Chapter 22

190 9 0
                                    

Chapter 22

September 12, 2014

Maycee’s P.O.V.

2:15 P.M

 

Hindi ko pa ramdam na mag-eighteen na ako bukas.

 

Siguro yung ibang mga girls tulad ko sobrang excited the day before na maging eighteen na sila pero sakin wala naman akong makitang iba sa pagiging eighteen. Basta masaya ako, ok na yun.

Eh masaya na naman na ako kaya, wala na akong ibang hihilingin pa.

Well, siguro maliban dun.

 

“Maycee Castillo! Advance Happy Birthday!” sabi ni Kishi sa tabi ko at naglapag ng isang regalo sa harap ko.

“Aww, thanks Kishi, pero hindi mo naman kailangan pang magbigay ng regalo eh.”

“I want to eh. Bakit ba. Open it!” sagot niya na parang mas excited pa siya kaysa sa akin.

Binuksan ko na yung regalo niya at sa loob nun ay may isang pink ang black na dress. Simple lang yung design niya at aaminin kong nagustuhan ko siya. Ang kaso nga lang, hindi naman ako masyadong nagde-dress.

“Wow, ang ganda Kishi. Salamat ha.”

“Isuot mo yan bukas ha. Please.”

“Kishi may trabaho ako, ito talaga isusuot ko?” sagot ko sa kanya habang tinutupi ulit yung dress.

“So what? Diba, teacher ka naman? Ok lang yan! Please, pag iyan hindi mo suot bukas magtatampo ako!” sabi niya at napa-oo nalang ako.

“Sabagay, minsan lang naman birthday ko. Sige na nga, salamat Kishi.”

“Walang anuman best friend!”

Bumalik nalang ulit ako sa classroom pagtapos ibigay sakin ni Kishi yung regalo niya dahil kasama na niya sa cafeteria si Sky. Hindi naman sa pinaalis nila ako pero ayaw ko lang silang guluhin.

And maybe I don’t want to be the third wheel.

 

Nag-iisa lang ako sa loob ng classroom ng may biglang kumatok.

“Hi Birthday girl.” Sabi ni Dave habang kumakaway sa may pinto.

“Hoy, hindi ko pa birthday. Bukas pa noh.” Sagot ko sa kanya at lumabas nalang ulit ako at tumambay kami sa may hagdan.

“Alam ko. Gusto lang kitang tawaging ganun eh. Bakit ba.” Sabi niya ta binaba niya yung bag niya para may kunin sa loob. “Happy Birthday.” Inabot niya sakin yung paper bag na Blue Magic.

“Hala. Thanks Dave.” Binuksan ko agad yung paper bag at nilabas yung stuff toy na nandun, isang malaking baboy. “Awww. Are you trying to tell me something dave? Mataba na ba talaga ako?” tanong ko sa kanya habang nakangiti.

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon