Chapter 13

198 10 1
                                    

Chapter 13

July 29, 2014

Maycee's P.O.V.

7:45 A.M.

Late na pero nakahiga parin ako sa kama ko at iniisip yung nangyari kagabi.

Kahit pa sinasabi ko sa sariling kong asar lang sakin ni Ian yung ginawa niya saking pagyakap kagabi, hindi ko parin mapaniwala yung sarili ko. Hindi naman sa assuming ako pero baka nagugustuhan ako ni Ian?

Hindi pwedeng mangyari yun. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mangyari yun.

Tumayo nalang ako at nag-ayos na para pumasok sa school kahit wala naman akong gagawin. Ayoko lang mapag-isa dahil hindi na mapakali yung utak ko tuwing mag-isa ako. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Tita na naglilinis.

"Tita, ako na po dyan. Magpahinga nalang po kayo." Sabi ko sa kanya at ngumiti siya sakin.

"Anak, kailangan ko nang gumalaw ulit. Wag kang mag-alala okay na ako. At isa pa, kailangan ko nang magbanat ng katawan. May trabaho na ulit ako." Sabi niya sakin at nakikita ko sa kanyang masayang masaya siya.

"I'm happy for you tita at okay ka na po ulit." Sabi ko sa kanya sabay yakap sa kanya.

"Tama na yung limang buwan na ikaw yung umasikaso sakin. Sa ganyang edad mo dapat hindi mo pa yun naramdaman. Pasensya ka na ha. At oo nga pala, pwede ka nang hindi magtrabaho ngayon, baka nahihirapan ka na eh."

"Hindi po tita, masaya naman po ako sa ginagawa kong trabaho eh, isa pa tuwing sabado lang naman yun. Ang cute kaya ng mga bata." Sagot ko sa kanya.

Isa akong hired part-time teacher sa barangay namin na nagtuturo sa mga out-of-school youths sa lugar na yon. Program siya ng mga pari sa barangay namin at nung nag-apply naman ako sa kanila tinanggap naman ako kahit nung una nag-aalinlangan sila dahil nga sa edad ko. Pero nung nalaman nila yung dahilan kung bakit ko kinailangan ng trabaho, pumayag naman sila at nung nakita nila yung progress ko sa mga bata mas hinayaan na nila akong maging teacher nila. Malapit narin ako sa mga estudyante ko doon kahit pa minsan lang kami magkita.

Pumunta nalang kami sa kusina ni Tita para kumain ng almusal at natutuwa akong makitang napaka-sigla na naman niya ulit.

"Oh, kamusta yung about sa dare sayo? Wala bang problema?" tanong niya sakin at muntik na akong mabilaukan dahil naalala ko agad yung yakap ni Ian sakin kagabi.

"Okay naman po? Actually, ewan po eh. Nalilito nako kay Ian, parang nang-aasar siya na hindi. Yung dating pang-aasar niya sakin lagi ko nararamdamang mga pang-inis lang niya yun pero ngayon parang totoo na?" sagot ko kay tita.

"Wag ka magagalit anak ah. Pero baka naman kaya mo iniisip na totoo na yung mga asar na yun ay dahil sa gusto mo ngang maging totoo na yun?" sabi niya sakin at napatingin nalang ako sa kanya.

"Tita, hindi ganun yun. Hindi ko gugustuhin yun at isa pa, ayoko ngang mangyari yun." Sabi ko sa kanya.

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon