Chapter 9

301 10 0
                                    

Chapter 9

July 25, 2014

Maycee’s P.O.V.

1:50 P.M.

Naglalakad kami ni Kishi papuntang AVR ng college namin para magpa-register para sa quizbee next two weeks. College week kasi naming yun at isa itong quizbee sa activities na gagawin noon.

“Alam mo Maycee, ngayon pa lang naaamoy ko na pagkapanalo natin sa quizbee na to. Ikaw ba naman partner ko eh.” Sabi ni Kishi na mukhang sobrang excited.

“Tigilan mo nga ako Kishi, syempre kung mananalo man tayo hindi lang puro ako gagawa nun no.” sabi ko sa kanya nang nakangiti.

“Oo, mga one-fourth sasagutan ko, ikaw mga three-fourth.” Sagot niya sabay tawa kaming dalawa.

“At isa pa, sabi ni Ian sasali din sila ni Leila.”

“So? Ang tanong ko lang naman dun eh, papatalo ka ba sa kanila Maycee?”

“Syempre hindi.”

“I was expecting to hear that with a super upbeat voice. Something bothering you?” natanong niya sakin. Naiisip ko lang kasi ung conversation namin ni Ian kanina, alam kong may binabalak talaga siya.

“Kanina kasi nung nasabi ko kay Ian na sasali ako sa quizbee, iba yung ngiti niya. Yung parang ina-anticipate niya talagang sabihin ko yun, parang may binabalak siya. At isa pa, sinabi ko sa kanyang magready na siya since hindi talaga ako papatalo sa kanila, at yung sagot niya parang ready na siya before I even tell him to be ready.” Paliwanag ko sa kanya.

“Of course, hindi mo naman talaga i-eexpect na wala siyang gagawin about dun no.” sagot niya at huminto na kami sa paglalakad dahil nasa loob na kami ng AVR, sinulat na ni Kishi pangalan naming sa registration form para sa quizbee.

“Wow, mukhang magiging maganda ang quizbee this year. Ang new elite ng college sasali para kalabanin ang top 2 students dito.” Sabi nung nagbabantay dun sa loob na mukhang fourth year student. Ngumiti nalang kami sa kanya at umalis agad doon.

“See, kilala ka na agad as the new elite student dito. And it only took you one month.” Sabi niya.

“Kishi dun na nga ako kinakabahan eh. Sa lahat ng kinwento mo sakin about sa big 4, hindi ba dapat matagal na nila akong pinigilan? Matagal na dapat silang may ginagawa pero hinayaan nila akong maging top pa sa kanila halos. Nararamdam kong soon sila magsisimula, yung kung kelan nasa taas na ko tsaka sila aatake.”

“I was thinking the same thing. Just be ready for them, alam ko namang kakayanin mo sila eh. Ikaw pa! you’re the girl with full of surprises.” Cheer-up sakin ni Kishi. Nakikita ko talaga sa kanyang malaki na tiwala niya sakin, natutuwa naman ako doon pero sana hindi rin ganoon pagtitiwalang ibigay niya sakin.

Dahil may chance din na mag break down ako.

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon