11: He's Falling

80 17 2
                                    

(Short update)

CINDY Alfaro...

Eto ako ngayon, subsob sa harap ng papel ko. Buset kasi na hard coding na to eh, pahirap!

Nakaone sit apart kami, para daw siguradong walang kopyahan. Nakalayo ako dun sa dalawa dahil nga pinaglayo layo talaga kami nung prof. Kaya badtrip sila magpapaturo pa naman daw sana sila sakin. Ako nga nahihirapan na ng sobra dito eh. Ayoko na ng logic!!!

Naubos yung 1½hour namin sa isang program lang, paano kasi madaming twist na iniligay si prof na kailangan daw maipalabas sa output. Paano kaya namin malalaman yung output eh sinusulat nga lang sa papel! Kailan pa nag-run ang ink ng ballpen??

Sumakit yung ulo ko dun ah! Power hula ang ginamit ko, ahaha bahala si sir, mahihirapan sya sa pagche-check nun.

"Psssst!" Ayan yung sinasabi kong epekto ng coding, nakakabaliw. Aba! Naiisip ko tuloy na may tumatawag sakin. Wahaha pangmental na talaga ako.

"Pssst! Nemic! Hoy!" Wahaha yung mga monitor at system unit dito sa com lab nagsasalita na. Naaaning na ko ahaha

"Hoy bingi!"

Bbooogggssshhh!!!

Aray ah! Lokong mga system unit dito namamat--

"Kyler??!!!" Yung system unit nag-anyong si Kyler. Waaaah!! Kinurot ko yung sarili ko para makasigurong gising ba talaga ako? Mamaya puro hallucination lang lahat ng to. Wahaha mahirap na.

"Bakit ba ang snobera mo ngayon?" Sya ba talaga to? Parang napakagwapo naman yata masyado? Hehehe

Lumapit ako sakanya para makita kung sya nga ba talaga yon. Kinilatis ko sya mula ulo hanggang paa. Inikutan ko pa sya, hmm. Ang galing! Clone nya siguro to? Hahaha

Bbboooiinnnkkk!!!!

Aray ha!

"Anong trip mo?" Nagtataka siguro sya sa ginagawa ko. Hahaha sorry na! Nagsisigurado lang po.

"Wala Hehehe. Bakit ba nandito ka?" Ano to wala na naman silang klase? Araw araw nalang.

"Ha??... ahhh ehhhh... napadaan lang ako!" Ay galit? Wahahah. Wait! Napadaan sya? Sa third floor ng IT building? Wow ha! Amazing lol xD

"Weh???" Kayo ba naniniwala? Hahaha Ano kayang kailangan nya?

"Oo nga. Tara gala tayo!" Sabi nya sabay hila sakin. Ano to hilahan part 2? Kahapon pa sila ni Tristan ah...

"Hoy! San ba tayo pupunta--" napahinto ako nung makasalubong namin si Tristan. Napatingin sya sa kamay ko na hawak hawak ngayon ni Kyler.

Biglang hatak ko ng kamay ko. Ewan ko ba parang nahiya ako bigla kay Tristan. Ramdam kong di rin sya komportable sa nakita nya ngayon.

"Ah bro, may lakad yata kayo? Sige una na ko" di nya na kami hinayaang makapagsalita, dahil nilagpasan nya na kami ni Kyler. Parang napakalungkot ng aura nya ngayon.

"Tara na?" Aya sakin ni Kyler. Tumango ako as a sign ng pagpayag. Naglakad na kaming dalawa, this time lakad lang talaga. Walang hilahang nagaganap, buti naman! Ang hirap kaya tumakbo ng nakablack shoes! May konting takong pa naman to, mga 1inch wahahaha makareklamo ko wagas.

"San ba kasi tayo pupunta? May binabalak ka saking masama hano?!" San nga ba kasi? Nakakacurious kasi kaming dalawa lang ang pupunta sa kung saan man yon.

"Wag ka na magtanong, basta enjoy dun" ngie! Enjoy daw? Magkakapera ba ko dun?

"San nga kasi? Bakit ba ayaw mong sabihin? Wag mo sabing mang-hoholdap tayo? " Pamysterious effect pa kasi eh. Nakakatakot ang surprises kapag galing sa lalaking to.

Diary ng Hindi FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon