Sa loob ng ilang buwang pananatili ni Alfonso sa Sta. Anna ay may sumisibol na pag-ibig mula sa puso ni Alfonso. At ang pag-ibig na ito ay para natatanging dalaga na bumihag sa puso niya: si Milagros. Matagal na siyang nagkaroon ng pagtingin sa dalaga simula pa nung siya ay nakatira sa bahay nila noong siya ay nagpapagaling mula sa kaniyang mga sugat. Habang tumatagal ang mga buwan na nananatili siya sa Sta. Anna ay nakikilala niya ang dalaga at mas lalo siyang nahulog sa kaniya.
Napagtanto niya na si Milagros ay may ginintuang puso. Laging handa na tumulong sa mga nangangailangan ng walang hinihintay na kapalit. Ni hindi nga niya siningil si Alfonso ng mga pabor noong tuluyan na siyang gumaling. At kahit na hindi siya sinisingil ni Milagros ay pinagpilit parin ni Alfonso na gumawa ng ilang mga gawain para sa pamilya Dacanay bilang pagtanaw ng utang na loob. Kahit na matanda na si Manuel para magsibak ng kahoy ay tumutulong parin si Alfonso sa pagsagawa ng gawaing iyon at maging sa paglalaba ni Milagros sa may talon ay tumutulong din siya.
Napag-isipan ng mabuti ni Alfonso na nais niyang ligawan si Milagros upang maging nobya niya ang dalaga at balang-araw, maging asawa. Hinintay niya ang araw kung kailan umalis si Milagros sa Sta. Anna upang bisitahin ang kaniyang pinsan na magdidiwang ng kaarawan sa kabilang baryo. Naiwan sina Tiya Saturnina at Manuel sa bahay ng mga Dacanay dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Tiya Saturnina kay hindi siya makapag-biyahe at si Manuel naman ay may maraming aasikasuhin sa kanilang taniman. Iyon ang pinakamagandang panahon para humingi si Alfonso ng pahintulot nina Tiya Saturnina at Manuel na ligawan si Milagros.
Sabado ang partikular na araw na iyon at inimbitahan ulit sila ni Tiya Saturnina upang maghapunan sa kanilang tahanan. Pinaunlakan naman nila ni Doktor Isko ang imbitasyon at ngayon, naghahanda sila upang pumunta sa tahanan ng mga Dacanay. Isinuot ni Alfonso ang kaniyang magandang camisa at inayos niya ng mabuti ang kaniyang buhok na medyo humaba na. Kinuha niya ang papel kung saan niya isinulat ang mga katagang sasambitin niya at binasa niya ito ng paulit-ulit upang makabisado niya ito.
"Iho, tapos ka na bang magbihis? Malapit ng mag-alas sais at nais ko na dumating tayo roon ng maaga upang hindi nila tayo hihintayin ng matagal" ani ni Doktor Isko mula sa labas ng kaniyang pintuan. Tumigil naman sa pag-kakabisa si Alfonso at kinuha na niya ang kaniyang iba pang mga bagay pagkatapos ay binuksan na niya ang kaniyang pintuan. Bumungad naman sa kaniya si Doktor Isko na naghihintay at nakapagdamit na ng maayos."Tara na po, Doktor. Tiyak kong nagugutom na ho ata kayo kaya niyo nais na magtung kina Senora Dacanay upang kumain ng marami." tukso niya na siya namang ikinatawa ni Doktor Isko. "Oo naman, sinadya kong hindi kumain kanina ng pananghalian para marami akong makakain mamaya. Ang sarap magluto ng mayordoma nina Saturnina, walang-wala sa mga ulam na niluluto natin dito sa bahay."
Natawa naman si Alfonso. Isang rason din kung bakit sila laging nakkikain kina Tiya Saturnina ay dahil mas masarap ang mga pagkain doon kaysa sa mga pagkain na niluluto nila ni Doktor Isko. Umalis na sila sa bahay ni Doktor Isko at naglakad ng ilang minuto bago nila narating ang bahay ng mga Dacanay. Kahit ilang beses na nakapunta roon si Alfonso ay hindi parin niya mapigilang humangasa ganda ng bahay. Ito ay may dalawang palapag at ang harapan nito ay nataniman ng mga bulaklak na naggagandagang pagmasdan. Maganda rin ang kulay ng mga dingding nito at ang mga estilo ng bintana at mga poste nito ay napaka-ganda at naiiba sa mga bahay na nakita na ni Alfonso.
Binati sila ng mayordoma ng bahay at iinaya siy nito sa hapag-kainan. Sa hapag ay naka-upo na sa kabisera si Tiya Saturnina at kasalukuyan itong umuubo ng malala. Kaagad siyang dinaluhan ni Doktor Isko at sinuri nitoang kalagayan ng senora. "Lumalala na yata ang ubo mo, Saturnina. Iniinom mo ba ng tuwiran ang gamot na ibinigay ko sayo?" nag-aalalang tanong ni Doktor Isko.
"Oo naman Isko,, ngunit kagabi at kaninang umaga ay hindi na ako uminom kasi naubos ko na ang ibinigay mo. Nakalimutan kong banggitin na magdala ka sana ng panibago ngayong gabi at sa tingin ko ay kaya lumala ang uo ko dahil hindi ako naka-inomng gamot."
"Huwag kang mag-alala, Senora. May dala po kaming gamot ni Doktor Isko na tiyak ko ay mas mabisa sa gamot na ibinigay niya noon. At kapag po kukati ang iyong lalamunan, magpaluto po kayo ng tsaa sa iyong mayordoma gamit ang mga dahon ng lagundi."
Inilabas ni Doktor Isko ang isang bote ng gamot mula sa kaniyang maliit na maleta at ipinakita ito kay Tiya Saturnina. Pagkatapos ay inabi niya rito ang mga paraan ng pag-inom ng gamot at nangako naman si Tiya Saturnina na iinumin niya ito pagkatapos nilang kumain. Sinunod rin niya ang sinabi ni Alfonso at nagpa-init ng tsaa sa kanilang Mayordoma habang hinihintay nila si Manuel.Pagkalipas ng ilang minuto ay dumalo narin sa hapag si Manuel na halatang pagod na pagod at gutom na gutom. Binati naman niya sina Doktor Isko at Alfonso. Habang naghihintay ng pagkain ay kinamusta naman ni Alfono si Manuel at silang dalawa ay nag-usap habang sina Tiya Saturnina at Doktor Isko naman ay abala rin sa kanilang sariling usapan.
Dumating ang mga pagkain at kumain naman sila habbang inagpapatuloy ang kanilang kuwentuhan. Nang maubos na ang mga pagai at naitabi na ang mga kubyertos at mga natirang pagkai ay naisip ni Alfonso na iyon na ang tamang panahon para sabihn niya ang mga nais niyang sabihin kina Tiya Saturnina at Manuel.
"Senora Saturnina, Senorito Manuel, kung hindi niyo mamasamain, may nais po sana akong aminin at sabihin sa inyo." tumingin naman sa kaniya si Doktor Isko ng may halong interes at kuyosidad. "Ano iyon, ijo?" iteresadong tanong ni tiya Satunina habang si Manuel naman ay nakatingin sa kaniya at naghihintay sa mga susunod niyang sasabihin. Lumunok muna si Alfonso bago sumagot. "Sa mga nagdaang buwan, unti-unti hong nahuhulog ang aking puso kay Senorita Milagros at ngayon po, napag-desisyunan ko na nais ko siyang ligawan at hinihingi ko po ang iyong pahintulot na ligawan siya at tanungin kung nais po niya akong tanggapin bilang kaniyang kasintahan."Napangiti naman si Tiya Saturnina sa kaniya at maging si Manuel ay ngumiti rin. "Sinasabi ko na nga ba, may pagtingin ka kay Ate Milagros, Ginoong Alfonso. At wala namang problema sa akin kung nais mo siyang ligawan. Basta ang mahalaga ay mahal mo siya at hindi mo siya lolokohin." nakangising sambit ni Milagros.
"Tama ang sinabi ni Manuel. Binibigay ko rin sayo ang akin basbas na maaari mong ligawan si Milagros at kung naging magkasintahan kayo, sana ay itrato mo siya ng mabuti at hinding-hindi mo siya lolokohin." tuwang-tuwa naman si Alfonso dahil nakuha niya ang mga pahintulot nina Tiya Saturnina at Miguel. Pinasalamatan niya ang dalawa at nangako siya na mamahalin niya si Milagros at hindi siya manloloko. Ngayong nakuha na niya ang pahintulot nina Tiya Saturnina at Miguel, umaaasa naman siya na papayag si Milagros na magpaligawsa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Binibini At Ang Estranghero
Short StorySta. Anna, Pilipinas 1900 Sa isang talon sa gitna ng gubat ay natagpuan ng isang dalagang si Milagros ang naghihinalong sundalo na si Alfonso. Dahil sa angking kabaitan ng dalaga ay dinala niya ang wala ng malay na sundalo sa kanyang bahay at umaasa...