"Ikaw??!!!" Nagulat ako nung iaangat ni Kyler yung ulo nya.
Sya kaya yun?? pero imposible! Dapat natatandaan namin kahit papaano ang isa't isa. Baka naman nagkataon lang. Hayaan ko na nga muna.
"Tss. You're so loud!" Sabi nga sabay walk out. Psh! Moody.
Pero nakakapagtaka talaga na magkaparehas sila ng peklat. Hmm posible naman yun diba? Diba??!
Flash back «««
Five years old ako nung nag-aya kila mommy at daddy na magpicnic kami sa mini park ng village namin.
"Mommy punta lang po ako dun sa slides Ahh" pagpapaalam ko kay mommy. May puppy eyes lang kasama.
"Pero anak wala pa yung daddy mo para bantayan ka, mamaya nalang pagbalik nga. Bumili lang saglit yun ng yelo" Psh! Di gumana!
"Pero mommy i can manage myself na po, big girl na ko. Nagi-school na nga po ako Eh. Saka may star po ako oh, look mommy" lumapit pa ko para ipakita sakanyan yung dalawang kamay ko na May tigisang tatak ng star.
"Hmm. Oh sige na nga, basta baby promise to mommy na you won't go far away ha? Dapat dito ka lang sa makikita namin" oh ha! Di talaga nya ko matitiis Haha . Cute ko kasi eh
"Thanks mom, love you po" sabay takbo na.
"I love you too candy, take care!" Narinig ko lang sigaw ni mommy sakin. Nilingon ko lang sya saka ako ngumiti.
Pumunta ako dun s pinaka play ground ng park. Umakyat na ko ng hagdan papunta sa taas ng slide. Di naman sya super taas. Kiddie play ground lang kase.
Nung ako na yun magi-islide, May biglang umakyat dun sa mismong slide kaya mahaharangan nya ko.
"Hoy bata! Ako muna!" Nakakainis ang laki laki nya kaya sya bully.
"Ayoko nga! Ako na dapat yung magi-islide eh" ang tapang ko kunwari. Pero ang totoo natatakot na ko.
"Aba sumasagot ka pa ah! Pero wala ka ng magagawa kase ako na yung magi-islide.. wuhooo saraaaap!" Bumelat pa sya sakin bago sya magpadulas.
Iba yung style nya ng pagiislide. Yung nakadapa ba. Kase naman ang laki laki nya kaya kontrolado nya na.
Nagulat ako nung bigla sya umiyak at nung pagkatayo nya hawak hawak nya na yung isang mata nya.
"Sinong naglagay ng bato dito ha!" May batong malaki nga sa dulo nung slide. Tumama nga siguro yung mata nya. Haha belat!!!
"Ako bakit?" Napalingon kaming lahat dun sa isang batang lalaki sa gilid. Mukha syang RK, sa porma palang kase.
"At bakit mo ginawa yun ha!" Lumapit yung batang bully dun sa batang naglagay ng bato. Habang takip takip pa din yung isa nyang mata.masakit nga siguro talaga.
"Kasi bully ka" man of few words ba talaga sya??
"Alam mo ba na ako ang hari dito?!" Halatang naiinis na yung batang bully.
"Wala akong pakialam!" Bigla nyang sinipa yung binti ni batang bully. Kaya bigla naman tong napahawak sa binti nya.
Ouch sakit nun!! ㄟ(≧◇≦)ㄏ
"Ah may black eye ukhang panda! Hahaha" sigaw nung isang bata pa. Kaya lahat kami napatingin.
"Hahahahahahahaha"
"Ang pangit nya na lalo"
"Buti nga sayo! Bully ka kasi!"
Sabi nung iba lang nga bata. Pati ako natawa na din. Ang pangit naman kasi talaga ng itsura nya ngayon.

BINABASA MO ANG
Diary ng Hindi Famous
Teen FictionBeing Famous is not my dream, to express myself is what I aim... Eh ano naman kung walang maglike ng mga posts ko, ang mahalaga MAGANDA AKO.. yun ang sabi ng nanay ko ... hahaha <3 :)