~Pagkilala~

6 2 0
                                    


Magmula ng magising si Alfonso ay hindi parin siya makapaniwala na siya ay buhay at humihinga pa. Ang buong akala niya ay tuluyan na siyang namatay sa gitna ng gubat at boses ng anghel ang kanyang narinig bago siya tuluyang mawalan ng malay. Gayunpaman, nagpapasalamat siya na naisalba ng "anghel" ang kanyang buhay at nabigyan siya ng pangalawang pagkakataon. Nakilala niya si Señorita Milagros, ang anghel na tumulong sa kanya, at sina Señorito Manuel, Señora Saturnina at Doktor Isko na siyang tumulong rin sa kanya.

Hindi pa buong nakakahilom ang sugat ni Alfonso dahil may mga galos pa siyang nakabenda kaya't kailangan muna niyang manatili sa bahay nina  Señorita Milagros ng isa pang araw bago siya lumipat sa bahay ni Doktor Isko. Maagang nagising si Alfonso at sa araw na iyon ay uuwi na siya sa bahay ni Doktor Isko upang doon siya tuluyang humilom. Naiintindihan niya ang dahilan ni Doktor Isko kung bakit nais niyang hindi na siya maaaring manatili sa bahay nina Señorita Milagros dahil hindi ito kaaya-aya sa mata ng mga tao.

Dumating na nga ang araw na maaari ng lumipat si Alfonso sa bahay ni Doktor Isko dahil mayroon na siyang sapat na lakas. Nagising si Alfonso ng maaga at ginamit niya ang oras na nalalabi bago sila mag-almusal upang pag-isipan ang mga plano niyang gawin sa Sta. Anna kapag tuluyan na siyang gumaling. Habang nagmumuni-muni ay biglang may marahang katok na nanggaling sa kaniyang pintuan at sinundan iyon ng malamyos na tinig ni Señorita Milagros.

"Magandang umaga po, Ginoong Alfonso. Iniimbitahan po kita na saluhan kaming mag-almusal sa hapag, kung iyong nanaisin." Hindi na namalayan ni Alfonso na napatagal na pala ang kaniyang pagmumuni kaya't nagulat siya nang malaman niyang oras na pala para mag-almusal.

"Oras na pala para mag-almusal, maraming salamat sa iyong imbitasyon, Señorita. Susunod na ako sa iyo pagkatapos kong ayusin ang aking sarili." tugon niya sa dalaga.
"Sige ho." sagot ng dalaga  at dahan-dahan na siyang umalis mula sa tapat ng silid ni Alfonso at tinahak ang daan patungo sa hapag-kainan. Ilang minuto narin ang lumipas at sumunod sa kanya si Alfonso. Dahan-dahan ang kaniyang naging pagbaba mula sa hagdan dulot ng kaniyang mga papahilom palang na mga sugat.

Pagdating niya sa hapag ay naroon na sina Señora Saturnina at Doktor Isko na nagkakape at kumakain ng pandesal. Si Señorita Milagros naman ay abala sa pagtulong sa kanilang katulong upang maghain ng pagkain.
"Magandang umaga ho, Señora, Doktor at Señorita, maraming salamat po sa pag-imbita sa akin upang kumain ng almusal." bungad  ni Alfonso sa kanila. Nginitian naman siya nina Señora Saturnina at Doktor Isko at binati rin nila ang binata. Umupo si Alfonso sa bakanteng upuan sa tabi ni Doktor Isko at kaagad naman siyang nilapitan ni Milagros na may hawak na tasa ng kape.
"Nais mo rin bang uminom ng kape, Ginoong Alfonso?" tumango naman si Alfonso at tinanggap niya ang tasa na hawak ni Milagros. Saglit na nagkadampi ang kanilang mga kamay at tila nakuryente ang kamay ni Alfonso ng sandaling masagi niya ang kamay ni Milagros.

"Maraming salamat." muli siyang nginitian ni Milagros at umals na ang dalaga sa kaniyang tabi. Nagpa-alam si Milagros na tatawagin niya lamang si Manuel upang makompleto na sila sa hapag at magsimula na silang kumain. Nang makabalik sa hapag si Milagros ay kasama na niya si Manuel at nag-umpisa na silang kumain. Habang kumakain ay napag-usapan nila ang mga maaaring maging trabaho ni Alfonso sa kanilang barrio kapag tuluyan na siyang gumaling. Maraming mga trabaho ang ibinahagi sa kaniya nina Doktor Isko at Señora Saturnina na maaari niyang pagpilian at pawang magaganda ang mga suhwesitiyon nilang iyon subalit mas naantig siya sa alok ni Doktor Isko na maging kaniyang katulong sa kanyang paggaamot.

Iyon nga ang piniling trabaho ni Alfonso nang gumaling na siya ng tuluyan. Mag-iisang buwan na siyang nakatira sa bahay ni Doktor Isko at ipinakilala siya ng doktor sa mga mamamayan bilang kaniyang pamangkin kaya naman ay malayang nakakapamasyal si Alfonso tuwing may mga sandaling hindi na siya kailangan sa kaniyang trabaho. Maraming mga kababaihan ang nabibighani sa angkin niyang kagwupuhan at sa kaniyang pagiging mabait at marespeto sa kanila. Nagkakaroon din siya ng mga kaibigang lalaki na kaedaran niya at maging si Manuel ay naging kaibigan din niya kahit na may kaunting agwat ang edad nilang dalawa. 

Hindi maikaka-ila ni Alfonso na maraming mga magagandang dilag sa Sta. Anna at ang pinakamagandang dilag para sa kaniya ay si Senorita Milagros. Sa loob ng ilang linggong pananatili niya sa kanilang bahay ay nabibighani na siya sa ganda ng dalaga at hanggang sa kaniyang paglipat sa bahay ni Doktor Isko ay iniiisip parin niya ang mga magagandang katangian ni Milagros. Tuwing nagkakaroon ng misa sa Linggo ay lagi silang tumatabi ni Doktor Isko kina Señora Saturnina at Señorita Milagros. Paminsan-minsan ay nag-uusap silang dalawa na siya namang ikinatutuwa lagi ni Alfonso.

Pagkatapos ng misa sa partikular na linggong iyon ay inimbitahan sila ni Senora Saturnina na kumain ng hapunan sa kanilang tahanan. Hindi naman tumanggi si Doktor Isko at pati narin si Alfonso. Ikinatutuwa niyang inimbitahan sila ni Senora Saturnina dahil mas marami ang oras na makakasama niya ang dalaga bago siya umuwi sa bahay ni Doktor Isko. Nagpa-iwan si Manuel sa simbahan upang makipag-usap sa kaniyang mga kaibigan habang sina Senora Saturnina, Doktor Isko, Alfonso at Milagros ay naunang umuwi sa bahay ng mg Dacanay. Lagi silang naglalakad pauwi dahil malapit lamang sa simbahan ang kanilang bahay. Habang nagalakad ay kinamusta nila ang isa't-isa.

"Kamusta naman ang pananatili mo dito sa Sta. Anna, Ginoong Alfonso?" ngumiti naman ng malapad si Alfonso sa dalaga bago niya sagutin ang tanong nito. "Napakaganda ng Sta. Anna, senorita. Nagugustuhan ko ang aking trabaho kay Doktor Isko at napakaganda ng pagtrato sa akin ng mga mamamayan. Kamusta ka rin naman, señorita? Marami ka na bang mga bagay na pinagkakaabalahan magmula nung lumipat ako sa bahay ni Doktor Isko?"
"Maayos naman ako, ginoong Alfonso. Tumutulong ako lagi kay Tiya sa pag-aasikaso sa mga palayan namin. Natutuwa naman ako at nagugustuhan mo ang Sta. Anna. " Ipinagpatuloy pa nila ang kanilang munting kuwentuhan hanggang sa nakarating na sila sa bahay nina Milagros.

Ang Binibini At Ang EstrangheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon