Last Chapter//Graduation Day

629 15 4
                                    

Last Chapter

*Graduation Day*

[Raycee’s POV]

                “Proud na proud ako sayo nak.” Sabi ni Mama habang inaayos yung make-up ko.

                “Thank you po, Ma.”

                After all the hardships in high school, makukuha na rin namin ang diploma namin. Isa man ako sa mga mean girls noon, nagbago na ako dahil kay Ken.

                We’re officially on. Nung February ko sya sinagot. Inaalay ko kay Papa ang diploma kong to. Alam kong kahit di sya makakaatend ng graduation ko, alam kong Masaya sya para sakin.

                Salamat sa suporta Pa. Ingat ka dyan. I love you po.

                Naghabilin na lang kami sa katiwala namin tapos umalis na kami ng bahay. Baka malate eh. Haha.

                [Charlotte’s POV]

                “Ate tara na! Baka di ko Makita si Bhie.”

                “Wag OA kambs. Haha. Mahaba ang maghapon.”

                Ayiiieeeeh!! Ang saya naman. Ang sarap sa feeling ng gagraduate. Parang lahat ng sinumpa mong mga subjects nalagpasan mo na kasi, HELLO DIPLOMA! Haha. Kaya nga lang, GOODBYE HIGH SCHOOL. :((

                Ang dami kong memories sa school nay un. Mamimiss ko talaga mga classmates ko kahit lagi ko silang sinisigawan.

                “Daddy! Tara na.”

                “Excited talaga kayo eh. Halika nga kayo. Kiss and hug nyo Daddy.” Lumapit naman kami ni Jared kay Dad at hinug namin sya tsaka kiniss sa pisngi. Wala ng grudge si Jared kay Dad. Natuto na din kasi sya magpatawad. Si Mom naman, kasama yung stepdad ko. pero pupunta daw sya mamaya sa ceremony.

                Oh pano bay an, aalis na kami. Babye!

[Megan’s POV]

                “Mommmmyyy!! Yung toga ko asan na?!!”

                “Andyan sa kama mo ah!”

                “Daddy tara na!!”

                “Wait lang! Ang bagal ng Mommy mo.”

                Graduation day na namin. At dyosmee.. 15 minutes na lang mag-uumpisa na ang ceremony!

                “Let’s go.” Mabilis pa sa alas-kwatro kaming sumakay ng kotse. Panay ang daldal ni Mommy at Daddy. Si Kuya naman, ewan ko dun. Bahala sya. Haha.

                Pagkadating namin sa venue, sakto namang mag-uumpisa pa lang. Pumunta na agad ako sa pila ko. Nagbatian lang kami ng ‘Congratulations’ ng classmates ko. syempre may hug kay Bhie. Haha.

                Valedictorian ng batch si Charlotte. Si Jezrell naman ang Salutatorian. Grabe yang dalawang yan. Magsyota tapos agawan sa rank 1? Haha. Kamusta naman yun? 6th honorable si Raycee. 5th honorable lang ako. Pero ayos lang at least kasama. Hahaha.

                Tinawag lang yung mga pangalan namin para sa diploma.

                “5th honorable mention, Chavez, Megan Louise M.” kinuha ko yung diploma ko tapos kinabit na ni Mommy yung flower sa chest ko.

The One Who Deserves My Heart [FIN~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon