~Pagkilala(Ikalawang Bahagi)~

4 1 0
                                    

~Pagkilala(Part 2)~

Ilang linggo narin ang lumipas mula nang umalis ang estrangherong sundalo sa bahay nina Milagros upang tumira sa bahay ni Doktor Isko. Tila naninibago naman si Milagros dahil sa pagkawala ng presensiya ng estranghero sa kanilag tahanan. Bumalik sa dati ang kanilang mga gawain at mas nagkaroon ng maraming pahinga si Milagros dahil wala na ang sundalo na inaalagaan niya noon. Subalit, habang tumitingin si Milagros sa pintuan ng silid kung saan namalagi ang sundalo, ay hindi niya maiwasang mangulila sa presensiya nito.

Tuwing nagbabasa ng libro si Milaros ay lagi siyang nagpupunta sa silid na tinuluyan ng sundalo, kagaya ng lagi niyang ginagawa noon. Ang kaibahan nga lang ay kapag tuwing tumitiingin siya sa kama ay hindi niya nakikita ang isang sundalong payapang nakahimbing. Naninibago siya tuwing tumitingin siya sa kama at nakikita niya itong bakante at walang laman. Palagi naman siynag nananabik kapag papalapit na ang araw ng linggo dahil ibig sabihin nun ay makikita niya si Alfonso sa simbahan. Malayo kasi sa kanilang tahanan ang bahay ni Doktor Isko kaya hindi niya nakikita ang binata ng araw-araw.

Nang sumapit na naman ang linggo ay maagang nagising si Milagros at tinulungan niya ang kanilang mayordoma na maghanda ng almusal. Pagkatapos ay nagtungo siya kanyang silid at inihanda ang banyera na gagamitin niya upang maligo. Tinawag niya si Manuel upang magbuhat ng tubig na gagamitin niyang maligo at sinunod naman ng kanyang kapatid ang kanyang utos. Pagkatapos na maihanda ang kaniyang paliguan ay tiawa niya si Suling, ang anak ng kanilang mayordoma na kasing edad lang niya, upang tulungan siya sa kanyang pagligo.

Isinarado ni Suling ang pintuan ni Milagros at tinulungan niya ang dalaga sa pagtanggal ng kaniyang kasuotan. Pagkatapos ay nagbabad na si Milagros sa tubig at sinimulang sabunin at kuskusin ang kaniyang katawan. Si Suling naman ay abala sa pagsabon sa kaniyang mahabang buhok.
"Senorita, may natutunan akong bagong paraan ng pagtirinta ng buhok, nais mo bang gawin ko ito mamaya?" sambit ni Suling habang marahan niyang sinusuklay ang mahabang buhok ni Milagros. Tapos na ang dalaga s apagligo at tapos narin niyang isuot ang kaniyang magandang kasuotan na pang-simba. "Naku Suling, huwag mo na akong tawaging Senyorita, ilang beses na kitang sinasabihan na Milagros nalang ang itawag mo sa akin dahil tinuturing kitang kaibigan. HIndi na siguro kailangan na ayusin ng maganda ang buhok ko para mamaya dahil matatakpan lang rin naman ito ng aking belo."

"Sayang naman senyorita, pero kahit na, huhubarin mo naman ang belo mo mamaya kapag kakain kayo ng hapunan nina Ginoong Alfonso. Sigurado ako na magagandahan siya sayo kapag nakita niya kung gaano kaganda ang ayos ng iyong buhok mamaya." tudyo sa kanya ni Suling
"Ano ka ba Suling, huwag mo akong biruin ng ganyan." seryoso at natatawang sambit ni Milagros sa kaniyang kaibigan. "Titigil lang ako kapag pumayag ka na ayusin ko ang buhok mo mamaya." pagmamatigas ni Suling. Napabuntong-hininga naman si Milagros.
"Hays, sige na nga, pumapayag na ako, pero pumapayag lang ako dahil gusto ko na tumigil ka na sa pagbibiro sa akin at hindi dahil sa gusto kong magpaganda para kay Ginoong Alfonso." ngumiti naman ng malapad si Suling dahil pinagbigyan siya ni Milagros.

Pagkatapos nilang mag-almusal ay bumalik sina Milagros at Suling sa kaniyang silid upang ayusin ang kaniyang buhok. Malayo pa ang oras kung kailan sila pupunta sa simbahan kaya naman ay ibinuhos ni Suling ang kaniyang atensiyon sa pagtitirintas ng buhok ni Milagros. Habang inaayos ni Suling ang buhok ni Milagros ay nagkukuwentuhan naman ang dalawang magkaibigan tungkol sa mga pangyayari sa kanilang buhay. Nagandahan naman si Milagros sa ginawang pagtirintas ni Suling sa kaniyang buhok. Pinalamutian pa niya ang buhok ni Milagros ng ilang magagandang ipit sa buhok na may magagandang disenyo.

Nang matapos sila Milagros sa pag-aayos ay kinuha na niya ang kaniyang belo, pamaypay, at ang pitaka niya na kinalalagyan ng kaniyang pera at rosaryo. Kasama ang kaniyang tiyahin, kapatid, at si Suling ay naglakad na sila patungo sa simbahan.

Hinagilap agad ng mga mata ni Milagros si Alfonso sa loob ng simbahan at nakita naman niya ang binata na naka-upo sa dati nitong inuupuan sa may kalagitnaan ng simbahan. Katabi rin nito si Doktor Isko na nakatingin kay Tiya Saturnina at sumesenyas na lumapit sila sa kanilang gawi. Pumunta naman sila sa upuan nina Doktor Isko at binati muna nila ang isa't-isa bago sila magsiupo. Si Milagros ay naka-upo sa dakong kanan ni Manuel at sa kaliwa naman ni Manuel ay doon nakaupo si Alfonso. Habang nasa kalagitnaan ng sermon ay panaka-nakang sumusulyap si Milagros kay Alfonso at sumisikdo naman ng mabilis ang kaniyang puso tuwing nagkakasa-lubong ang kanilang mga mata.

Natapos ang misa ng maaga at dahil wala namang pinagkaka-abalahan sina Doktor Isko at Alfonso ay inimbitahan sila ng kaniyang tiyahin upang kumain sa kanilang bahay ng pananghalian. Hindi naman tumanggi ang dalawa at sumabay na sila sa kanila pag-uwi.
Naunang umuwi si Suling pagkatapos agad ng misa upang tulungan ang kaniyang ina na magluto ng hapunan. At dahil wala si Suling, si dalawa sila ni Alfonso na magkasabay na naglalakad at sinusundan sina Tiya Saturnina at Doktor Isko na nasa unahan. Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa hanggang sa binasag ito ni Milagros upang tanungin si Alfonso kung kamusta ang pananatili niya sa Sta. Anna. Pinaunlakan naman ng binata ang kaniyang tanong at tinanong din niya ang dalaga at kinamusta niya ang kalagayan nito.

Parang gustong kumawala ng kaniyang puso mula sa kaniyang dibdib dahil sa kilig na nararamdaman niya habang naglalakad at nakikipag-usap siya kay Alfonso. Napakasarap na pakinggan ang baritono nitong boses at nakakagaan sa pakiramdam na nakikita niya ang binata na gising na gising at hindi natutulog sa isang silid sa kanilang tahanan. Pagdating nila sa tahanan nila Milagros ay dumiretso na sila sa hapagkainan dahil nakahanda na ang pagkain.

Nahihiyang ngumiti naman si Milagros kay Alfonso ng ipaghila siya nito ng upuan at nginitian siya nito ng matamis. Umupo si Alfonso sa tabi ni Milagros at habang sila ay kumakain ay tila napuunta sila sa kanilang sariling mundo at sila'y nagkuwentuhan na para bang silang dalawa lamang ang nasa silid.

Ang Binibini At Ang EstrangheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon