Chapter 16

198 11 0
                                    

Chapter 16

August 2, 2014

Ian's P.O.V.

8:40 A.M.

Kung hindi lang siguro maliwanag at maraming tao ngayon sa paligid ko, kumaripas na ko ng takbo.

Halos isa't kalahating oras na ako dito sa harap ng horror booth at naghihintay kay Maycee. I'm already losing my patience but now I think its worth the wait naman.

A girl in a black balloon dress is walking towards me. Malayo palang kitang-kita na yung doll-like make-up niya, she's wearing a long black wig with full bangs and her eyes are creepy.

Again, kung hindi lng talaga maliwanag ngayon, kumaripas na ko ng takbo.

Halos lahat din ng tao sa paligid napatingin sa kanya at mukhang amaze naman silang lahat.

"Eh kaya naman pala ang tag---

"Cee?! Wow...." may bigla ako narinig na nagsalita from the crowd at maya-maya lumabas siya mula sa maraming tao na yun.

That Dave guy.

"Ang aga mo naman dito? Wala ka bang klase?" tanong ni Maycee sa kanya habang inaayos yung gamit niya sa may table na nasa may labas lang ng pinto ng horror booth.

"Wala, gusto kita makita sa costume mo eh and I'm not disappointed." sagot niya.

        

Alam ko isa ako sa mga taong nakikita agad kung nagsisinungaling ang isang tao, at kahit anong pilit kong sabihin sa sarili kong niloloko lang ng lalaking to si Maycee, hindi ko maconvince ang sarili ko. The way he looks at Maycee, there's something about it.

Gusto ko na sanang magsalita, kanina pa ako naghihintay dito then sila lang makikita kong ganito agad? Kaninang umaga padin ako wala sa mood at hindi ko alam kung bakit, pero hindi talaga nakakatulong itong nakikita ko ngayon.

Lalo na yung reaksyon ni Maycee sa sinabi ni Dave.

Kahit pa may make-up yung mukha niya, nakikita kong nag-bublush siya and the way she smile. Para siyang nahihiya na masaya.

May something na ba sa dalawang to?

Lately, lagi nadin silang magkasama at lagi kong nakikita si Maycee na hawak yung phone niya habang may katext and malakas ang pakiramdam kong si Dave yung katxt niya. I can't let that happen.

Maycee is min----

What am I thinking?

"Hey? Uhm, hot vampire? You here?" bigla akong natauhan ng marinig ko boses ni Maycee habang nakatingin siya sakin. Mukhang kanina pa pala niya ako tinatawag. "Lalim ng iniisip mo ah?"

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon