~Panauhin~

4 1 0
                                    

Pagdating nina Milagros sa kanilang tahanan ay si Doktor Isko lamang ang naka-abang sa kanila sa labas ng bakod ng kanilang bahay. Kaagad siyang tumulong sa pagbaba ng mga gamit at pagpasok nito sa loob ng bahay. Hindi makahanp ng pagkakataon si Milagros na itanong sa doktor kung nasaan ang kaniyang nobyo. Ang kailangan muna niyang gawin ay maghintay pa ng ilang minuto hanggang sa matapos ng maiayos ang mga gamit sa loob ng bahay.

Habang hindi pa niya kinaka-usap ng kaniyang tiyahin ang doktor ay lumapit na si Milagros kay Doktor Isko upang itanong kung nasaan si Alfonso. "Doktor Isko, nasaan ho si Alfonso? Kanina ko pa ho siya hinahanap sa paligid subalit hindi ko po siya makita. Alam naman po niya na ngayon po kami darating, hindi ho ba?"
"Oo ija, alam niya na ngayon kayo darating subalit sa tingin ko ay kaya siya hindi narito ngayon para salubungin ka ay dahil nasa palayan pa siya. Tumutulong kasi siya sa pag-ani sa mga huling tanim na palay. Sa mga nagdaang linggo ay tinutukan niya ng pansin ang mga palayan at masasabi kong mas mahusay ang kaniyang ginawang trabaho kaysa kay Manuel noong nakaraang taon, huwag mong sasabihin kay Manuel na sinabi ko ito sa kaniya ha. Baka magtampo siya sa akin." sagot ng Doktor sa tanong ni Milagros.

At sa puntong iyon ay napagtanto ni Milagros na kaya nga hindi nakakasagot sa kaniyang mga liham ang kaniyang nobyo ay dahil abala ito sa kanilang taniman. Mas lalong nahulog ang puso ni Milagros sa binata. Ibig sabihin lang noon ay magiging isang mabuti siyang pinuno sa kanilang taniman kung sakaling magging asawa niya ang dalaga. Tinawag niya si Suling at pinakiusapan niya ang kaniyang kaibigan na samahan siya papunta sa palayan upang tignan si Alfonso.

Sampung minuto lamang ang kanilang naging paglalakad at nakarating na sila sa may palayan. Kaagad na nahagilap ni Milagros si Alfonso na kasalukuyang nagbubuhat ng isang sakong puno ng mga binhi ng palay at pumupunta ito sa bodega kung saan nila iniimbak ang kanilang mga ani. Nahalata ni Milagros na kakaunti lamang ang mga kasama ni Alfonso na nagbubuhat ng palay, kaya pala hindi natiis ng binata na tumulong dahil kulang sila sa mga empleyado.

Pumunta rin si Milagros sa bodega at hinintay ang paglabas ni Alfonso sa tapat ng pintuan nito. Nakita naman niya ang gulat sa mukha ni Alfonso ng makita siya nito at kaagad namang napalitan ito ng tuwa. Kaagad na lumapit siya sa dalaga upang batiin ito. "Senorita, hindi ko alam na nakarating na pala kayo, paumanhin at hindi ako nandoon upang salubungin ka at kinailangan mo pang pumunta rito." namumulang sambit ni Alfonso.
Nahalata naman ni Milagros ang mga pawis sa noo at leeg ng binata kaya kinuha niya ang kaniyang panyo at pinunasan ang mga ito habang nakatitig sa mata ni Alfonso. "Hindi mo na kailangang huminig ng paumanhin, irog ko. Natutuwa at nagpapasalamat ako sa mga pagsisikap mo upang tulungan ang pag-aani ng mga trabahador namin. Maraming salamat sa iyong pagtulong sa aming pamilya." taos-pusong sambit ni Milagros.
"Isang karangalan para sa akin na pagsilbihan ang pamilya ng babaeng pinakamamahal ko." ani ni Alfonso at hinalikan niya ang likod ng palad ni Milagros. "Patawarin mo pala ako dahil hindi ko nasagot ang iyong mga liham. Hindi na kasi ako nagkaroon ng mga pagkakataon para umupo at magsulat ng tugon dahil sa lagi akong nasa palayan para tumulong sa pag-aani."

"Huwag kang mag-alala, hindi ako nagtatampo na hindi mo sinagot ang aking mga liham dahil may maganda kang rason upang hindi sagutin ito." sambit ni Milagros. Nagpatuloy sila sa pag-uusap hanggang sa kinailangan ng bumalik ni Alfonso sa pagtulong sa pag-aani habang si Migros naman ay pinapabalik na sa kanilang bahay. Sa gabing iyon ay salo-salo silang naghapunan sa tahanan ng mga Milagros kasama sina Doktor Isko at Alfonso.
Pagkatapos ng hapunan ay pumunta sila sa kanilang sala upang pag-usapan ang naging takbo ng pag-aani ng palay sa kanilang palayan. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay bigla silang inistorbo ng mayordoma nina MIlagros.

"Senora, may tao po sa labas, tinatanong po nila kung narito daw po si Doktor Isko at si Alfonso, sinasabi po ng isa na siya si Leon Martinez at kailangan daw po niyang makausap si Alfonso." kaagad naman na napatindig si Alfonso ng marinig niya ang pangalan ni Leon. Napansin naman ito ni Tiya Saturnina. "Kakilala mo ba ang Leon Martinez na ito, ijo?" tumango naman si Alfonso.

"Opo, senora. Kasama ko po siyang sundalo noon, subalit, hindi ko po alam kung ano ang kailangan niya mula sa akin ngayon."
"Nais mo bang malaman kung ano ang pakay niya rito? Maaari kayong mag-usap dito sa loob ng bahay, iyon ay kung mapagkakatiwalaan si Leon at hindi siya gagawa ng gulo."
"Hindi ho siya yung tipo na nagsisimula ng gulo, senora. At maraming salamat po sa iyong imbitasyon ngunit sa tingin ko,  mas maganda kung sa labas nalang po kami mag-usap ni Leon. Baka po hindi kayo maging komportable ni Milagros sa pag-uusapan namin." nahihiyang sambit ni Alfonso.

"Naku, huwag kang mag-alala at huwag ka naring mahiya, mga bisita narin namin sila dahil pumunta sila rito. Manang, sabihin mo sa mga panauhin na pumasok at pumunta rito."  kaagad namang tumalima ang mayordoma at umalis para sunduin ang mga panauhing naghihintay sa labas.

Bumalik na si Manang at may kasama siyang dalawang lalaki na hinuha ni Milagros ay mga kasing-edad ni Alfonso. Binati nilang dalawa sina Tiya Saturnina, Doktor Isko, Alfonso, Manuel at Milagros. Nagpakilala ang isang lalaking kasama ni Leon at sinabi niyang siya si Roberto o mas kilala bilang Berto. Naramdaman naman ni Tiya Saturnina na mas mainam na iwan nila ang mga lalaki upang mag-usap ng pribado. Kaya naman, inakay niya si Milagros at sinabi niyang dalhin siya ng dalaga sa kaniyang silid dahil inaantok na siya. Nagpa-alam siya sa mga bisita at ibinilin niya sa mayordoma ang mga ito. Pagkatapos ay umalis na silang dalawa ni Milagros sa sala.

"Mas mainam na sila muna ang mag-usap, Milagros. Kaya, pagkatapos mo akong dalhin sa akin silid, pumanhik ka narin sa iyong silid. Maiintindihan ni Alfonso kung bakit hindi mo na siya maharap pagkatapos nilang mag-usap."
"Pero tiya, paano niyo po nasisiguro na mapagkakatiwalaan ang dalawang panauhin natin? "
"Mukha naman silang disente, ija. At nagtitiwala ako kay Alfonso at Isko na hindi nila hahayaan na may mangyaring gulo sa ating tahanan." ani ni Tiya Saturnina na siyang nagtapos sa kanilang usapan.

Nang makalabas si Milagros sa silid ni Tiya Saturnina ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili at sinilip niya kung ano ang nangyayari sa sala. Nakita niyang nag-uusap sina Alfonso at Leon at sina Berto at Isko naman ay nag-uusap rin. Si Manuel naman ay naka-upo lamang sa gilid at nagsusulat sa isang papel. Nahalata ni Milagros ang pag-aalanganin at pag-aalala sa ekspresyon ng kaniyang nobyo. Kung ano man ang sinasabi ni Leon, natitiyak niyang hindi magandang balita ito para kay Alfonso. Ipinagdarasal na lamang ng dalaga na sana ay hindi mapapahamak ang kaniyang nobyo. Sana ay hindi nagpunta roon si Leon upang hulihin si Alfonso dahil sa ginawa niyang pagtakas mula sa mga Amerikano.

Ang Binibini At Ang EstrangheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon