Chapter 18//Sana may maalala ka na

550 16 1
                                    

Chapter 18

*Sana may maalala ka na*

“Ui! Tulala ka dyan? Pinagnanasaan mo na naman ako nuh?” sabay snap nya sa mukha ko.

“Oi. Di ah. Kapal mo naman.” – ako

“Sus. Okay lang yan. Bhie mo naman ako eh.” – Jared sabay akbay. Nagtilian tuloy yung mga tao dito sa loob ng WOF.

“E..ewan ko sayo.” – ako sabay alis ng akbay nya tas lumakad palabaas

“Hoy! Hintayin mo naman ako. Sige ka. Nasa akin si Domo.” – Jared

*stop*

“Amina.” Sabay lahad ng kamay ko sa kanya para kunin si Domo kaya lang mali ata ng pagkakaintindi ng mokong na to. Pano ba naman,

Hinawakan kamay ko. hinihigit ko pabalik, ayaw naman bitawan. =____=

“Sus. Gusto mo lang pala holding hands tayo eh. Tara na. gala pa tayo.” – Jared

Poknat na to. Masyadong Feel-Am. Feelingero na nga, Ambisyoso pa.

Ay. Naalala ko yung Penshoppe. Haha.

“Tara sa Penshoppe. May bibilhin lang ako.” Sabi ko sabay higit sa kanya. Pansin ko medyo namutla ata sya. Haha. Sabin a eh. Pagkakaguluhan to malamang.

“Teka, di ba pwedeng sa Bench na lang o kaya sa Tribal? Madami pa naming iba dyan eh.” Sabi ni Jared sabay tigil. Napatigil din ako. Hawak nya kamay ko eh.

“Bakit? May dapat ba kong di Makita dun ha?” – ako sabay smirk sa kanya.

“wa..wala naman.” – Jared

“Oh? Yun naman pala eh. Tara na.” sabay higit ko ulit sa kanya. Di na sya nakapalag. Haha. Ako pa. ^__~

*PENSHOPPE*

“Dalian mo naman uy…” – Jared na parang engot na tago ng tago. :P

“Sandali lang naman.” – ako habang namimili sa dalawang t-shirts.

Actually, nakita ko na yung poster nya. Wafu nga eh. Nakasandal pa sya nun sa pader tapos naka-cap na medyo nakayuko. Basta imagine nyo na lang. Akala siguro di ko napansin. Dire-diretso kasi kami sa loob.

“Kyaaaaahh!! OMG! Di ba si Jared Martinez yun?”

“Aaahhh! Asan? Asan?”

“OMG! Yun sya oh!”

“Gwapo nya talaga.”

“Tara lapitan natin daliiiii~!!”

Uh-oh. Patay. Maling-mali ata punta namin dito.

“Megan, dalian mo bago pa ko maagaw ng mga yun” – Jared

“So? Edi paagaw ka.” – ako

Medyo lumayo ako sa kanya kasi may hinahanap akong shirt na panlalaki. Nakita ko yun dati eh. Di ko lang matandaan kung san dito banda.

[Jared’s POV]

Pambihira. Nagka-POV din! >____<

Back to the story…

“So? Edi paagaw ka.” – Megan

Pambihira talaga yung babaeng yun. Iwanan daw ba ko dito? Eh papalapit na sakin yung mga babae. Alangan naming takbuhan ko, edi nasira image ko. ehem. Correction. Ang gwapo kong image.  8)

“Hi. Pwede po magpapicture?” – girl 1

Patay. Eto na nga. Okay lang sana kung mga 3 lang sila eh. Pero hindee. Lagpas sampu ata to. Nyeta. 

“Ah su..sure.” – ako. Sa totoo lang pinagpapawisan na ko dito. Naalala ko tuloy yung first photoshoot ko nun. Sa open area kasi. Edi yun, lam na. =____=

Grabe naman tong mga babaeng to. Akala mo wala ng bukas para magpapicture eh. Pero sabagay, sana wala na bukas. Haha. Argh! Patay ka talaga sakin Megan Louise Chavez pag nakita kita.

Wow. So speaking... 

“BHIEEE~!! BHIEE~!!” sigaw ko sa loob ng Penshoppe. Bakit ba? Eh sa kelangan kong makatakas sa mga to eh.

Di ata ako narinig. Isa pa.

“Megan! BHIEEEE!!” sigaw ko sa kanya. Sapat na para makakuha ng atensyon. Haha. Kalalaking tao Kalandee.  -.-

“Ano?” sagot nya habang nagbabayad sa counter. Grabe ayaw talaga ako lubayan ng mga to. Kabanas eh.

“Tagal mo naman.” Sabi ko sabay harap dun sa cashier.

“Jared! Wait lang!”

“Autograph lang naman!”

“Oy sandalee~!”

“Oh Miss. Keep the change.” Sabay abot ko ng Php5000. Tapos hinila ko na sya papuntang parking lot. Buti nandun na si Manong.

Grabe. Patay ako neto sa Manager ko pag nalamang nalabas ako ng hindi man lang naka-disguise.

Di naman sa pagmamayabang, sikat kasi yung Company na pinagmomodelan ko ang at the same time, palaging ako yung cover nila kasi malakas daw hatak sa babae. Nung una, di pa ko naniniwala. Sabi ko, aanhin ko naman yan eh may binibigay naman sakin ang mga magulang ko na pera. Eh sayang din kaya kinuha ko na.

“Grabe naman to. Sayang yung sukli. Kung sana sakin mo na lang sinabi yung keep the change.” – Megan habang inaayos yung mga damit na binili nya habang nasa loob ng sasakyan.

“Eh sa kinukuyog na ko dun eh.” – Ako habang nag-aayos ng buhok.

“Oh? Hangin ah.” – Megan

Imba talaga tong babaeng to eh. =___=

“Oo na lang eh. San ga inyo?” – ako

“!43 Di - Mahanap Village”

“Manong, dun po tayo.”

“Sige sir.”

Tapos umalis na rin kami. Mga bandang 6 na nun eh. Tahimik lang kami buong byahe. Nakatulog na nga si Megan eh. Traffic na NAMAN kasi. Sinandal ko na lang yung ulo nya sa balikat ko. sa bintana kasi nakasandal eh. Buti di nananakit batok nito.

Pinagmasdan ko lang sya habang natutulog. Sa totoo lang, maganda naman tong babaeng to eh. Luka-luka nga lang. Pag inatake lang talaga ng kabaliwan, di mo na mapipigilan.

“Miss ko na yung dating ikaw. Sana may maalala ka na.” sabi ko tapos kiniss ko sya sa forehead nya bago tuluyang nakatulog habang nakapatong ang ulo ko sa ulo nya.

The One Who Deserves My Heart [FIN~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon