Chapter 3

370 12 0
                                    

Chapter 3

June 17, 2014

Maycee’s P.O.V.

11:45 A.M.

Hindi na tumigil si Kishi kakapuri sakin na magaling ako sa math.

“Kishi, kalma.” Yun nalang ang nasasabi ko sa kanya kasi parang excited na excited siya na hindi ko na ma-explain.

“Ang galing mo kasi, imagine, nasagot mo yun sa isang titigan lang! Wala ka pang hawak na papel nun para mag-solve!” sagot niya sakin.

“Alam mo, hindi ko na alam kung pang-ilang beses mo na yan sinabi sakin.” Tumawa nalang kami. At sa wakas, medjo tumigil narin siya sa kakapuri sakin.

Nasa cafeteria kami ngayon at kumakain, hindi ko rin alam kung bakit naisipan kong sumagot kanina dun sa Math Problem na yun despite of knowing yung warning ni Kishi sakin about dun sa big 4. Nakita ko nga agad yung reaksyon nila after kong mag-explain at tama ang sagot ko.

“Pero dapat hindi ka sumagot dun eh.” Biglang sabi ni Kishi na parang naging seryoso. Parang kanina lang wala siyang tigil na purihin ako tapos ngayon sasabihin niya na dapat hindi ako sumagot. Alam ko naman dahilan niya kung bakit niya sinabi yun – yung big 4.

Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko dapat sila na hayaan na ganun yung gawin nila sa ibang students, hindi lang sakin. Hindi lang naman sila ang matatalino sa college na to eh. At kahit anong mangyari hindi ako magpapapigil sa kanila. Hindi nila ako hawak.

“Kishi, kung anong gusto kong gawin, gagawin ko. Hindi ako magpapapigil sa mga yun. Bakit? Sino ba sila para mang ganun ng ibang students dito. Hindi lang sila yung matatalino noh. At isa pa, sa tingin ko kaya lang naman sila ganyan kasi wala talagang humaharap sa kanila eh, akala nila kaya nila lahat. Malay mo ako na yung magpapabago ng mga ugali nila.” Nasabi ko yun in the way na parang hindi expected ni Kishi na sasabihin ko.

“Nakakatakot ka pala. Matapang at parang ma-pride pero nasa lugar. Feeling ko nakakatakot kang kaaway. Hahah” nasabi nalang sakin ni Kishi na halatang gulat parin sa sinabi ko. “Pero alam mo tama ka naman eh. You go, girl! Baka nga ikaw na katapat nila. Pero mag-ingat ka parin sa mga yan, kaya nilang gawin lahat para lang mawala ka dito, ma-distract ka o kung ano man. Trust me, kilala ko sila.” Sa mukha ni Kishi nung sinabi niya yun parang sobrang lungkot niya na parang galit. Nararamdaman kong may nangyari sa kanilang lima noon kaya hindi na sumasama si Kishi sa knila.

“Edi gawin nila. Gagawin ko din lahat para maipamukha ko sa kanilang mali ang ginagawa nila at maling student and napili nilang walang-hiyain.” Sabi ko sabay ngiti kay Kishi.

Oo, mabait man ako at mahiyain. Pero malaki na ko para malaman kung ano ang tama at kung ano ang mali. At kaya ko narin lumaban kung alam kong ako yung nasa tama.

 

June 17, 2014; 3:10 P.M.

 

“You’ll make that girl fall in love with you, distract her, don’t let her study and all that then after doing so break her poor little heart.”

Kanina pa ko nakikinig sa usapan ni Ian at Leila sa library at kanina ko pa gustong umimik, pero nandun lang ako nakatayo at nakatago sa isang bookshelf na malapit sa kanila.

Oo, mukhang ganun na ka-desperada si Leila para madistract lang ako. Imagine, kahit sarili niyang boyfriend uutusan niyang makipaglandian sa iba para lang masunod ang gusto niya?

Gusto ko na sanang magsalita at pwede ring sampalin si Leila pero parang may part sakin na nagsasabing wag. Hindi ko na alam kung anong iniisip ko pero naglakad nalang ako palayo dun.

“Dare? I’ve been there, I’ve done that. Ibabalik ko sa inyo yang DARE niyo na yan.” Nasabi ko nalang sa sarili ko at hindi ko alam pero nanginginig yung kamay ko.

Ayoko nang ulitin ang ganitong scenario.

 

 

June 17, 2014; 5:35 P.M.

 

“Tita, nandito na po ako.”

Pagkapasok ko sa bahay, tumambad na naman sakin ang magugulong gamit at amoy nang alak. Wala nalang akong nagawa kundi magbuntong hininga. Dumiretso ako sa sala at nandoon na naman nga ang tita ko na umiinom ng alak.

Kung makikita siya ng ibang tao, aakalain siguro nila inaabuso ako ni tita or wala siyang pakinabang pero hindi siya ganoon.

“Oh, andyan ka na pala anak. Kumain ka na ba? Kamusta?” tanong niya sakin.

Alam niyo ang swerte ko, kahit kasi ganito si tita mabait parin naman siya sa akin. Binaba ko lang ang gamit ko at umupo sa may tabi niya at ngumiti.

“Ok lang naman po. Mukha namang magiging masaya ako sa bago kong school. Tita, diba sabi ko bawasan niyo na uminom?” Sabi ko sa kanya habang tinitignan siya. Hindi siya nakatagal at lumihis siya ng tingin.

Hindi nalang muna ako nagsalita pagtapos noon at niligpit ko nalang yung ibang kalat sa maliit na lamesa sa harap niya. Maliit lang ang bahay namin pero laking pasalamat ko din na kahit ganito sa amin naman ang bahay at lupa na ito kaya hindi kami nagbabayad. Wala rin kasing trabaho si tita limang buwan na.

May depression disorder si tita last five months pa. Sunod-sunod kasi mga problema na dumating sa kanya. Una, namatay yung anak niya dahil sa sakit at pangalawa yung asawa niya iniwan siya, sumabay pa yung pagka-tanggal niya sa trabaho niya. Kasama niya na ako noon, simula kase nung 13 palang ako siya na kasama ko since maaga namatay mga parents ko.

Nakita ko kung gano naghirap si tita noon, siguro kung ako din siya ganoon din mararamdaman ko. Pero bilib din ako sa kanya, kahit nalulong siya sa alak matapang parin siya at alam kong sooner or later makakatayo na ulit siya.

“Maycee, anak. Pasensya ka na ah. Ikaw ang naghihirap dahil sakin, kahit hindi naman kita anak. Pasensya na.” sabi niya na nagpatigil sakin. Napatingin ako sa kanya.

“Tita, wag mong isipin yan. Nandito lang ako lagi para sayo, walang kaso sakin yun. Tutal naman din tayo nalang naman magkasama eh, wag mong isipin yun” sabi ko sa kanya ng nakangiti sabay yakap sa kanya. Kahit tahimik siyang nakayakap sakin, alam kong lumuluha parin siya.

Isa din to siguro sa dahilan kung bakit deep inside matapang at malakas ako.

Oo, limang buwan lang yun pero kitang-kita ko yung pagbabago sakin. 

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon