Prolouge

671 20 1
                                    

??????????? P.OV.

8:13 A.M

Hindi ko alam kung bakit ko siya sinusundan.

Siguro kasi pareho kami ng uniform at na-curious ako kung saan siya pupunta?

O baka dahil napaka familiar niya sakin?

Hindi naman ako stalker, gusto ko lang malaman kung saan siya pupunta. It’s almost 8:30, at kung sa Goodwill University din siya pumapasok like me, dapat papunta na siya dun pero iba tong dinadaanan niya.

Gusto ko din siyang makita ng malapitan, gusto kong patunayan sa sarili ko na mali yung pag-iisip kong kilala ko siya.

Gusto ko ng makalimot.

Pero talagang hinahabol ako ng konsensya ko.

 

Wala na din akong pakialam kung malate ako sa klase ko, makita ko lng siya ng malapitan at mapatunayan sa sarili ko na hindi ko siya kilala. Ok na sakin.

Sunod lang ako ng sunod sa kanya, hindi ko narin alam yung lugar kung nasaan ako. Buti nalang parang napaka busy niya at hindi niya ako napapansin na sumusunod sa kanya. Maya maya huminto na siya sa isang malaking bahay.

Isang bahay ampunan at may kausap na siya sa harap ng bahay. I’m getting my hopes up na hindi nga siya yung taong inaakala kong siya. Pero para makasigurado, mas lumapit pa ko sa kanya. Marami namang tao sa paligid at sa katabing bahay may coffee shop at sumimple ako ng upo sa pianaka malapit sa bahay at tinignan ko siya.

 

Bumilis yung tibok ng puso ko, siya nga yun.

Pero bakit? Sa dinami-dami ng university bakit kailangan sa iisang university pa kaming dalawa.

Nagsisisi na ko sa ginawa ko sa kanya pero parang hindi pa sapat yun.

Pakiramdam ko, paparating na yung karma sakin.

At sure akong hindi ko to magugustuhan.

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon