~Ligawan~

8 0 0
                                    

Magmula noong binigyan siya ng permiso ni Milagros na maari niyang ligawan ang dalaga ay hindi tumigil si alfonso sa pagpapakita ng kaniyang mga nararamdaman para sa dalaga sa mga sumunod na araw. Lagi niyang binibigyan ng bulaklak ang dalaga araw-araw at tuwing sabado ay dumadalaw siya sa tahanan ng mga Dacanay upang tumulong sa mga gawain doon at upang dalawin si Milagros. Kapag linggo naman ay nagpupunta sila sa plaza upang mamasyal at lagi namang nakasunod sa kanila si Doktor Isko at Tiya Saturnina. Sa loob ng tatlong buwan a walang humpay na nililigawan ni Alfonso si Milagros.

May mga gabing tumatambay siya sa labas ng bintana ni Milagros hawak ang kaniyang gitara at hinaharana niya ang dalaga ng buong magdamag. Ni minsan ay hindi siya binuhusan ng dalaga ng tubig mula sa arinola at inamin niya na magandang pakinggan ang kaniyang boses. Natuwa naman si Alfonso ng sinabi iyon sa kaniya ni Milagros. Minsan naman, kapag pamilyar ang kanta ay sinasabayan siya ni Milagros. May mga pagkakataon din na kinakailangan nila ni Doktor Isko na magpunta sa ibang bayan upang gumamot doon ng mga may sakit kaya naman ay lagi niyang binibigyan ng liham si Milagros bago sila umalis.

Magdadapit-hapon na ng maka-uwi sila ni Doktor Isko sa Sta. Anna galing sa isang mahabang paglalakbay. Pagkatapos nilang maghapunan ay dumiretso na si Doktor Isko sa kaniyang higaan samantalang si Alfonso naman ay may ibang pakay bago siya matulog. Kinuha niya ang kaniyang gitara na nakasabit sa dingding at pumunta siya sa tahanan nina Milagros. Tumapat siya sa bintana ng dalaga at napangiti naman siya ng makta niyang nakabukas ito at nakasindi pa ang kaniyang ilaw. Nagsimula niyang patunugin ang kaniyang gitara at ilang sandali pa ay dumungaw si Milagros mula sa kaniyang bintana. Nakasuot na siya ng kaniyang damit-pantulog at ang kaniyang mahabang buhok ay nakalugay.

"Magandang gabi, magandang binibini."
"Magandang gabi rin sa iyo, ginoo. Kailan kayo dumating ni Doktor Isko?" nakangiting tugon ng dalaga.
"Kaninang alas-sais, senorita. Kamusta ka naman sa mga nagdaang araw na wala ako?"
"Maayos naman ako. Ikaw, kamusta ka? Hindi ba't dapat ay nagpapahinga ka sa iyong kama dahil tiyak kong pagod ka na sa iyong paglalakbay?" may pag-aalalang sambit ng dalaga.

"Nais kong matulog at magpahinga. Subalit hindi ko alam kung papaano ako makakahimbing ng maayos kapag alam kong hindi pa nakakarinig ng isang harana ang binibining aking sinisinta ng mahabang panahon?" nanlambot naman ang puso ni Milagros sa tinuran ng binata. Muli, pinatugtog ni Alfson ang kaniyang gitara at naghanda na para kumanta.

"Pakinggan mo muna ang aking munting harana bago ka matulog, mahal kong señorita." namula naman ang mga pisngi ni Milagros.

"May isang binibining marikit at maganda
Binihag niya ang aking puso,
ngayo'y iniaalay ko na parang ginto.
Ninanais na tanggapin niya ito.

O magandang binibini, binibining
'sing ganda ng buwan at mga bituin
huwag ka sanang mag-alinlangan
sa pag-ibig na aking iniaalay.
Hinding-hindi kita pababayaan,
Mamahalin kita hanggang sa ako ay mamatay."

Pumalapak naman si Milagros pagkatapos niyang kumanta. "Napakahusay mo talagang kumanta, Alfonso. At sa tingin ko ay hindi ako pamilyar sa kantang ito, ito ba ay bago?"
"Ang kantang ito ay ginawa ko para lamang sa iyo, mahal kong binibini." Mas lalong namula ulit si Milagros. "Napakagaling mo namang gumawa ng kanta, Alfonso. Ang ganda ng iyong talento at hinahangaan ko talaga ang iyong galing sa pagtugtog at pag-awit."

Namula naman ang pisngi ni Alfonso sa tinuran ng dalaga. "Maraming salamat sa iyong pagtangkilik sa akin, senorita. At gayong narinig mo na ang aking kanta, hindi na kita patatagalin pa sa iyong bintana. Bumalik ka na sa iyong higaan at isara mo na ang iyong bintana. Lumalalim na ang gabi at nais kong matulog ka ng maaga. " Humikab naman si Milagros at naramdaman nga niyang inaantok na siya. "May ibibigay muna ako sa iyo bago ka umalis. Hintayin mo lamang ako ng ilang sagliit."

Umalis si Milagros mula sa bintana at pumunta sa kaniyang lamesa upang kunin ang liham na ginawa niya para kay Alfonso. Itinali niya sa liham ang isang bato na pininturaan niya ng iba't-ibang kulay at muli siyang dumungaw mula sa kaniyang bintana.
"Saluhin mo ito, Alfonso." at inihagis niya sa binata ang kaniyang hawak. Walang kahirap-hirap namang nasalo iyon ni Alfonso. "Iyan ang aking sagot sa iyong huling liham para sa akin, Alfonso. Buenos Noches, maraming salamat sa iyong napakagandang kanta."
"Buenos Noches, senorita. Hinihiling ko na sana ako ang magiging laman ng iyong panaginip sa sandaling ikaw na ay natutulog ng mahimbing." sinuklian naman siya ng ngiti ni Milagros bago niya isara ang kaniyang bintana.

Hawak-hawak ang bato, liham, at ang kaniyang gitara ay nagmamadaling umuwi si Alfonso. Nais niyang malaman kung ano ang laman ng liham kaya binibilisan niyang umuwi para mabasa kaagad ito. Pagdating niya sa kaniyang tinutuluyan ay dumiretso siya sa kaniyang kuwarto at kaagad na nagsindi ng kandila. Ang liham na iyon ang kauna-unahang liham na ibinigay sa kaniya ni Milagros mula ng nag-umpisa siyang ligawan ito. Inamoy niya ang papel at naamoy niya ang pamilyar na halimuyak na naamoy niya mula kay Milagros. Mukhang nilagyan ni Milagros ng pabango ang papel.

Binuksan na niya ang liham at humanga naman siya sa ganda at ayos ng sulat-kamay ng dalaga.

Mahal kong Alfonso,

      Nahihiya akong sabihin ito sa iyo ng harap-harapan kaya naman ay pinili kong isulat na lamang ito sa isang liham. Ikinagagalak ko ang iyong panliligaw sa akin at sa mga nagdaang buwan ay unti-unti mo naring nabibihag ang aking puso. Tinuring mo akong espesyal na espesyal na taoo at kahit na lumipas ang mahabang panahon na panunuyo mo sa akin, ni minsan ay hindi kita nakitaan ng kahinaan.

    Tuwing linggo, lagi akong nananbik na gumising dahil alam kong makikita kita at makakasama kita ng ilang sandali. Tuwang-tuwa ako kapag lagi kang nagpupunta sa aming bahay at ang iyong mga iniaalay na bulaklak ay sadyang kaygaganda. Tuwing natutuyot ang mga nauna mong ibinigay ay binibigyan mo ulit ako ng panibago. At sa gabi, laging sumisikdo ang akiing puso kapag nakakarinig ako ng tunog ng gitara mula sa labas ng aking kuwarto.

    Lubos mo akong pinahanga sa iyong walang pagal na panunuyo at sa iyong mga walang humpay na paraan para makuha ang aking puso. Kaya naman, sa pamamagitan ng liham na ito, sinasagot na kita. Pumapayag na akong maging iyong nobya at ipinapangako ko na susuklian ko ang iyong pag-ibig. Mamahalin kita kagaya ng pagmamahal mo sa akin.

Nagmamahal,
Milagros Dacanay

Napakalapad ng ngiti ni Alfonso pagkatapos niyang mabasa ang liham. Umamin narin sa kaniya si Milagros at pagkatapos ng halos isang taon niyang panliligaw sa dalaga ay sinagot na siya nito. Sa gabing iyon ay nakatulog si Alfonso ng may ngiti sa kaniyang mga labi.

Ang Binibini At Ang EstrangheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon