[Cindy Alfaro]
Kung gaano kaganda ang gising ko kahapon, ganun naman kasama ngayon. Ewan pero parang napakabigat ng pakiramdam ko.
9:30 na pero nakahiga pa din ako. Di na rin ako nakapasok kasi tinanghali ako ng gising. Hindi ko kasi naset yung alarm clock ko kagabi, hindi nga din ako nakapagsulat sa diary ko eh.
At kung nagtataka kayo kung bakit ako sulat ng sulat sa diary, samantalang di na uso yun sa college. Yun ay dahil sabi yun ng aking mama bago sya mawala sa universe.
Dahil baka di ko na daw maikwento sakanya kung anu ang mga nangyayare sakin, kaya dun ko nalang daw ilagay. Hayy! Alam ko na lagi ko syang kasama.
12 palang ako nung nagkasakit sya ng Leukemia. Dinala sya ng Mommy Lola ko sa ibang bansa para magpagamot. Si Mommy Lola ay yung mama ni mama.
Iniwan nila ako dito sa Pinas kasi di daw ako pwedeng umabsent sa school. Dahil baka matagalan daw dun. Ayoko namang mastop.
May kaya ang pamilya namin kaya afford magpagamot abroad. Nagkagulo lang lahat nung biglang nawala yung airplane na sinasakyan nila at wala nakita miski isa yung mga rescuers.
Nagkasakit ng malubha si lolo sa pagdadamdam sa nangyare. Halos naibenta na yata ang kalahati ng mga ari-arian pero wala ding nangyare. Kinuha din sya samin.
Si papa naman ay, halos mawala na sa sarili. Hindi sya nakasama nun kila mama dahil may business na inaasikaso dito. Kaya sabi ni mama ay yun narin ang unahin.
Araw araw sumasama si papa sa mga rescuers para hanapin sila mama. Di na nga yata sya natutulog eh. Ngunit walang nangyare , walang natunton maski bahagi ng eroplano.
Sinisi ni papa ang sarili nya sa nangyare. Araw araw syang naglalasing at iyak ng iyak. Nalulong din sya sa masamang bisyo. Nalustay nang nalustay lahat ng pera nya sa alak, babae at sugal. Hanggang sa maubos yun.
Kasabay nun nawala narin isa isa lahat ng mga kaibigan nya, na mas lalong nagpalala sa kondisyon nya. At ngayon ay sobrang hina na.
Ang mga kamag-anak namin sa probinsya ang nagaalaga sakanya ngayon. Pinalad lang ako makakuha ng tatlong scholarship kaya nakakapag-aral ako ngayon dito sa Maynila.
Ako man ay hindi tanggap kung ano ang nangyare. Hindi pa narerecover ang katawan nila kaya may pag-asa pa.
Ngayong araw na ito ay eksaktong araw nung nawala ang eroplanong sinasakyan ni mama. At kada taon pumupunta ako sa gilid ng Manila Bay.
Parang panata na din ba. Hinihintay ko ang paglubog ng araw. At inaasahan na balang araw ay makikita ko ulit ang mama ko at si mommy lola. Dahil di tulad ng araw, kahit kelan hindi lulubog ang pag-asa ko.
"Haaayyyy!" 8:15 na pala??. Ayoko pumasok , depressed ako.! -.-!
Natatamad din ako bumangon. Hayy naku! Ang katamaran ko umiral na naman.
Hmmm. Pero kaylangan ko bumangon. Pupunta pa kong Manila Bay. Haist, sana talaga bumalik na si mama. :(
Binuksan ko yung tv ko dito sa kwarto. ginamitan ko ng screw para bumukas. Haha charot, syempre sinaksak ko :)
Dumiretso na ko sa banyo at naligo. Hayy bakit kase nasama pa sa daily routine ng mga tao yun eh. Hmp!
Hay.? Kay dami ko na palang libag nuh? Ay mali! Banil na pala?? . wews! Ang dugyot ko -.-!
Tapus wala pa pala akong dalang damit dito sa banyo. Buti nalang wala akong kashare sa kwarto kaya ok lang na nakatapis lang ako ng tuwalya.
Pili pili na ng damit. Anu kaya magandang kulay?? Pink? Blue?? Or Violet??? Haist (yun kase mga fav. color ni author. Lalo na yung black)

BINABASA MO ANG
Diary ng Hindi Famous
Teen FictionBeing Famous is not my dream, to express myself is what I aim... Eh ano naman kung walang maglike ng mga posts ko, ang mahalaga MAGANDA AKO.. yun ang sabi ng nanay ko ... hahaha <3 :)