Chapter 7

299 11 0
                                    

Chapter 7

June 22, 2014

Maycee’s P.O.V.

5:45 P.M.

 

Sobrang laki ng pasalamat kong nagawa ko yung report kanina at mukhang impress ang lahat sakin.

Even Ian.

 

Alam kong dapat hindi ko ginawa yun pero wala silang magagawa para pigilan ako sa pag papakita sa kanilang hindi nila ako kaya. Masaya lang ako na naipapapkita ko na sa kanila yun.

Naglalakad lang ako sa hallway at pauwi na sana nung may narinig akong umiiyak.

Babaeng boses yun na umiiyak. Akala ko kung ano lang ang naririnig ko, naiisip kong baka minumulto nako pero sinundan ko yung tunog at nakita ko si Kishi na umiiyak sa loob ng isang classroom.

“Kishi? Kishi bakit?” tanong ko sa kanya habang nagmamadaling pumasok sa loob at tumabi sa tabi niya. Hinawakan ko balikat niya at mukhang kanina pa siya umiiyak. “Uy? Bakit?”

“That jerk, kailangan pa niyang ipaalala sakin yung nangyari nun. All I was doing is to protect you.” Sagot niya sakin at bigla akong kinabahan, about ba to kay Ian.

“Si Ian ba sinasabi mo? Anong sinabi niya sayo? Anong ginawa niya? At bakit mo ko pinagtatanggol, Kishi sabi ko naman sayo I’ll be fine.” Sagot ko sa kanya.

“Maycee, hindi mo alam kaya nilang gawin, kinakabahan lang ako sa kung anong gagawin nila.” Sabi niya habang pinupunasan luha niya. Binigyan ko siya ng tissue at mukhang naging ok na siya.

“Kishi, ano yung sinasabi mong pinaalala niya? Anong nangyari noon?” tanong ko sa kanya. Sa totoo lang gusto ko na talagang malaman un.

“Lumipat dito si Ian nung fourth year kami. Back then, magkakaklase kaming lima at kami agad ang nagiging magkakaibigan. Simula nung nakilala ko si Ian, hindi siya ganyan. Parang he’s full of hatred pero wala pa sa isip niya yung magging mayabang at gawin yung mga bagay na ginagawa nila ngayon. Usually dati tahimik lang siya at parang wala siyang pinagkakatiwalaan. Ang napapansin ko lang na lagi niyang kausap ay si Leila. Sa totoo lang Maycee, hindi naman sila ganito dati. I should tell you before silang magtrasfer dito ang iisang sinasabi nila ay naging underdog na sila noon. Bullied sila, parang ganoon. But as time pass, nung nagsama-sama kami, napag-usapan namin na itry namin na kahit one time na kami naman ang mang-ganoon. And we did, not just once. We became popular, we’re on top at walang may gustong bumangga samin.” Paliwanag niya.

Marami na akong nakukuhang information sa kanya. Sabi ko na eh, meron na talaga akong pakiramdam na naramdaman na rin nilang mabully kaya ngayon parang ayaw na nilang ma-ganoon sila uli kaya sila na ang nang- iintimidate.

“Back then ang pinaka close ko talaga ay si Sky. Tahimik man siya ngayon sa paningin mo pero dati kapag kami ang magkasama, maingay pa kami sa maingay. Super close kami at I can say na I’ve fallen for him.” Tuloy niya. Nakangiti siya na may luha sa mata niya. Hindi ako nagsasalita at hinihintay pa siya ulit magsalita. “So ayun, nagpatuloy yung ginagawa namin, kami naman enjoy na enjoy at lahat takot na samin. That’s when I realize na sumosobra na kami, sinabi ko sa kanila na dapat itigil na namin dahil enough na yung nagawa naming damage para hindi na nila kami guluhin pero hindi nila ako pinapakinggan. Kaya ang ginawa ko lumayo ako sa kanila. Maycee, I was hoping na kahit lumayo ako sa kanila, Sky will still be there for me pero nawala narin siya. Nawala narin yung best friend ko. Nakita kong ang lagi na niyang kasama ay si Catie, hindi ko alam kung anong sinasabi niya kay Sky pero nilalayuan na niya ako. Hindi ko alam kung bakit, hanggang ngayon. Its been two years Maycee at hindi parin ulit kami nagkakausap ni Sky.” Umiiyak na naman si Kishi. Eto na siguro yung pangyayaring pinaalala ni Ian sa kanya.

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon