Chapter 26

129 7 0
                                    

Chapter 26

October 07, 2014

Maycee’s P.O.V.

11 A.M.

 

Bakit ako natatakot? There’s no chance na malalaman yun ni Leila.

 

Bakit ako lagi worried? Hindi na maganda tong lagi akong ganito, alam kong napapansin na ni Ian yung mga galaw ko at kailangan ko ng itigil ang mga kilos kong ganun.

They won’t find out.” Yun nalang yung paulit-ulit kong binubulong sa sarili ko habang nakahiga ako sa kama sa loob ng clinic.

Hindi ko na kinakaya yung sobrang pag-iisip dito, parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko lagi.

I want to stop myself from what I’m doing. Pero tuwing nakikita ko si Ian, etong klaseng Ian na kasama ko ngayon, lahat ng thoughts ko na itigil na tong nararamdaman ko, umuurong.

Hindi ko mapigilan sarili ko.

I keep falling inlove with him.

 

October 10, 2014; 3:30 P.M.

 

Nararamdaman kong gustong-gusto niya ng sabihin sakin yung about sa dare kaso nahihirapan siya.

 

Gusto ko nalang din siyang unahan para hindi na niya maramdaman yun pero pano kung iba isipin niya? Baka siya naman magalit sakin pag sinabi kong all this time na alam ko na pala hindi ko man lang sinabi sa kanya.

Ayoko namang magalit siya sakin.

 

Bahala na! Siya naman din may kasalanan nito dahil siya ang pumayag, kaya hahayaan ko nalang siya. Sana lang makuha na niya yung lakas para masabi na niya agad sakin yun.

Nag-iisa nalang ako dito sa lumang gym at kahit nakaharap sakin yung libro ko, tinitignan ko nalang yung mga salita dito dahil sa lalim ng pag-iisip ko.

“May problema ba kayo ni Ian?” nabitawan ko yung librong hawak ko dahil nagulat ako sa boses ni Kishi na biglang nag-echo sa loob ng gym.

“Kishi, minsan katok ka din muna ha.” Yun nalang nasabi ko sa kanya habang pinupulot yung libro.

“Sorry na po.” Sagot niya at umupo siya sa tabi ko. “Pero seryoso, may problema ba?”

“Wala ah. Bakit naman kami magkakaproblema?”

“Eh bakit ka ganyan? Parang kinakabahan ka lagi, madali kang magworry. Anong nangyare sa Maycee na matapang na kilala ko dati?” tanong niya sakin.

Tama naman siya, hindi ko maikakaila yun.

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon