Prologue:

437 32 7
                                    

Dear Diary;

Hayyy... dumaan na naman ang isang araw, tulad ng dati pumasok pa rin ako sa school kung saan wala namang pumapansin sakin kundi si Manong Guard lang.

Natapos ang buong araw ko ng wala man lang yatang nakapansin na dumaan ako sa harap nila or kung totoo bang nage-exist ako sa mundong ginagalawan nila?? ... hayyy pero mas ok na toh kesa naman mapansin nga ako, aawayin lang naman...

Alam mo Diary di naman sa gusto ko magpapansin or mapansin, ang gusto ko lang naman ay yung malaman nila na tao din ako.. kaylangan ko din ng kausap... hayyy naku buti nalang talaga at nandyan ka diary kundi baka namatay na ko sa kaka-kimkim ng lahat ng mga saloobin ko...

-------------------

Hi, I'm Cindy Alfaro 18 years old. A 3rd year BS-Info Tech Student... at alam nyo ba na sa 8 years kong paggamit ng facebook ay 259 palang ang friends ko??.. na kapag nagpapalit ako ng profile ko , kung hindi ko pa ilike ay mahihing 0 likes and 0 comments...

Hayyy.. grabe kakainggit yung mga famous na kahit simpleng "good morning" lang yung ipost eh ang daming nagla-like... samantalang ako na halos gumawa na ng nobela dun eh wala man lang pumansin... grabe! ...

Pero kahit ganito lang ako, na walang likers maski isa ay masaya ako sa buhay ko dahil malaya kong naipapahayag ang nararamdaman ko.. wala mang likers atleast walang bashers ...

Tulad ng iba mahilig din ako mag-selfie.. nakakailang shots nga lang bago makakuha ng medyo maganda gandang picture... ang hirap kaya kapag walang front cam yung cellphone..

Lagi akong nags-stalk sa mga iilan kong friends sa facebook, puro kasi sila famous. Sobrang daming nagla-like ng mga post nila at kasama na ako dun...

Bakit ganun?? Sabi nila kapag marami ka daw nila-like marami din magla-like sayo??.. eh bakit ako lahat na yata ng mga post nila nilike ko maski isang like walang bumalik sakin???.. how unfair!! .. that's against the law!! What law?? Cyber like law!! .. haha RA 1234 Violence against person who like your post, you must like their post too! ...

Waahhhh!!! May ganung law ba??? ... hahaha sana meron!!! Para may maglike na sa mga post ko!!! ...napaka worthless unfamous nobody ko naman yata!!!! Huhuhu

--------------------------------------------------------

[A/N]: kaway -kaway sa mga famous at hindi famous jan!! Haha...

Hindi mahala kung may likers ka man o wala. Ang mahalaga naipahayag mo yung nararamdaman mo nung oras na yun.. eh ano kung walang maglike atleast maganda tayo!! .. hahaha

Subaybayan ang mga susunod na kabanata....

May magla-like na kaya sa post ni Cindy?? O mananatili parin syang "sariling post ,sariling like" ... haha magkikita tayo muli sa susunod pang mga chapter..

--------blessed be the name of the Lord

Diary ng Hindi FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon