Chapter 25//First Kiss

534 12 0
                                    

Chapter 25

*First Kiss*

[Megan’s POV]

CAfter 3 weeksB

                Nakwento na sakin ni Prince lahat lahat. Simula nung mga bata pa daw kami nina Jared hanggang sa dumating yung aksidente. Di ako makapaniwala na nangyari sakin, samin yung ganun.

                So, siya siguro yung laging nasa panaginip ko. Kaya pala minahal ko agad sya ng gantong kabilis kasi umpisa pa lang, may nararamdaman na ko sa kanya.

                Habang nagkukwento si Kuya [Prince], iyak lang ako ng iyak. Grabeng pangungulila naramdaman ko nun. Lalo na nung sinabi nya sakin na kaya ganun pakikitungo sakin ni Jared ee gusto nya mag-umpisa ulit kami ng bago.

                Pero bakit wala naman sakin sinasabi sina Mommy tungkol sa kapataid ko? kung meron man nga. Tatanong ko na lang sa kanila pag-uwi nila dito. Next month na naman yun.

*tok tok*

                “Princess? Gising ka na ba? Pwede ba ko pumasok?”

                Si Prince.. err.. Kuya ba? Ewan ko. papapasukin ko kaya? Sige na nga.

                Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. “Sige. Pasok.”

                Binuksan nya yung pinto tapos pumasok at umupo sa kama ko. Umupo na din ako. Nakahiga kasi ako kanina ee.

                “Okay ka na ba? 1 week ka ng di pumapasok aa.” Pagtatanong nya sakin.

                Tama sya. Isang linggo na kong di pumapasok. Di ko muna kayang harapin si Jared ngayon. Di ko pa kaya lalo na’t bumalik na yung alaala ko. Oo tama kayo. Bumalik na nga.

                Nag-undergo pa ko ng mga therapies dahil na rin siguro ayoko mabuhay na puno ng kasinungalingan ang nakapaligid sakin. Mahirap pero kinaya ko. dalawang linggo akong pabalik-balik sa doctor dahil sa mga therapies na ginagawa sakin.

                At salamat naman at nakatulong.

                “Sige. Papasok na ko sa Monday.” Sabi ko kay Ku.. kuya. Pwe. Di pa din ako sanay ee. -___-“

                At ang walangyang to! Gawin ba namang trip yung tungkol sa pagka-arranged marriage ko? Anak ng pusit. Ó︵Ó

                “Sige. Alam naman ng teacher mo na nagpapahinga ka ngayon ee. Pahinga ka na muna.” Nag-nod na lang ako tapos umalis na sya.

                Di ko alam kung tama tong gagawin ko pero may idinial akong number.

“Hello?”

“Sino to?”

“Megan. Meet me at the park. 3pm. I’ll be waiting.” I said then I hanged up the phone.

[Prince’s POV]

                G*go talaga yung hayop na yun! Di na nga nanggugulo gang namin tapos.. Argh! Bwiset! >_<

                Nasabi ko  na ba sa inyo na may gang ako sa Korea? Malamang hindi pa. Edi ayan alam nyo na. Haha. Takte nakakapagbiro pa ko sa gantong oras ee.

The One Who Deserves My Heart [FIN~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon