Chapter 1

551 15 0
                                    

Chapter  1

Maycee’s P.O.V.

June 17, 2014

8:35 A.M

Ilang minuto na akong paikot-ikot sa loob ng university na to pero hindi ko parin alam kung nasan ang classroom ko.

“Hi, new student ka dito?” tanong ng isang student sa tabi ko. Maganda siya, mahaba ang buhok at mukhang matalino. “I’m Kishi, old student nako dito and maybe I can help you? Mukha kasing nawawala ka eh.” Sabi niya sakin ng nakangiti, mukha naman siyang friendly.

“Hehe, oo nga eh. Hindi ko kasi makita yung College of Performing Arts eh” sagot ko naman sa kanya. “2nd year na ko, pero kasi transferee ako kaya hindi ko alam kung nasaan yun”

“Oh, so you’re the new student! 2nd year din ako sa College na yun and I think classmate kita!” sabi niya, gusto ko na agad siya kasi parang napaka cheerful niya and happy-go-lucky.

“Talaga? Oh, nga pala I’m Maycee. Nice to meet you Kishi” sabi ko while nakangiti. Magiging ok naman ata ang stay ko sa university na to, mukha namang mababait ang mga tao.

“Yey! O tara na, I’ll give you a tour first day naman ngayon kaya free ang mga students gawin ang gusto nila kaya tayo, magliwaliw tayo” sabi niya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa college namin.

College of Performing Arts. Kakaiba diba, pero dito lahat ung about sa music, dance, or film industry or even sa theatre. My dream is to become a director kaya ok narin na nagtransfer ako dito kaysa naman sa dati kong university na ang course ko ay Engineering na hindi ko naman gusto.

“Welcome to the College of Performing Arts!” sigaw bigla ni Kishi na malaki ang ngiti sa tabi ko.

Tinignan ko yung building at I can say na maganda at maayos naman siya pero parang isolated nga lang kami at alam ko na agad kung bakit.

Maingay.

 

On the other side of the building may naririnig akong mga musical instruments, and dance music. Sa kabila naman, prang may nagpaparactice ng Speech Choir. Ang weird nga eh, kasi first day palang ganito na kaagad kaingay at parang busy na ang lahat pero I think they're just doing these things for fun.

“Wow, now this is my place.” nasabi ko at tumawa kami ni Kishi habang papasok dun sa building. Mukhang kilalang kilala si Kishi sa college nay un kasi halos lahat ng madaanan namin nakangiti sa kanya. “Famous ka pala dito eh.”

“Hala ka, hindi naman.” Sabi niya at nagsimula na siyang magtututuro sakin kung nasan ang mga classroom, AVR, comfort room, faculty room at kung ano-ano pang rooms at minsan din pinapakilala niya ko sa mga iba niyang kaibigan.

“Mukhang mag-eenjoy talaga ako dito Kishi, ang babait lahat ng tao” sabi ko sa kanya habang nakaupo kami sa loob ng cafeteria.

“Uhm, actually hindi lahat beware of them

“Huh? Sinong them? Maka-them ka naman eh akala mo zombie sila or kung ano.” Sabi ko. Maya maya narinig kong nagbukas yung pinto ng cafeteria at parang biglang nawala ingay sa loob ng room na yun. “Kishi, wag mong sabihing may group of bullies dito?” tanong ko sa kanya.

“Yup, and sadly, sila ang top 4 sa college na to. As in bright kids, but mean.” Sagot niya sakin at halatang irritable siya sa mga yun. Nakatingin lang si Kishi sa may pintuan at napatingin nadin ako.

Apat sila. Dalawang lalaki, dalawang babae pero may isa lang na nakakuha ng atensyon ko sa apat. Nakatitig lang ako sa kanya at parang nag slow motion lahat ng nasa sa paligid ko.

NOPE! Dapat hindi ko to nararamdaman..

“Wow, that was fast. Ian already got your attention? Gwapo at matalino nga, napaka yabang at may bad attitude naman.” Biglang sabi ni Kishi na tumapos sa aking slow motion moment.

“Sila? Mga bullies? I mean, bakit? Eh diba sabi mo top 4 sila dito?” nacurious ako bigla sa apat na yun, lalo na yung tinawag ni Kishi na Ian.

“Feeling nila threatened sila palagi, ayaw nilang makuha sa kanila yung trono nila kaya dinadaan nila sa pananakot sa ibang students na wag silang banggain kaya ikaw mag-ingat ka sa mga yan. Mukha ka pa namang brainy.” Sabi ni Kishi.

Bago yun ha, ngayon lang ata ako nakakita ng ang mga nerdy-brainy kids ang mga bullies. Tinitignan ko parin ung lalaki na nasa pinaka gilid at tulad nga ng sinabi ni Kishi, mukha nga talaga siyang mayabang at confident, but maybe TOO confident. Yung dalawang babae din sa grupo mukhang mga mataray and sossy, pero yung isang lalaki wala siyang expression feeling ko nakikiride on lang sya sa trip nung mga kaibigan niya.

“Hanggang top 4 lang ba talaga dito? Parang kulang naman ata yun?” tanong ko.

“Uhm, hanggang top 5 sya. Ako yung top 5.” Sabi ni Kishi at napatitig nalang ako sa kanya. “Top 1 is Ian, yung gwapong tinitigan mo pero napaka yabang at feeling niya mapapa-fall niya lahat ng babae sa kanya. Top 2 is Leila, Ian’s girlfriend, matalino at maganda pero napaka taray at arte mapili sa kaibigan. Top 3 is Catie, mabaet yan nung una pero na impluwensyahan ni Leila kaya ayan, naging mapili sa kaibigan. Top 4 is Sky.”

Habang pinapakinggan ko si Kishi nakikita ko sa itsura niya na medjo hindi niya gusting pinag-uusapan yung apat na yun lalo na si top 2 pero prang naging malumanay yung boses niya pagdating kay top 4.

“Sabi ko na matalino ka eh! Pero buti nalang hindi ka kasama sa kanila.” Sabi ko sa kanya pero parang uneasy sya na ito pinag-uusapan namin, parang may ayaw siyang memory.

“Iba nalang pag-usapan natin, umiinit talaga ulo ko pag sila na iisip ko eh, hehe.”

Nanahimik nalang ako pagtapos niyang sabihin yun. Napatingin ako kung saan umupo ung ‘Big 4’ at napansin ko na nakatingin sakin si Ian.

At nung nagkatitigan kami.

Hindi ko alam kung bakit pero….biglang bumilis tibok ng puso.

Uulitin ko, hindi ko dapat nararamdam to.

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon