Chapter 33//Win Her Back

551 13 0
                                    

Chapter 33

*Win Her Back*

[Megan’s POV]

                Dumaan ang ilang weeks ng hindi ko sya nakakausap. Seatmates pa rin kami pero para kaming di magkakilala pag magkatabi kami. May times na bigla nya akong tatawagin sa pangalan ko tapos aalis naman ako.

                Ang worst pa, kaklase ko si Monica. But don’t worry, hindi ko sya nakakasama kasi sina Alleth at Sheina natransferee ang lagi nyang kasama. Minsan si Jared din. Kahit sina Ken ayaw muna makausap si Jared.

                “That’s all for today. Class dismissed.” Agad akong nag-ayos ng gamit ko pagkarinig ko ng binanggit ng teacher. Lalabas na sana ako ng bigla akong hingit ni Jared sa braso.

                Tinaasan ko muna sya ng kilay bago nagsalita, “Problema mo? Uuwi na ko.” I told him using my bored tone.

                “Let’s talk. Kahit 10 minutes lang.”

                “Oh come’on. Wala na tayong dapat pang pag-usapan. Tinapos mo na nga diba? Napagmukha mo na… mali.. napagmukha NYO na akong tanga. Tapos ano?”

                “I love you.” As he said those words, I can’t help my tears to form but they don’t dare to fall.

                Parang gusto kong sumagot ng mahal ko din sya pero di ko magawa. Miss na miss ko na kasi sya eh. Pero di nun mababago ang fact na niloko nya ako.

                “Will you please stop this sh1t?! Uuwi na ako.” Tinanggal ko yung kamay nya na nakahawak sa braso ko at nagtatakbo palabas ng room. Nakasalubong ko pa nga si Charlotte pero dire-diretso lang ako.

                Pagkadating ko sa bahay, pumunta agad ako sa kwarto ko at doon umiyak. Buti na lang wala na naman si Kuya dito kundi lagot na naman ako dun.

                Pechay lungss. >_< Sabi ko sa sarili ko di ko na sya iiyakan pero bat ganun? Nung sinabi nya yung three words nay un, di ko  na napigilan sarili ko mapaluha.

                *ring ring*

                Napatingin ako sa phone ko at tiningnan kung sino yung tumatawag.

                Mommy calling…

                Pinunasan ko muna luha ko bago sagutin yung tawag. “Hello mommy?”

                [Babyyyy~!! Miss na miss ka na namin ni Daddy!] -_-

                “Halata nga. Muntik ko ng mabitawan cp ko sa pagsigaw nyo eh.”

                [Hehe. Sorry dear. Btw, uuwi na kami ng daddy mo dyan sa Saturday.]

                Agad na?! ano ba ngayon.. Thursday. O_O 2 days na lang !

                “Mommy naman! Bat ang bilis?!”

                [Aba! Bat parang ayaw mo atang umuwi kami? Hmm.. naiintiga tuloy ako. Haha. Bye na. pakisabi sa Kuya mo Hello. Haha.”]

                *toot toot*

                Kaloka si Mommy. Parang bata. -.-

The One Who Deserves My Heart [FIN~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon