Chapter 31//Ruined Monthsary

544 15 4
                                    

Chapter 31

*Ruined Monthsary*

[Megan’s POV]

***After 3 weeks

[a/n: hayaan nyo ng masyadong advance. May plano kasi ako para sa chapter na to eh.]

                Tatlong linggo na ang nakaraan simula nung victory party namin sa beach house nila.

                Last week pa ko naweweirduhan kay Jared. Lagi na lang syang inaantok tapos pag tatanungin ko naman kung okay pa sya, oo naman daw. Pag dismissal naman, ang bilis umalis. Ni hindi man lang nag-gugoodbye.

                Papunta ako ngayon sa room nila Charlotte. Mag-iisang linggo na din kasing di napasok si Jared and I don’t know why. Tinetext at tinatawagan ko sya, hindi naman nasagot. Nag-aalala na ako. Tapos si Monica naman, homeschool na lang daw sya.

                Pagkadating ko dun, sakto namang palabas pa lang ng room si Charlotte kasama si Jezrell. Dismissal na kasi eh.

                “Ahm Char, pwede ba kita makausap?” tumingin muna sya sandali kay Jezrell tapos nag-nod. Nagets naman ni Jezrell at umalis na. Hintayin na lang daw nya sa parking lot.

                Dun kami nagpunta sa may garden sa tabi ng chapel. Tahimik kasi dun tsaka wala ng tao.

                “Ano ba pag-uusapan natin?” tanong nya pagkaupo namin sa bench dun.

                “Tatanong ko lang sana kung kamusta na si Jared. Hindi kasi sya nagtetxt o tumatawag man lang eh. Namimiss ko na sya eh.”  - ako

                Bigla naman syang umiwas ng tingin bago magsalita. “Hi…hindi ko alam. Pasensya na. sige, una na ko.” tapos nagmadali syang umalis dun. Hinigit ko naman sya sa braso.

                “Please Char.. Alam kong alam mo kung nasan sya. Di na sya nagpapakita sakin. Parang awa mo na.” I pleaded. Pero di pa rin sya nagsasalita imbes, hinawakan nya magkabila kong kamay.

                “May tiwala ka naman sa kanya diba?” – sya

                “Sobrang laki ng tiwala ko sa kanya.” Bigla nyang pinunasan mukha ko.

                Umiiyak na pala ako di ko man lang alam.

                “Basta, wag kang mawawalan ng tiwala sa kanya ha? Isipin mo na lang na nagbabakasyon sya tapos babalik din naman agad. Sige na. una na ko. stay strong. For him.” Tapos nagsimula na syang umalis.

                “Jared… Bhie.. Miss na miss na kita.” Sabi ko kasabay ng luhang una-unahang tumutulo sa aking mata.

***next day

                5am pa lang gising na ako. Ewan ko kung bakit. Basta ang naalala ko kagabi, text ng text at tawag lang ako ng tawag sa kanya. Anong date na ba ngayon?

November 8..

                Tsk.. 8. Happy monthsary samin.

                Ano bay an! Dapat nga Masaya ako diba? Pero pano ako magsasaya kung ang taong dapat na kasama ko ngayon ay wala.

                Naligo na ako at nagprepare para sa school. Total Friday naman ngayon, pupuntahan ko na lang mamayang awasan si Monica sa condo ni Kuya Vhen para magpatulong magluto para kay Jared.

The One Who Deserves My Heart [FIN~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon