CINDY Alfaro...
*yaaaawwwwnnnn*
Napasarap yata masyado yung tulog ko sa kotse ni Kyl---
→_→ (tingin sa kanan)
←_←(tingin sa kaliwa)
Nasa kwarto na ako? Anong oras na ba? Bakit parang masyado yatang mahaba ang tulog ko? Siguro mga 10pm na? Nasan na ba kasi yung orasan ko?...
Waaaaaaaahhh!!!!! 7:45 am na!!!!
LATE NA KO! LATE NA KO! LATE NA KO!
8:00 am lang start ng klase ko ngayon. Dali dali na kong naligo at nagbihis, di na muna ako kakain may biscuit pa naman ako dito sa bag ko eh, makapagdala nalang ng tubig. Bakit ba kasi masyadong napahaba yung tulog ko ngayon?
Pagdating ko sa room, ayun nagkaklase na sila. Huhuhu lagot ako neto eh!!
Dahil nagsusulat naman si Prof sa white board, dahan dahan akong naglakad papasok. Sa likod nalang ako uupo para di ako mapansin masyado.
"Good morning Miss Alfaro" biglang bati sakin ni Prof. Aww! Nakatalikod sya di ba? Papaanong nakita nya ako?
"Sorry Sir, I'm late" nakayuko ako habang sinasabi ko yun. Shockness naman kase! Bakit ba kasi lahat sila nakatingin sakin? Lupa kainin mo na ko please!
"It's Good that you know you're late. Go to the black room, NOW!" Sigaw sakin ni Prof. Aww! Black room, ayoko nito eh.
Ayaw kasi ng mga teachers dito na may mga nalelate, kaya lahat ng mga 15 minutes and above late, eh pinapadala sa black room.
Ano yung black room? Yun yung isang malaking kwarto na puro black lang, Haha obvious ba? Black room nga eh.
Parang kulungan type sya, pero medyo maayos naman. Wala nga lang bintana, at walang aircon! Para kang nasa hell kapag nandun ka. Parusa yun sa mga male-late.
Nandito na ko ngayon sa tapat ng pinto ng kinatatakutang black room, papasok ba ko dito? Ayoko talaga! Kahit first time ko mapapunta dito, marami na din akong naririnig about sa kwarto na to. Ang sabi pa nga ng iba may mumu daw? Oh no!
Ayoko man na pumasok, tumuloy pa din ako. Eh paano naman kasi lahat nung nagdadaan eh napaka sama ng tingin sakin, lalo na sa black ribbon na nasa blouse ko. Lahat kasi nung napapapunta dito may nilalagay na ribbon sa uniform , eh red dapat yun kaya halatain talaga. Kung makatingin naman sila akala mo naman kriminal ako.
Hoy! FYI! 15 minutes late lang po ako di ako killer no! OA nyo makatingin.
Hmp! Makapasok na nga lang sa loob.
Eeeennnnnggggkkkk!
Sound effects yan nung pagbukas ng pinto, medyo luma na din kasi yung room na to eh.
Hahakbang palang ako papasok sa loob ng biglang-
BOOOGGGSSSSHHHH!!
Waaah! Yung pinto biglang sumara!
Dali dali kong binuksan yun pero di ko na magawa. Nalock na yata ako dito sa loob! Waaaah! PALABASIN NYO KO!!
Ilang minuto din akong katok ng katok, at kung anu anong subok na din ang ginawa ko para mabuksan yun pinto pero wala pa ding epekto! Nandito pa din ako. Stock sa loob ng BLACK ROOM!!!!
Alam ko sa sarili kong wala na akong choice kungdi tapusin ang 3hours detention sa loob ng madilim na kwarto na to. Shemay naman! Ngayon ko pa naiwan cellphone ko. Saka Bakit ba napaka dilim dito? Nasan na ba yung switch ng ilaw.?
BINABASA MO ANG
Diary ng Hindi Famous
Roman pour AdolescentsBeing Famous is not my dream, to express myself is what I aim... Eh ano naman kung walang maglike ng mga posts ko, ang mahalaga MAGANDA AKO.. yun ang sabi ng nanay ko ... hahaha <3 :)