CINDY Alfaro...
Hi Diary! Magandang umaga. Maganda ang gising ko ngayon, kompleto kasi yung 6 hours kong tulog. Haha makapag stretching nga muna.
Humarap ako sa salamin at nag-inat inat. Ang taba ko na pala? May bilibil na ko oh? Nakakapagtaka lang na nagiging consciuos na ko sa sarili ko ngayon, siguro dahil mga gwapo at magaganda ang mga nakakasama ko? Nakakainsecure lang kasi mukha akong yaya T_T
Knock
Knock
Knock
Ay istorbo naman! Nag-eexerices po yung tao oh? Pero dahil mabait ako, pagbubuksan ko na nga lang.
Ay walang tao? May nangtitrip ba sakin dito? Wews naman!
Knock
Knock
Knock
Ha? Hindi pala sa pinto ko may kumakatok, kundi sa bintana. Sino naman kaya yung taong kakatok sa bintana, may pinto naman e.
Knock
Knock
Knock
Ano to? Hindi pala tao yung kumakatok kundi yung figurine na pusa, yung parang nagtatawag ng swerte? At may katabi syang paper bag. Kinuha ko yun at tinignan kung ano ang laman.
"Face powder? Lipstick? Blush on at perfume? Kanino naman kaya galing to? " sambit ko sa sarili ko. Sino naman kaya ang naglagay nito dito? May sulat akong nakita.
Cindy,
I know that you're beautiful in your own simple way. But this makes you more gorgeous. I hope you like my gifts.
Ps. There's also an contact lens inside, remove your glasses please
-PussyGan.
PussyGan? Ano yun Pusang Baril? Hahaha. Tinignan ko yung loob ng paper bag, may contact lens nga! May resibo pa na nakalagay kung ano yung grado nung contact lens. ang galing! Kaparehas ng grado ng salamin ko.
Sino kaya yang si PussyGan? At bakit nya ko binigyan nito? Anong motibo nya? Hmmm.
Dumangaw ako sa bintana sa pag-asang baka makita ko pa sya. Pero wala naman akong makitang kahina hinalang tao, maliban sa lalaking naka-all black with cap and face mask. Nakatingin sya sa gawi ko, at nung napansin nyang nakatingin din ako sakanya bigla syang sumakay sa big bike nya at humarurot na paalis.
Sya kaya yung naglagay ng paper bag dito? Sya kaya si PussyGan. Sayang di man lang ako nakapag-thank you. Hehehe hanghang polbo lang kasi ako, mas mura kasi yon.
Tinignan ko ulit yung sulat ni PussyGan. Ieeeh! Maganda daw ako? Hahah. Kung sino ka man PussyGan alabyu na! Joke lang kay Kyler pa din ako lels. Hahaha
Dali dali na akong naligo at nagbihis, sorry na excited lang ako na gamitin yung beauty products ni PussyGan. Hahaha kaso di yata ako sanay na gamitin yon, at mas lalong di ako marunong na maglagay nun. Haist!
Una kong kinuha yung face powder, na dahan dahan kong inapply sa mukha ko.
"Ay bongga nakakaputi, at parang ang kinis ko na talaga" nakakatuwa naman pala to. Haha pero di ko masyadong inenjoy, baka kumapal eh mapagkamalan pa kong multo. Haha mahirap na.
Sunod ko namang kinuha yung pang blush on ba to? Nabasa ko lang sa takip e. Hahaha di ko alam kung paano ba to kaya naglagay lang ako ng konti parang di nga masyadong halata eh. Bahala na sya haha
BINABASA MO ANG
Diary ng Hindi Famous
Novela JuvenilBeing Famous is not my dream, to express myself is what I aim... Eh ano naman kung walang maglike ng mga posts ko, ang mahalaga MAGANDA AKO.. yun ang sabi ng nanay ko ... hahaha <3 :)