Tatlong araw, kailangan nilang manatili sa lungga ng mga rebelde ng tatlong araw. Iyon ang sinabi ni Tiniente Toress kina Alfonso at Doktor Isko pagkatapos nilang mamahinga dulot ng kanilang pagod sa paggagamot. Kailangan daw muna nilang manatili roon ng tatlong araw upang masiguro na naghihilom ng maayos ang mga sugat ng mga kasama niyang rebelde.
Walang kaso naman kay Alfonso ang tatlong araw nilnag pananatili roon. Pagkatapos niyang magpahinga ay sinimulan niyang makipagkilala sa mga lalaking rebelde. Palagi naman siyang nilalapitan nina Nestor at Ernesto, ang tanging mga binatilyo na kasama sa grupo, upang magpaturo kung paano mag-asinta gamit ang baril, at kung paano makipaglaban gamit ang kutsilyo. Pinapa-unlakan naman sila ni Alfonso dahil wala rin naman siyang ibang ginagawa sa loob ng kweba. Naag-alaman niyang labing-anim na taong gulang pa lamang si Nestor at labing-apat na taong gulang pa lamang si Ernesto. Nasa isip niya ay napakabata pa lamang ng mga ito para sumali sa grupo ng mga rebelde at makipaglaban.
Kaya naman ay sinusubukan niyang turuan sila ng maigi sa kung paano nila maproprotektahan ang kanilang mga sarili kapag sila ay makikipaglaban. Kasalukuyan na niyang tinuturuan ang dalawang binatilo kung paano mag-asinta ng baril sa labas ng kweba. Paulit-ulit na sinusubukan ni Nestor na tamaan ang lata na siyang ginagamit nila bilang patamaan nila subalit ni isang bala ay hindi dumaplis sa lata.
"Kailangan mong hawakan ng mabuti ang baril. Tumingin ka sa gitna nito para mai-asinta mo na sa tamang direksiyon ang bala at iwasan mo ang panginginig ng iyong mga kamay. Lagi mong tatandaan na huwag magdalawang-isip sa pagkalabit ng gantilyo ng baril dahil mauunahan kang patayin ng iyong kalaban." saad ni Alfonso kay Nestor habang inaayos niya sa wastong paghawak ng baril ang kamay ng binatilyo. Tumango naman si Nestor at ipinosisyon niyang muli ang kaniyang sarili upang subukang tamaan ang lata. Huminga siya ng malalim bago niya kinalabit ang gantilyo ng baril.Napatalon naman si Nestor nang makita niyang natamaan na niya ang lata. Pinalakpakan naman siya nina Alfonso at Ernesto at sinabihan na mahusay. Ang sumunod naman na sumubok ay si Ernesto. Kagaya ni Nestor ay hirap din siyang makatama ng maayos. Mataman naman siyang tinuruan ni Alfonso kagaya ng pagtuturo niya kay Nestor hanggang sa natamaan narin niya ang lata. Patuloy pa sila sa kanilnag pag-eensayo ng biglang may dumating na humahangos na lalaki na duguan.
"Dali! Pumasok na tayo sa kweba at magtago! Malapit lang dito ang mga Amerikano. Ako lamang ang nakatakas mula sa aming grupo. Pumasok na tayo Nestor! Kailangan nating magtago!" ani nito at hinila na niya ang dalawang binatilyo papasok sa kweba. Kaagad namang suumunod sa kanila si Alfonso at ng siya ay pumasok ay lumabas naman ang ilang mga llaki upang takpan ang bukana ng kweba.Nakita niya ang lalaking bagong-dating na kausap ang tiniente kaya lumapit siya sa kanilan upang mapakinggan ang sinasabi ng lalaki.
"Nasa Sta. Isabela na po ang mga Amerikano, tiniente. Nahuli nila kami kanin na kumukuha ng mga pagkain mla sa mga nmagsasaka doon. Akala namin ay hindi na namin kailangang magtago dahil walang mga amerikano at mga traydor sa bayan na iyon pero biglang sumulpot ang mga amerikano. Tumakbo kami sa bundok at nakita ko na napatay nila sina Goryo at Bentong. Alam kong susuriin nila ang bundok kaya mabuti nalang na magtago muna tayo riot sa kwueba." mahabang sanaysay ng lalaki.Patuloy pa silang nag-usap hanggang sa sinabi ni Tiniente kina Alfsonso at Doktor Isko na kailangan muna nilang manatili roon hanggat hindi pa nila natitiy na wala ng Amerikano na nagmamanman sa kagubatan.
"Hanggang kailan naman kami maghihintay, Tiniente?" tanong ni Doktor Isko.
"Hindi natin alam, Doktor. Baka aabot tayo ng ilang linggo dito sa lungga. "
"Ilang linggo? Papaano naman po tayo makakakuha ng mga pagkain na makakain?" ani ni Alfonso. Iniisip niya kung papaano sila mabubuhay sa loob ng kweba kung hindi sila makakalabas para kumuha ng mga pagkain. Bukod pa rito ay inaalala rin niya si Milagros. Tiyak na mag-aalala ng lubos ang kaniyang nobya dahil hindi siya makakauwi ng maaga at hindi niya magawang bigyan ng liham ang dalaga upang ipaalam na siya ay nasa mabuting kalagayan."Huwag kang mag-alala Alfonso. Kakayanin nating pumuslit ng ilang beses upang mangalap ng pagkain at bumalik sa lungga. May mga pagkain parin naman na naka-imbak at tiyak kong tatagal ito ng dalawang linggo. " ani ng tiniente at saka ito nagpa-alam sa kanila upang puntahan niya ang mga kasama nila sa bukana ng kuweba.
Sa loob ng dalawang linggo ay walang ginawa sina Alfonso at Doktor Isko kundi manatili lamang sa loob ng kuweba. Ang mga kasama nilang mga rebelde lamang ang lumalabas upang maghanap ng mga makakain o di kaya'y magmanman kung wala na nga bang mga Amerikano ang nagbabantay malapit sa bundok. Tila hindi na kaya ni Alfonso na maghintay pa ng matagal kaya hindi niya natiis na lumapit kay Tiniente upang magtanong kung maaari na ba silang umuwi ni Doktor Isko.
Kalakuyang nag-iihaw ang tinitente ng isang malaking ahas na nahuli nila kanina. Lumapit naman sa kaniya si Alfonso at kinuha nito ang kaniyang atensiyon. "Tinitente Toress, mawalang galang na ho, pero puwede po ba akong maki-usap na maaari na kaming umalis ngayon o di kaya ay bukas na? Masyado na po kasi kaming nanatili rito ng matagal, tiyak ko'y nag-aalala na ng husto ang aming mga pamilya dahil sa amin."
"Oo naman ijo, balak na naming samahan kayo pauwi mamaya pagkatapos nating kumain. Halika, kumain ka na muna nitong inihaw na ahas upang magkaroon ka ng lakas na maglakad mamaya." pag-aanyaya nito. Umiling naman si Alfonso at hindi niya tinanggap ang piraso ng karne na ini-aabot sa kaniya ng tiniente. "Maraming salamat po tiniente. Busog pa po ako kanina sa kinain namin na karne ng kuneho kaya hindi na po ako makikitikim sa ahas na hinuli niyo."
Pagkatapos niyang magpa-alam sa tiniente upang mag-ayos ng kaniyang gamit ay pinuntahan niya si Doktor Isko upang sabihin na maaari na silang umalis sa araw na iyon. Nang matapos na ang pagkain at pagpapahinga nina Tiniente Toress ay inatasan niya sina Leon at Berto upang ihatid sina Alfonso at Doktor Isko sa Sta. Anna.Paglabas nila sa kuweba ay naglagay muli sila ng piring sa mata nina Alfonso at Doktor Isko. Naglakad sila ng dalawang oras bago nila tinanggal ang mga piring. Naging pamilyar na ang daan na binabaybay nila para kay Alfonso. Habang sila ay naglalakad ay kina-usap siya ni Leon.
"Hanggang sa hangganan lamang ng baryo namin kayo maihahatid, Alfonso. Tiyak naman namin na alam niyo na kung paano magpatuloy na bumalik sa Sta. Anna. Kailangan na kasi naming bumalik dahil may mga plano kaming kailangang pag-usapan. Ayos lang ba ito sa inyo?"
"Oo naman Leon, pamilyar na kami sa mga daan dito at alam na namin kung paano makarating sa Sta. Anna."Nang makarating na sila sa hangganan ay magpapa-alam na sana sila sa isa't-isa ng may mga narinig silang mga yabag ng kabayo. "Tumakbo na kayo patungo sa Sta. Anna Alfonso. At huwag kayong maglakad sa mga daanan. Mag-ingat kayo." ani ni Leon habang inilalabas na niya ang kaniyang mga baril at sandata.
"Maraming salamat Leon. Mag-ingat rin kayo ni Berto." nagpa-alam na sila ng maikli sa isa't-isa ng pigilan siya ni Leon at iniabot niya sa kaniya ang isa niyang baril. "Upang may magamit ka kapag sakaling may mga naka-abot sa iyo." ani niya. Nagpa-salamat muli si Alfonso at sabay na silang tumakbo ni Doktor Isko papunta sa gubat na kailangan nilang tawirin upang maka-abot sa Sta. Anna.Hindi pa sila nakakalayo sa lugar kung saan sila nagkahiwalay nina Leon ay biglang may tumamang bala sa tagiliran ni Doktor Isko. Nakarinig muli sila ng isa pang tama ng bariil at natamaan ang kaliwang braso ni Alfonso. Kaagad siyang tumalikod at hinarap ang pinanggalingan ng bala. Nakita niya ang Amerikanong bumaril sa kanila na naglalagay ng bala sa baril nito. Bago pa niya matamaan si Alfonso ay binaril na siya ni Alfonso sa kaniyang dibdib. Sinuri ni Alfonso ang kanilang paligid upang makita kung may mga Amerikanong sundalo pa na sumunod sa kanila at nakita niyang wala naman.
"Doktor Isko, patingin ako ng sugat mo." Sinuri niya ang tagiliran ni Doktor Isko at napahinga naman siya ng maluwag nang makita niyang Daplis lamang ang natamo nitong sugat. Tinakpan niya ang sugat ni Doktor Isko at sabay silang naglakad papalayo sa napatay niyang Amerikano. Palapit na sila sa may talon ng maramdaman niyang nanghihina na siya.
"Alfonso, bakit hindi mo sinabi sa akin na malala ang sugat ng iyong braso? " kaagad na sambit ni Doktor Isko ng mapansin niyang hindi na maayos ang paglalakad ni Alfonso. Umupo sila sa bato sa gilid ng talon at mas sinuri pa niya ang sugat ni Alfonso. Nanatiling nakabaon sa kaniyang braso ang bala ng baril at maraming dugo na ang nawala sa kaniya."Doktor Isko? Kayo po ba iyan?" ani ng isang tinig mula sa kaniyang likuran. Bumaling naman ang tingin ni Doktor Isko sa bagong-dating at nakita niyang si Suling ito na may hawak na mga labada. "Suling! Mabuti naman ay narito ka. Humangos ka at umuwi ka sa mansiyon. Humingi ka ng tulong upang may kasama akong magbuhat kay Alfonso pauwi. Kailangan namin ng tulong." utos niya sa dalaga at kaagad naman itong tumakbo ng mabilis pabalik sa kaniyang pinanggalingan.
"Maghintay na muna tayo Alfonso, hindi pa kita malulunasan ng maayos hanggat hindi pa kompleto ang aking mga kagamitan."
BINABASA MO ANG
Ang Binibini At Ang Estranghero
NouvellesSta. Anna, Pilipinas 1900 Sa isang talon sa gitna ng gubat ay natagpuan ng isang dalagang si Milagros ang naghihinalong sundalo na si Alfonso. Dahil sa angking kabaitan ng dalaga ay dinala niya ang wala ng malay na sundalo sa kanyang bahay at umaasa...