Chapter 17

164 7 0
                                    

Chapter 17

August 2, 2014

Maycee's P.O.V.

12:40 P.M.

Hindi ako makapaniwalang sa dinami-dami ng taong pwede kong makasama pag nag-panic attack ako, si Ian pa.

Sobrang sakit ng ulo ko ngayon sa biglang pag-atake ng panic ko. Ewan ko din pa kung ito yung balak gawin sakin ni Ian pero lakong pasalamat ko nalang na nagfail siya at nakasama ko siya dito sa loob or else baka namatay nako dito.

Nakikita ko din sa mukha niya yung guilt. Siguro gusto niya lang ako i-lock dito for a while para hindi ako maka-attend ng quizbee, and now pati narin siya hindi makaka-attend. Alam ko namang hanggang dun lang yung intensyon niya, hindi niya naman din alam na aatakihin ako ng panic kung sakaling ako lang yung na-trap dito.

Maski naman din ako nakalimutan ko ng may ganitong takot ako. Matagal ko ng nakalimutan to sa tulong ni tita pero ngayon biglang bumalik sakin lahat at muntik na akong magbreak talaga.

"Pwede ba akong magkwento sayo?" nasabi ko bigla, breaking the long silence between us. Nakadantay padin yung ulo ko sa hita niya at hinahawakan niya lang yung buhok ko.

"Sure basta hindi labag sa loob mong makwento." sagot niya sakin. Umupo na ko at halos shoulder to shoulder yung upo namin. I curled up beside him at niyakap ko nalang yung hita ko.

"I was 6 years old then. Kasama ko pa parents ko sa bahay. Syempre, happy family kami. Then one night, ginigising ako ng mama ko. Sobrang in-panic siya at yung papa ko may hawak na kutsilyo at nakatingin sa may pinto." nagsimula ako magkwento at ngayon palang nararamdaman ko ng nanginginig na ako.

"Maycee, you don't have to." sabi ni Ian sakin with a worried voice.

"No. Alam ko sabi nila na pag na-share mo ang isang bagay sa isang tao, mas magiging ok pakiramdam mo." paliwanag ko pero nanginginig parin ako. Bigla nalang ako may naramadam na humawak sa kamay ko.

"If you insist, pero let me just hold your hand. In that way, mafefeel mong may kasama ka ngayon. Remember that memories are just the fragments of your past, don't dwell on that." sabi niya sakin habang nakangiti ng sweetly sakin. Nagnod nalang ako sa kanya at nagbuntong hininga, hinawakan ko narin yung kamay niya at alam kong malamig at nanginginig parin yung kamay ko hanggang ngayon.

"So ayun nga, ako naman natakot din. Hindi ko alam kung anong nangyayari, gusto kong magsalita pero nakasenyas yung mama ko na wag akong maingay. Kinarga niya nalang ako at nagmadali kaming pumunta sa may bintana ng kwarto namin. Ok naman sana kasi hindi naman kami gumagawa ng ingay pero nalaman ko na yung nangyayari nung narinig ko na parang may nagttry buksan yung pinto ng kwarto namin hanggang sa kinakalabog na yung pinto." sabi ko. Nakapikit nalang ako habanag nagkkwento at parang nakikita ko lahat ng pangyayari noon, totoo nga yung sabi nila na kung ano pa yung dapat hindi mo maalala, yun yung hindi mawawala sa isip mo. "Umiiyak na si mama at bigla niya akong yinakap, paulit-ulit niyang sinabi sakin MC magtago ka sa cabinet, wag kang lalabas kahit anong mangyari, mahal na mahal ka ni mommy at ni daddy ok? Tapos binuksan niya yung malaki naming cabinet. Wala akong nasabi nun pero naaalala kong halos matanggal na yung ulo ko sa kakailing na ayokong magtago dun. Ngumiti nalang sakin mama ko kahit sobrang takot yung mukha niya, nakita ko din yung papa ko na tumingin sakin at nagsabing mahal ka namin ng walang tunog tapos nun sinara na ni mama yung pinto ng cabinet."

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon