~Paghihintay~

2 0 0
                                    

Tatlong araw. Tatong araw na ang lumipas mula noong umallis sina Alfonso sa Sta. Anna. Inaasahan ni Milagros na pagkatapos ng tatlong araway nakabalik na ang binata dahil iyon ang ipinangako nila sa kanil. Ngunit patapos na ang pangatlong araw ay hindi parin lumilitaw ang anino nina Alfonso at Doktor Isko sa Sta. Anna. Sa puntong iyon ay mas lumala ang pag-aalala sa puso ni Milagros. Maraming mga tanong ang namumuo sa kanyang isipan. Kagaya lamang ng mga sumusunod:
"Paano kung napagpasyahan ni Alfonso na sumanib sa mga rebelde?"
"Paano kung natagpuan sila ng mga Amerikano at sila ay nadakip dahil tinulungan nila ang mga rebelde?"
"Paano kung naligaw sila sa kagubatan kaya hindi pa sila nakakauwi?"
"Paano kung nakasagupa nila ang mga Amerikano at nasugatan si Alfonso o di kaya'y siya ay napaslang ng mga ito?"
Iyon ang mga tanong na tumatakbo ngayon sa isipan ni Milagros habang siya ay naka-upo sa may asotea at nakatanaw sa kawala. Hindi ito ang unang beses na nawala si Alfonso ng matagal sa Sta. Anna. May mga pagkakataon na umaabot ng ilang linggo ang pagkawala nila noon ni Doktoe Isko dulot ng kanilang paglalabay upang gumamot ng mga pasyente sa mga karatig na baryo. Sa mga pagkakataong iyon ay hindi nag-aalala ng lubusan si Milagros dahil alam niyang hindi madaling mapapahamak ang kaniyang nobyo at may mga pagkakataon pa na pinadadalhan siya nito ng mga sulat.

Ngayon lamang nakaramdam ng matinding pag-aalala ang dalaga dahil alam niyang anumang oras ay maaaring mapahamak ang kaniyang iniirog. Habang patuloy siya sa pagmumuni-muni ay hindi niya namalayan ang pag-upo ng kaniyang tiyahin sa kaniyang tabi. "Pinatawag kita kay Suling kanina upang saluhan ako sa hardin para magmeryende pero hindi ka sumipot. Dalawang  oras na akong naghihintay doon pero hindi ka parin gumagalaw sa upuan mo rito sa may asotea."
Napatigil sa pag-iisip ng malalim si Milagros ng marinig niya ang tinig ng kaniyang tiyahin. Umupo siya ng maayos at pinagpagan ang kaniyang palda. "Pasensiya ka na po, tiya. Hindi ko po namalayan ang pagtakbo ng oras."
"Anong ginagawa mo ba rito, ija? Wala ka namang hawak na libron binabasa, huwag mong sabihin na nakatulala ka lang dito sa loob ng dalawang oras." ani ng kaniyang tiya sa isang matigas na tono.

Napayuko naman ang dalaga. Kasabay ng kaniyang pagyuko ay ang pagkawala ng mga luhang pinipigilan niyang kumalawa.  "Pasensiya na po ulit, tiya. Hindi ko po kasi maiwasan na mag-alala para kina Alfonso. Akala ko po kasi ay ngayon na sila uuwi pero wala parin pong sumisipot." pag-aamin niya sa gitna ng kaniyang mga luha.  Lumambot naman ang ekspresyon ng kaniyang tiya. "Tatlong araw pa lang naman ang lumipas, Milagros. Huwag kang mag-alala ng husto. Maaaring may mga bagay pang ginawa sina Alfonso kaya sila ay natatagalan sa pagbalik. Maaaring tumigil sila sa isang baryo na malapit sa pinuntahan nila dahil may mga taong nangangailangan din ng kanilang tulong. Huwag kang mag-alala, ija. Makakauwi rin sila ng ligtas." paniniguro ng kaniyang tiya. Tinuyo niya ang mga luha ni Milagros gamit ang kaniyang panyo at patuloy na pinatahan ang kaniyang pamangkin sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga positibing salita.

Pagkatapos noon ay natulog si Milagros na umaasa na pag-gising niya ay darating na sina Alfonso. Subalit dumaan ang isang linggo, at ang isa pang linggo, wala paring dumarating kina Alfonso at Doktor Isko. Wala ring mga sulat na dumarating na naglalaman ng mga salita mula sa dalawang lalaki. Mas lalong nilukuban ng mas matinding pag-aalala si Milagros. Ikinulong niya ang kaniyang sarili sa kuwarto at sinabing lalabas lamang siya kapag nakabalik na si Alfonso. Tinanggihan din niya ang mga pagkain na ibinibigay sa kaniya ni Suling kaya't nag-aalala na ng lubos ang kaniyang Tiya at nakababatang kapatid na si Miguel.

Alam ni Tiya Saturnina na malala na ang kalagayan ng pangangatawaan ni Milagros dahil higit sa isang linggo na itong hindi kumakain at hindi lumalabas sa kaniyang kuwarto. At dahil ayaw ni Milagros na buksan ang pintuan ng kaniyang kuwarto ay ipinawasak ni Tiya Saturnina ang pintuan sa kanilang mga tauhan. Nang mabuksan ang kuwarto ni Milagros ay sinalubong sila ng mapanghing amoy ng magkahalong ihi, dumi, at suka na matagal ng nananatili sa kuwarto ni Milagros. Natagpuan nila si Milagros na humihikbi sa sulok ng kaniyang kuwarto, nangangayat at nangangamoy na dahil hindi siya naliligo. Ang kaniyang buhok ay magulong-magulo dahil sa hindi na niya ito sinusuklay at inaayos.

"Tiya, meron na po ba si Alfonso? Nagbalik na po ba sila?" mahinang tanong niya sa kaniyang Tiya ng lapitan siya nito. Upang maiwasan nila na hindi magwala si Milagros ay nagsinungaling si Tiya Saturnina at sinabi na paparating na si Alfonso. Kinumbinsi niya si Milagros na lumabas sa kaniyang kuwarto upang maligo at magpalit ng mas komportableng damit. Sa kuwarto muna ni Tiya Saturnina naliligo si Milagros habang nililinisan nina Suling ang kaniyang maruming kuwarto.

Tahimik lamang si Milagros habang sinasabon ni Tiya Saturnina ang kaniyang buhok. Nahimasmasan ang kaniyang pakiramdam habang siya ay naliligo at naging mas maayos narin ang kaniyang isipan. Alam niyang nagsisinungaling ang kaniyang Tiya nang sabihin niya na paparating sina Alfonso dahil bakas sa mukha ng kaniyang Tiya ang pag-aalala. "Hindi parin sila uuwi ngayon, hindi ba, tiya? Sinabi mo lang yun kanina para makalabas ako sa aking silid." pagbabasag niya sa katahimikan.
Huminga naman ng malalim si Tiya Saturnina.
"Ikinalulungkot ko pero, oo, mukhang hindi pa sila makakabalik ngayong araw." mahinang sambit ng kaniyang Tiya.

"Nag-aalala ka rin po ba kay Doktor Isko, Tiya? Kagaya ng pag-aalala ko kay Alfonso."
"Nag-aalala ako para sa kanilang dalawa ni Alfonso, hindi lamang kay Doktor Isko."
"Nagsisinungaling ka na naman Tiya, hindi naman lingid sa aming kaalaman na may pagtingin kayo sa isa't-isa." ani ni Milagros. Noon pa man ay may napapansin na siyang espesyal na namamagitan sa kaniyang Tiya Saturnina at Doktor Isko subalit hindi niya mabatid kung ano iyon. Nalaman nalang niya kung ano iyon noong naging kasintahan na niya si Alfonso.

"Mukhang matanda ka na talaga Milagros upang mapansin ang namamagitan sa amin ni Isko. Dati ko siyang kasintahan noon subalit hindi pabor sa kaniya ang aking ama. Kaya naman ay naghiwalay kami at siya ay pumunta  sa Maynila upang mag-aral ng pagiging doktor. Pagkatapos ay naglakbay siya sa iba't-ibang bansa ng mahabang panahon, akala ko nga ay nag-asawa na siya sa mga panahong iyon. Pagbalik niya ay matanda na kaming dalawa para ituloy ang naudlot naming pag-iibigan noon kaya naging matalik na magkaibigan nalang kami. Kaya nag-aala rin naman ako ng lubusan para sa kaniya." pagkukuwento ng kaniyang TIya. Hindi naman napigilan ni Milagros na maawa para sa kanyang Tiya at kay Doktor Isko. Maraming panahon ang nasayang para sa dalawa na magsama sana at ngayon ay parang huli na ang lahat.

Nang matapos ang kaniyang pagligo at pagpapalit ng damit ay kinumbinsi siya ng kaniyang Tiya na ayusan siyang buhok. Matagal na nang huling inayos ng kaniyang Tiya ang kaniyang buhok kaya naman ay pumayag siya rito. Habang sinusuklay ni Tiya Saturnina ang kaniyang buhok ay biglang may kumatok sa pintuan.
"Senora! Senora! Si Suling po ito!" sigaw ni Suling mula sa labas.
"Bukas ang pintuan, Suling, maari kang pumasok." ani ni Tiya Saturnina.
Bumukas naman ang pinto at kaagad na pumasok si Suling. Pawis na pawis ang hitsura ng dalaga. "Senora, kailangan po nating magpunta sa may talon sa gitna ng gubat, nandoon po sina Doktor Isko at Ginong Alfonso at parehas po silang sugatan!" 

Ang Binibini At Ang EstrangheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon