EPILOUGE

217 13 0
                                    

Maycee's P.O.V.

*Two and a half years later*

"Passengers, we have begun our descent to Philippines, where the current weather is 27 degree Celsius and we will be in Gate 25 in 15 minutes. Please fasten your seatbelts, sit back and relax. We thank you for flying with us today and we hope you will have a nice stay in the country." The pilot said.

I honestly enjoyed my stay in Chicago. Naging maayos agad yung buhay namin ni Tita dun, sobrang swerte niya sa trabaho na nakuha niya dahil mataas ang sweldo , mababait ang mga kasamahan niya at higit sa lahat nag-eenjoy siya. Nakabili agad kami ng maliit na bahay dun at mas naging maayos yung stay namin. Wala naman din kaming hirap sa studies ko dahil nga full-scholarship and binigay sakin. Tinapos ko yung dalawang taon ko sa University of Chicago and I'm proud to say I'm still one of the honour students nung grumadute ako just last month. People are nice there too but I stayed focused on my studies kaya hindi rin ako gaano nagkaron ng sobrang close friends. Pero minsan sobrang naho-homesick din ako. Namimiss ko yung kulitan namin ni Kishi at Skye, yung asaran namin ni Dave at yung paglambing sakin ni Ian. Syempre wala naman akong choice kundi tiisin yun for more than two years.

.

But today, finally, I'm going back home.

Hindi ko na matago yung excitement ko, gusto ko na ulit silang makita. Hindi nila alam na ngayon ako uuwi, gusto ko silang i-surprise since ngayon din yung graduation nila. I can't wait to see the look on their faces pag nakita nila ako.

Ako nalang mag-isa ang bumalik dito sa Pilipinas dahil si Tita, nakahanap nan g lovelife niya sa Chicago at ayoko na siyang guluhin. Mabait naman din yung lalaki, kaya kampante na akong iwan siya dun. Nagdecide din ako na kahit doon ako nakatapos ng college, dito ako magta-trabaho. Masyado ko talagang na-miss itong bansang to.

Pero syempre, mas na-miss ko yung mga taong close sakin dito. Kahit pa halos araw-araw kaming magkaka-usap ni Kishi, Sky at Dave sa Skype sobrang miss ko parin sila, lalo na siya. Bago kasi ako umalis last two years, napag-usapan namin ni Ian na tatanggalin na muna namin yung communication sa isa't-isa. It was my idea and I thought he wouldn't agree, pero sa gulat ko pumayag siya; saying na mas magiging okay yun, lalo na pagbalik ko.

"Okay yun, para magmumukha talagang nagrestart tayo." I remembered him said that.

Pero hindi ko parin naman maiwasan na kahit minsan tinatanong ko kay Kishi kung kamusta na siya. Syempre, natatakot ako na baka naman bumalik ulit yung ugali niyang nangbubully or baka naman nakahanap na siya ng iba. Pero so far naman, puro positive naririnig ko sa kanila.

I'm proud na patuloy pala nilang ginagawa yung pagbibigay ng free theatre lessons sa mga students ng university and according to Kishi, our college gave them an award for that. Sobrang naging lively na ulit ang College of Performing Arts the semester after kong umalis dahil nga nawala na din yung Big4 nun. Sabi ni Kishi, mas nakita na yung galing ng bawat students dahil hindi na sila takot since wala na nga yung Big4. Leila and Cathy on the other hand had changed too, hindi ko parin makalimutan yung gabi na pinuntahan ako ni Leila after nung lahat ng revelation about Mia. Wala siyang tigil ng ka-so-sorry sakin at alam kong sincere na siya nun. Sinabi niya sakin lahat, at naiintindihan ko naman siya; na ginagawa lang niya yun dahil natatakot siyang maulit yung naranasan niya dati. Of course, pinatawad ko naman siya at last year ko lang nalaman na lumipat pala sila ng university ni Cathy. Well, at least kahit yung part na yun naayos din.

I just looked outside the window of the plane, nakikita ko nang lumalaki na yung mga buildings sa baba; meaning we're near to land.

I just sat back and relaxed, putting a small smile on my face.

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon