Part 33 [Intramurals]

8.2K 169 45
                                    

Part 33

IT’S Intramurals day, maayos at sobrang ingay ng paligid kahit na wala pang nangyayari. Alas-diez pa ang simula pero napupuno na ng sigawan ang bawat classroom, may kaniya kaniyang ginagawa, at ang iba naman ay nag-gagala sa buong lugar habang naghihintay ng oras.

"Nasaan ba si Darlene at Phoenix? Ang tagal lagi ng mag-jowa na 'yon," sambit ni Harvey habang may hawak na pagkain.

Kanina pa sila nasa quadrangle at mga walang ginagawa bukod sa pag-ubos ng pagkain ni Harvey.

"Tangina niyo, akin 'yan!" sambit ni Harvey sabay kuha ng pagkain.

"Ulol, libre lang sa ‘yo 'yan ng second year, e! Napogian sa ‘yo, e, ang pangit pangit mo," sagot ni Arvin habang pilit na kumukuha sa pagkain ni Harvey pero tumayo ito at lumayo. "Ang damot mo!" Inis siyang tumingin sa kaibigan pero nawala 'yon nang makita sa dulo ng quadrangle si Darlene na hawak sa necktie si Phoenix habang hila-hila.

Pero hindi 'yon ang nakakuha ng atensyon niya—nilang lahat. They saw Darlene on her long loose curl hairs, but it was a half pony using a hair claw clip. Hindi ito nakasuot ng uniform. She was wearing a black halter top with black leather jacket, covering her revealing body and wide leg jeans.  She's also wearing a gold necklace with a 'P' pendant, it was Phoenix's gold necklace.

"Mukhang kawawa na naman si Phoenix, ha?" mapangutyang sabi ni Gavin, nakatingin siya sa dalawa bago nilingon ang mga kaibigan. "Ampucha, kaya kayo nahuhulog, e. Tigilan niyo kasi ang paninitig." Napailing siya.

Hindi sila nagsalita dahil ang mga mata nila ay nasa dalaga. They were confused when they saw what’s happening.

Panay ang salita ni Darlene at irita ang makikita sa mukha. Phoenix wasn't talking but... smiling while looking at his girlfriend. He loves seeing Darlene to be like this.

Ang cute nga naman daw kasing magalit ng minamahal niya. Hindi niya rinniya magawang sabayan ang inis ni Darlene, mas lalo raw kasi siyang nai-inlove.

Phoenix stopped in front of Darlene. Binuhat niya ang dalaga na parang isang sakong bigas.

Malakas na nagtawanan sina Gavin sa nasaksihan lalo na nang marinig ang sigaw ni Darlene.

"Putang ina! Hindi ako bigas, Phoenix! Mukha ba akong bigas sa paningin mo?!" sigaw ni Darlene. "Ibaba mo ako!"

Ginawa naman ni Phoenix ang sinabi ng dalaga nang makarating kung nasaan ang mga kaibigan nila.

"You're so heavy, love,'' sambit ni Phoenix nang mababa ang girlfriend. He fixed Darlene's top because her cleavage was showing a little.

"Ulol," tanginng nasagot ni Darlene bago tumingin sa mga kaibigan. "Anong tinitingin-tingin niyo?" tanong niya sa mga lalaking nakatingin sa kaniya, na halos magmukhang tanga sa paraan ng paninitig sa kaniya.

Kung hindi pa kinuha ni Phoenix ang water bottle, hindi pa sila iiwas ng tingin. Gano'n rin sina Gavin.

"Ano lang... bakit irita ka yata?" tanong ni Renz bago mapakamot sa noo. Amputa, sino ba namang hindi magagandahan dito?

"And why are you shouting?" Trevor asked too. Beautiful as ever, does she know how Phoenix is crazy about her? Iniwas niya ang tinging sa kung saan.

Now I know why Nix seems crazy. Ganda ba naman ng kinababaliwan. Sumandal si Harris matapos mapailing.

Mavis' eyes went straight to her. Ganda naman. Her outfit suits her. He straightened his water before looking away.

"Ah, irita lang ako dito." Turo ni Darlene kay Phoenix. "Pero ayos na, hindi na ako irita." Binigyan kasi siya ni Phoenix ng pagkain na galing pa kay Harvey kaya mas lalong hindi maipinta ang mukha ng kaibigan.

TGIWS: Phoenix Ryler Velasquez's POV (Completed)Where stories live. Discover now