Chapter 30

131 10 2
                                    

{As promised eto na! Another Chapter The end is near guys so keep on reading! -xUTOPIANx}

 

Chapter 30

Maycee's P.O.V.

October 25, 2014

8:00 P.M.

 

"MAYCEE! Maycee please, stop!" naririnig kong hinahabol ako ni Kishi, habang ako naman patuloy lang sa pagtakbo palabas ng college naming.

Suddenly, everything was perfect now it became like this.

 

Pero I know I do deserve this. Siguro mabuti ng ganito.

Napahinto nalang ako sa pagtakbo nung nasa may gazebo na ako, at nahabol nadin ako ni Kishi.

"Maycee, I-I'm sorry. Hindi ko din alam kung bakit ganun ang naging reaksyon ni ---

"I deserve it! I DESERVE IT ALL!" napasigaw lang ako sa kanya. I can't take this anymore, hindi ko na kayang itago pa. The more na tinatago ko, mas lalo ko pang pinapalaki ang gulo.

Pinapalaki yung kasinungalingan ko.

 

"Cee, you don't. Hindi dapat siya magalit sayo." Sabi ni Kishi at niyakap niya na ako. Grabe nadin pala yung iyak ko ngayon.

I was expecting this to happen but not this way.

Sobrang unexpected ang mga pangyayari.

 

"Hindi mo ko naiintindihan. Wala kayong alam! I deserve it all, lahat ng sinabi niya. I could have done something to him kung gusto ko. In fact, I already did something to him!" hindi ko na alam kung paano na ako nakakapagsalita. Puro nalang hikbi at iyak ang lumalabas sakin at pina-upo nalang ako ni Kishi doon at tinabihan niya ako habang nakayakap parin siya sakin.

"Maycee, anong pinagsasasabi mo? You wouldn't do that. Wala ka namang balak gawin kay Ian. Best friend mo ko, alam ko lahat ng ginagawa mo." Sabi niya sakin.

Umatras ako sa yakap niya at huminga ako ng malalim, pinunas ko din yung kamay ko sa mukha ko pero alam kong lumuluha parin ako. Wala naman na ding tao sa paligid kaya kampante na akong magkuwento.

Kailangan ko ng tapusin tong pagpapanggap ko.

 

"You'd hate me pag sinabi ko na ang lahat sayo." Sabi ko kay Kishi at parang mas lalo siyang naging curious.

"I'm your best friend. Expect me to understand kahit ano pa yan." Sabi niya sakin with a faint smile habang tinapik niya balikat ko then I nod.

"I was a part of Mia's plan." Inumpisahan ko na agad sabihin sa kanya bago pa umurong lahat ng lakas ko. Tinatry ko ding hindi mag break down nun, remembering that past really kills me. Magsasalita na sana ako nang marinig kong tumatawa si Kishi.

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon