Day 4:

6 2 0
                                    

Grocery.

Kasalukuyan akong nagbibihis at pumipili ng damit na susuotin. Oo, alam kong mag go-grocery lang kami pero dapat i have to dress casually tulad ng saad ni Direct. What if may Oppa doon, oh edi aahon na sa kahirapan ang lola n'yo. Hindi lang winner makakapag uwi pa ng Koreano sa Pinas.

Nang matapos na ako ay agad na akong bumaba, naka long dress ako at naka ponytail ang buhok habang  may naka ipit ng hairpin sa magkabilang side ng buhok ko. Ayon kasi sa research ko kagabi bago ako matulog ito ang mga pormahan ng mga dalagang koreana dito sa Seoul sa panahon ngayon.

Wala man tayo sa pilipinas kailangan magmukha parin akong dalaga sa paningin ng mga Oppa, malay n'yo swertehin tayo at makabingwit ng Yeobo.

"Ano 'yang suot mo?" kita ko ang pagkairita sa tingin ni Fritz saakin.

"Oh bakit? ito ang uso na outfit ng mga Koreana ngayon." saad ko pabalik.

"Oh bakit, koreana kaba?" walang ganang tanong neto saakin.

Tinignan ko lang din s'ya ng wtf look as a sign of you should shut up before anything happens.

Lumabas na si Direct galing kwarto pero hindi ito nakabihis.

"Direct hindi kaba sasama?" tanong ko.

"Hindi, kayo nalang. Nand'yan naman si Manong para ihatid kayo." aniya.

"Ano ba 'yang suot mo?" tanong ni Direct saakin habang nakahimas pa ito sa batok n'ya.

"Dress." maikli kong sagot at flinexx pa ang suot ko sa harap n'ya.

"Graduated kana pero isip bata kapa rin." kahit kailan talaga ang pasmado ng bunganga ni Direct.

Buti nalang naging Director ito, kung hindi baka kung ano na nagawa ko sakanya.

Rinig kong napatawa ng mahina si Fritz sa sinabi ni Direct at hindi ko nalang 'yon pinansin dahil ayoko na  makipag argue, sayang outfit ko.

"Uy, nga pala. Yung paalala ko kahapon 'wag n'yo kalimutan." paalala ulit neto tinanguan ko nalang at nagpatuloy na naman itong naglakad papuntang kusina.

"So, paano ba 'yan? you heard the boss."

"Tara na." ani ni Fritz at nagpatuloy na kami.

Tahimik kami sa buong byahe, hanggang sa nakarating na kami sa grocery. Hindi ko mabasa ang nakasulat sa tindahan pero ramdam kong ito na ang tamang lugar na dapat naming pupuntahan.

Bumaba na kami at naghintay nalang muna sa labas si Manong. Kumuha naman ng cart si Fritz as soon as we enter inside the store at humiwalay ako ng direksyon para humanap ng pwede naming kainin.

Grabe ang mga paninda dito ramdam ko naman na masarap dahil pangalan palang nakakagutom na, hindi ko mabasa eh.

Cup noodles lang alam ko dahil ganito lang din kasi ang binibili ko sa pilipinas, iba lang ang nakasulat.

Mahigit sampung minuto narin akong naglibot libot sa loob ng store pero wala akong maisip na pwedeng lutuin para mamaya, ang ganda sana ng mga paninda kaso magugutom naman ako kakaisip palang ng pangalan ng mga paninda dito.

Nakita ko si Fritz kaya nilapitan ko nalang ito at mukhang marami na rin s'yang nakuha na bilihin.

"Aba, lakas makakuha ng paninda hindi mo naman mabasa." mahina kong sabi.

"Bakit kaya mong basahin? eh noodles lang naman alam mo." aniya saka ito nauna nang maglakad at iniwan akong nakatunganga doon. Para saan 'yon?

"Hoy!" tawag ko pero hindi ako neto pinansin at nagpatuloy nalang pumila sa casher.

Ilang saglit pa ay natapos na kaming magbayad at agad na lumabas sa store at nagtungo na kay manong, nangunguna parin 'to sa paglalakad at nasa likod naman ako habang bitbit ang ilang mga bilihin. Napaka gentle man talaga, saakin pa pinadala ang mga delata at mabibigat.

"Kahit kailan talaga napaka romantiko mo." saad ko sa likuran pero dinedma lang ulit ako neto.

"Kasalanan mo 'yan, sa dinami dami ng masusuot mo long dress pa. South Korea po itong pinuntahan natin hindi North." prankang aniya.

Tinignan ko lang ito ng masama saka binato ng isang cup noodles.

"Grabe hindi ka parin nagbabago, pikunin ka parin sa maliliit na pang aasar."

"But no worries, it's still cute tho." dugtong neto.

Naupo nalang ako sa gilid ng Van habang nasa kabilang side naman s'ya.

Tss, nangbobola nanaman palibhasa alam na alam n'ya kung paano ako suyuin.

"Kung iniisip mong nangbobola lang ako, i ain't. I admit, mukha ka talagang bata sa suot mo ngayon and that's cute." rinig kong saad neto habang nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamsdan ang labas.

Hindi ko alam, pero patago akong napangiti kahit simpleng compliment n'ya lang talagang hindi ko parin maiwasang ngumiti.

Hindi kami nag uusap mula pa sa byahe kanina hanggang sa nakarating na kami sa apartment at dala dala ang mga bilihin. I have no choice na dalhin lahat ng delata na'to sa room namin. Ang mas bwesit pa hindi pinagamit ang elevator dahil under construction daw sabi ni Manong. Ang layo pa talaga ng room namin na 345, while room 215 palang ang nadadaanan namin. Gosh, more stairs.

That's it, hindi na talaga ako mag lolong dress pag lumabas kami at bumili ng kung ano-ano, ilang beses ba naman ako muntikang mahulog sa hagdan dahil ang dulo ng dress ko ay sumasayad at naaapakan ko.

Pagod na'ko kakalakad habang may bitbit na ilang delata sa dalawang kamay. I didn't ask for help since may dinadala din naman si Fritz at Manong.

Tumigil ako saglit para huminga at punasan ang pawis ko na ngayo'y halos buong damit ko ay nabasa na, mukha na tuloy akong kargador na nalugi dahil sa sobrang pawis ko, free shower habang may bitbit na delata.

Bigla nalang binitbit ni Fritz ang isang buong cellophane na naglalaman ng mabibigat na delata, habang naiwan saakin ang isa.

“Hoy, kaya ko naman dalhin 'yan. Mula store nga nakaya ko eh.“ ani ko habang nakaupo at humihinga ng malalim sa pagod. Kaya ko naman talagang dalhin, konting pahinga lang and I'm ready to go ulit.

”Nagmamagandang loob lang ako, 'wag mo nang antayin magbago pa isip ko. Alam kong napagod ka, kaya ako naman magdadala.” aniya at nauna nang maglakad.

Parang wala lang sakanya ang mga dinadala, may bitbit itong kahon sa kaliwang kamay habang mga delata naman ang sa kanan.

Well since tumulong, hindi na ako magrereklamo. Hindi ko naman pinilit, nagkusa s'yang tumulong.

Thank you, Fritz.


End of Day 4.

30 Days to fall (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon