ang mga ilaw at syudad kung saan na dinaanan namin kanina papaunta dito.

Buti nalang ay wala akong narinig na rekalamo galing kay Fritz dahil kung tutuusin ay mas prefer neto ang bandang kaliwang kwarto.

This is it, i'm already here in Korea. Hoping to find more adventure habang kasama ko sina Direct. Susulitin ko itong mga moment na nandito ako.

Once in a lifetime lang ito mangyari, nabigyan ako ng opportunity to travel here habang yung iba ay hanggang pangarap lang kaya i made a promise na dapat ienjoy ko itong mga araw na nandidito ako, not only playing the game pero dapat worth it din pag uwi ko ulit ng pilipinas.

Dapat uuwi akong walang pinagsisisihan.

End of Day 2.

30 Days to fall (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon