13: Courtship

75 18 1
                                    

(Short update)

CINDY Alfaro...

Diary totoo ba talaga to? Sabihin mo nga sakin panaginip lang ba to? Pero parang hindi eh, parang totoo lahat. Parang panaginip na matagal ko ng inaasam, at ngayon totoo nga. Totoo nga talaga!

Nandito ako ngayon sa hallway ng school naglalakad ng kasabay si Kyler. Pero hindi pa rin kami nag-uusap mula kanina, nagkakailangan ba. Sino nalang hindi maiilang diba? Pero ako kinikilig talaga. Hahaha

Kahit na hindi ganoon karomantic yung way ng pagkakaamin nya, para sakin sobrang sweet nun.

Wala akong pakialam kahit na pinagtitinginan kami ng mga estudyante dito. Di naman nila mababago yung katotohanan na umamin sakin si Kyler my love so sweet. Hahaha

Unti unti kong nararamdaman ang pagbangga ng kamay nya sa kamay ko. Hanggang sa unti unti nyang hinawakan ang hinliliit ko, patuloy sa palasinsingan, sa hinalalatok, hintuturo. Ang lambot lambot pala ng kamay nya? Hihihi para paraan din sya eh.

Perfect moment ko ng masasabi to, yung naglalakad kaming dalawa sa hallway habang magkahawak ang mga kamay, wala man kaming sinasabi pero nagkakaintindihan. Para bang yung mga puso namin yung nag-uusap at nagkakaintindihan.

"So ngayong alam mo na, can I court you?" Biglang basag nya sa katahimikan na bumabalot saming dalawa. Nakakagulat man, lihim akong napangiti dahil don. Di ako makapagsalita, di ko kasi alam ang sasabihin ko eh.

"Don't you like me?" Di ko alam kung matatawa ba ako o maawa dahil sa itsura nya ngayon, para syang bata na nagmamakaawa para sa candy.

"I understand. But it doesn't affect my decision. I will court whether you'll allow me or not" sabi nya pa. Napaka swerte ko naman sa lalaking to. Wala pa man din akong sinasabi pero parang sigurado na talaga syang liligawan nya ako. Haba ng hair ko. Hahaha

Tumingin lang ako sakanya at ngumiti. Speechless ang lola nyo. Sino nalang ba ang hindi, sainyo ba naman may magtapat na ganito kagwapo at super sweet pa. Eeeehhh! Kilig much ako dito. Hahaha

"I'm sorry kung nasigawan kita kanina, nagselos lang talaga ako. Promise di na talaga mauulit" paliwanag nya. Napayuko pa sya nung sinabi nya yon. Ang cute nya, nakakagigil. Hahaha

"Ahh, hayaan mo na yon" sagot ko. Actually kinilig pa nga ako kanina eh. Hahaha iba pala sya magselos.

"Galit ka ba? Eh kasi naman eh, si Axel kasi yon" huh? Bakit dahil ba famous at mayaman ang pamilya nila. Don't worry mas bet kita don, yummy kaya ng abs mo. Hahaha kahit sa picture ko palang nakita.

"Ha? Bakit anong problema? Mabait naman sya eh" nagseselos pa din kaya sya? Diba tropa nya yon?

"Chikboy kasi yon, saka iba yung dating nya sa mga babae. Tignan mo nga close na kayo agad, psh!" Napabuntong hininga pa sya. Ano ba talagang meron kay Axel at parang natatakot sya?

"Ah? Ang cute nya nga eh. Kahit na isip bata" Haha naalala ko na naman yung whiskers nya.

"Bakit parang kinikilig ka? Tss. May karibal na agad ako" napatingin pa sya sa malayo pagkasabi nya nun. Haba na talaga ng hair ko. Ganda ko talaga Hahaha

"Ok lang ba na humingi ako ng favor sayo?" Tanong nya. Huh? Ano naman kaya yun?

"Sige ano ba yon?" nako baka hingin nya na yung virginity ko? No!! Di pa tayo, mamaya nalang pwede? Hahahah joke! Asa naman sya noh!

"Pwede bang kung sakali man na may magtangkang manligaw sayo na iba, wag mo silang payagan? Ako nalang please, ako nalang" hinawakan nya pa yung dalawa kong kamay habang sinasabi nya yon. Grabe yung wag SILANG payagan. Gaano ba kadami? At kung may magtatakangka ba? Di naman ako campus chik or famous girl in town or kaya pantasya ng IT. Ayaw nyo nga ilike profile ko eh.

Diary ng Hindi FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon