~Permiso~

2 0 0
                                    

Halos isang linggong nanatili si Milagros sa tahanan ng kaniyang pinsan na si Maria bago siya tuluyang umuwi sa kanilang tahanan. Kahit maigsing panahon lamang siyang nawala ay hindi niya maiwasang mangulila sa kaniyang sariling kama at kuwarto. Nababagot na siya sa kahabaan ng kaniyang paglalakbay pauwi at sa paglipas ng kalahating araw ay natanaw narin niya ang pamilyar na arko ng Sta. Anna. Agad siyang umupo ng maayos at tinapik niya ang natutulog na si Suling upang sabihin sa kaniya na nakarating na sila sa kanilang baryo.

Pagdating sa kanilang bahay ay kaagad silang sinalubong ng kanilang mayordoma at ni Manuel. Kinuha ni Manuel ang kaniyang mga gamit at iniakyat iyon patungo sa kaniyang kuwarto habang kinuha naman ng mayordoma ang mga pagkain at prutas na iniuwi nila galing sa hacienda nina Maria. "Nakuu, andami niyo namang naiuwing mga manggang hilaw. Lulutuin ko na ang alamang at bibili ako ng bagoong para may sawsawan tayo mamaya." tuwang-tuwang sambit ng mayordoma habang hawak-hawak ang isang kaing ng mangga.
"Muntik na hong gawing isang sako ng mangga ni Tiyo Saturnino kanina ngunit ipinagpilitan namin ni Suling na gawing isang kaing nalang dahil hindi na ho ito kakasya sa aming kalesa. May mga saging, kamote, pinya at papaya pa ho silang ibinigay sa amin na kasing dami ng mangga na iyan, Manang Lucing." sagot ng dalaga sa mayordoma na siya namang ikinatuwa nito dahil marami na naman silang libreng prutas na kakainin.

Pagkatapos maipasok ang mga bagahe nina Milagros ay pumasok na siya sa kanilang bahay kung saan naghihintay ang kaniyang Tiya sa may asotea na may kasamang tsaa at mga biskwit. Linapitan niya ang kaniyang tiya at sinalubong naman siya nito ng isang mahigpit na yakap. "Kamusta naman ang pagbisita mo sa aking kapatid, Milagros? Kamusta ang iyong tiyo at tiya at ang iyong pinsan na si Maria?" kaagad na tanong ni Tiya Saturnina nang makaupo si Milagros. Dumalo rin sa kanila si Manuel ng makita niyya na nagmemeryenda sila sa may asotea.

"Nasa mabuting kalagayan naman ho sina Tiyo Saturnina, tiya. Malakas at matikas parin po siya, siya nga po ang umakyat ng mangga kahapon para kumuha ng mga maiuuwi namin ni Suling. Kakagaling naman po ni Tiya Marisa mula sa isang sakit noong nakaraang buwan at ngayon ay masigla na po siya at tuluyang naghilom." sumimsim muna ng tsaa si Milagros bago niya ipagpatuloy ang kaniyang pagkukuwento. "Si Maria naman po ay ikakasal na sa kaniyang matagal ng nobyo sa darating na Nobyembre, tiya. Naalala niyo ho ba yung binata na bumisita sa kanilang bahay noong bumisita tayo sa kanila noong nakaraan?"

Tumano naman ang kaniyang tiyahin at sa mga sumunod na minuto ay itunuloy niya ang kaniyang mga kuwento. Nagkuwento rin sina Tiya Saturnina at Manuel sa mga pangyayari sa kanilang buhay ng mga panahong wala si Milagros. "Alam mo ate, nararamdaman ko na magkakanobyo ka narin at hindi rin tatagal ay ikakasal ka kagaya ni Maria. Noong nakaraan kasi ay- Aray! " hindi na naiutloy ni Manuel ang kaniyang sinasabi dahil kinurot ng kaniyang Tiya ang kaniyang tiya. "Hindi dapat ikaw ang magsasabi niyan sa kaniya, Manuel." nagtataka naman si Milagros sa inaasta ng kaniyang Tiya at kapatid. 'Ano kaya ang nangyari sa kanilang tahanan noong ako ay nawala?' tanong ng dalaga sa kaniyang isipan.

Nahalata naman ni Tiya Saturnina ang pagtataka ni Milagros kaya nginitian niya ang dalaga. "Huwag kang mag-alala ija, malalaman mo rin kung ano ang tinutukoy niya. " kahit na nais pa niyang usisain si Manuel tungkol sa sinasabi niya ay wala ng lakas si Milagros para makipag-argumento sa kaniyang kapatid. Tiniyak din naman ng kaniyang tiya na malalaman din niya ang ibig sabihin ni Manuel. Pagkatapos ng kanilang hapunan ay dumiretso na si Milagros sa kaniyang silid upang matulog dahil napagod siya ng husto sa kanilang biyahe.

Kinaumagahan ay nagising si Milagros ng may ngiti sa kaniyang mukha dahil Linggo ang araw na iyon. Ibig sabihin ay makikita niya si Alfonso at nananabik siya na makita ang binata dahil hindi niya ito nakita ng magdadalawang linggo. Kagaya ng kanilang naging kagawian ni Suling ay tinulungan nila ang isa't-isa para makapag-handa para sa misa. Inayos muli ni Suling ang kaniyang buhok at inayos din niya ang buhok ni Suling. Nang sila ay tapos na sa paghahanda at sa pagkain ng almusal ay pumunta na silang lahat sa may simbahan.

Pagdating nila sa simbahan ay naroon na sina Alfonso at Doktor Isko at naka-upo sila sa tabi ng nakagawiang upuan nina Milagros. Umupo si Milagros sa tabi ng binata at sa kaniyang gilid naman ay doon umupo si Manuel. Binati siya ni Alfonso at ngumiti siya ng matamis, bagay na nagpabilis sa pagtibok ng puso si Milagros. Sinuklian naman ni Milagros ang kaniyang ngiti at umupo ng maayos. Habang hindi pa nagsisimula ang misa ay kinausap siya ni Alfonso at tinanong kung kamusta ang naging bakasyon nito. "Mabuti naman, ginoong Alfonso. Naibsan ang aking pangungulila sa aking pinsan at marami akong naiuwing mga prutas mula sa kanilang hacienda. May mga prutas pang natira sa bahay at balak namin ni Tiya na kunin niyo io mamaya ni Doktor Isko pagkatapos nating kumain ng hapunan." pagkatapos niyang sagutin ang binata ay tinanong din niya ito kung kamusta na siya. Bago pa man makasagot si Alfonso ay nagsimula na ang misa kaya namna ay pinagdesisyunan nilang mamaya nalang nila ituloy ang kanilang usapan.

Natapos na ang misa at kagaya noong huli ay sa tahanan ng mga Dacanay sila maghahapunan. Maagang natapos ang misa ngayon kaya noong dumating sila ay hindi pa tuluyag naluto ang pagkain. Habang naghihintay ay nag-kukuwentuhan sa may sala sina Manuel, Tiya Saturnina at Doktor Isko. Si Milagros naman ay nagtungo sa may asotea upang magbasa ng libro. Nang makita ni Alfonso na nasa asotea si Milagros ay humingi siya ng pahintulot kay Tiya Saturnina na kausapin ng pribado si Milagros. Pinahintulutan naman siya ni TIya Saturnina dahil kitang-kita naman niya ang dalawa mula sa kaniyang kinaroroonan at nasisiguro niyang walang mangyayaring masama sa pagitan ng dalawa.

Kinakabahang nagtungo sa may asotea si Alfonso. Bago pumasok ay itinago niya sa kaniyang likod ang isang pumpon ng bulaklak na nabili niya kanina sa may simbahan. Tumikhim siya at bumaling naman sa kaniya ang atensiyon ni Milagros. "Paumanhin, Senorita Milagros, kung nagulat kita. Nais ko sana na mag-usap tayong dalawa. Huwag kang mag-alala, pumayag ang senora at wala akong balak na masama sa iyo. "
"Wala ka ng dapat pang ipag-paumanhin, ginoong Alfonso. Ano ang nais mong pag-usapan natin?" nakangiting tanong niya sa binata.
Inilabas ni Alfonso ang kaniyang mga hawak na bulaklak at iprinesenta ito kay Milagros.

"Senorita Milagros, matagal na akong may nararamdaman para sa iyo at ngayon ako nagkaroon ng tapang upang aminin ito sa iyo. Noong nakaraan ay humingi ako ng permiso sa iyong tiyahin at sa iyong kapatid upang ligawan ka at binigyan naman nila ako ng basbas. Ngayon naman, nais kong hingin ang iyong permiso, mahal kong binibini, na ligawan ka at ipakita ko sayo kung gaano kita kamahal."
Napasikdo sa tuwa ang puso ni Milagros habang pinapakinggan ang iba pang sinasabi ni Alfonso tungkol sa pagmamahal niya sa kaniya. Nais siyang ligawan ng lalaking kaniyang pinagkaka-gustuhan at hindi naman niya nais na tumanggi. Ngumiti siya kay Alfonso at tinanggap ang mga bulaklak na alay nito.
"Pumapayag ako, ginoong Alfonso. Ibinibigay ko sa iyo ang aking permiso." buong-pusong sagot niya sa binata na ngayon ay nakangiti ng malapad.

Ang Binibini At Ang EstrangheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon