Warning: This chapter contains violence, abuse and vulgar words that readers might find offending and upsetting. Read at your own risk
"Okay ka lang ba?" tanong ni Tito sa akin. Tumango lang ako sa kaniya bilang pag sagot lalo na at hindi ako nakaka sigurado kung sino ang tao na andidito sa loob pa.
Nakatago ako ngayon sa itim na damit at itim na maskara. Tanging si Commander X, tito at si Papa lamang ang nakaka alam kung sino ako. Mapa mukha ko man, boses o di kaya gender ko.
Lumingon lingon ako sa paligid at pinakiramdaman ng matagal bago mag salita. "Tito nakalabas na ba lahat?" dere deretso kong tanong sa kaniya.
Tumango siya sa akin. "Oo anak. Pina ayos ko na sa mga kasama ko ding mga pulis," nakampante ako sa sinabi ni Tito. Para wal ng madamay na mga tao kung may mangyari man dito sa loob. Lalo na hindi ko alam ang takbo ng utak ng pinuno ng sindikatong ito.
"Tito labas ka na din at hahanapin ko na si Emmanuel. Sumama ka na sa mga kasama mo na mag asikaso ako na dito. Kaya ko na to," tanging tango nalang ang nagawa ni Papa lalo na alam niyang kaya ko na ito. Malakas ang tiwala nina Papa at Tito sa akin sa pakikipaglaban. Mapa armas man o mapa martial arts. Saka siya din mismo ang nag train sa akin bago ako pumasok sa Abilio Cryptic. Sinuportahan niya din ako lalo na ka kumpare ni Tito at Papa si Commander X.
"Lakasan mong sipa anak," sigaw ni Papa habang tinitrain ako.
Andito kami ngayon sa may grahe kung saan ay langhap na langhap ang malamig na simoy ng hangin lalo na at papalapit na ang pasko. Madaling araw palang din kaya kakaunti lang din ang dumadaan lalo na at kanina pa tapos ang Simbang Gabi.
"Tama yan nak," masayang sabi ni Papa habNang sinisipa ko ang mga plywood ng malakas kaya napuputol agad. "Ayan! Break na muna. Ang husay mo na anak," sabay kuha ni Papa ng tubig sa may mesa at inabit sa akin. "Pawis na pawis ka na anak," pinahiran na ni Papa ng panyo sa likod ko na basang basa.
"Syempre mana sayo pa eh," natatawa pa kaming dalawa.
Umupo na kami ngayon ni Papa dito sa may bench. "Malapit na college mo anak. Last year mo na bilang highschool. Anong kurso kukunin mo sa kolehiyo?" nakatingin si Papa nung tinanong niya ako.
"Pa? Okay lang ba kung mag dodoktor ako?" ngumiti si Papa na abot hanggang tenga.
"Aba syempre anak. Ikaw imagine mo ikaw si Doktora Philomena Zarriyah Mercado," natawa ako nung sinabi iyon ni Papa lalo na kasama ang kaniyang apelyido.
"Pa, Thank you po." Biglang sumeryoso ang ihip ng hangin nung sinabi ko iyon.
"Saan anak?" nagtataka niyang tanong sa akin.
"Sa pagkupkop po sa akin at gamitin ko ang apelyidong Mercado." Deretso kong sabi.
"Ano ka ba. Nung una kitang nakita nung niligtas ka namin mula sa tiyahin mo at tiyuhin mong baboy napagaan mo ang loob ko. Di lang sa akin lalo na kay Mama mo. Akalain mo ang tapang mo. Kahit nung si Mama mo din lalo pa nung narinig niyang dadalhin ka sa ampunan umayaw siya at sinabing kukupkupin ka agad namin. For sure masaya yun para sayo," napangiti nalang ako kay Papa nung sinabi niya iyon. "Gusto mo bang pumasok sa isang agent agency?" napatingin tuloy ako kay Papa ng seryoso.
"Gustuhin ko man po Pa pero di po ba ako mahihirapan nun?" natawa si Papa sa akin.
"Pagisipan mo muna anak. Tinanong lamang kita kung gusto mo lalo na at ang kumapre ko ay merong agent agency. Tapos pwede mong kasama ang Tito mo lalo na diba pulis si Nathaniel kaya pwede yun. Pwede rin observe natin hanggang 1st year college ka. Pero ipapapasok na kita upang itrqin kang gamitin ang iba't ibang uri ng mga sandata," masaya akong tumango kay Papa.
"Philomena?" bigla akong napabalik sa realidad nung tinawag ako ni Tito. "Alis na ako. Mag iingat ka," tumango ako sa kaniya at tumakbo na upang hanapin ang lider.
Linibot ko ang buong ground floor at second floor hanggang sa umabot ako sa third floor ng bigla akong may naririnig at nararamdaman na nakasunod sa likod ko pero nagkunyari lamang ako na para bang wala akong nararamdaman.
"Oh. Bakit andidito ka pa? " biglang rinig ko sa likuran ko.
Hindi ako umimik sa kaniya bagkos ay tumalikod ako upang harapin siya.
"Should I ready my gun for your?" sarkastiko kong sabi kay Emmanuel na nasa harap ko.
Si Emmanuel ay namumuno ng isang sindikato kung saan kinukuha niya ang mga bata at matatanda na may sakit o karamdaman upang manglimos. Pwede naman magawa ito ng mga pulis pero dahil sa hindi na ito mahawakan ng mga kapulisan dahil sa nahihirapan silang itrace lalo na at palipat lipat ay ibinigay sa amin ito. Kaya ako din ang naatasan para dito.
Mission namin ang magligtas ng mga taong kailangan iligtas at wag papatay hanggat maari.
Napailing nalang tuloy ako sa kaniya na nangingnig na tinutok ang baril sa akin.
"Babae ka?" gulat na tanong niya sa akin at tumango ako.
"Ano ba sa tingin mo ako?" sarkastiko kong sa kaniya. "May tenga ka naman diba?" natatawa kong sabi.
Nangingnig siyang ngumisi sa akin tuloy na nakatutok pa din ang baril sa akin. Kung di ako nagkakamali ay P88 ang baril na hawak niya. "Alam mo na pala kung sino ako," nag lakad ako papalapit sa kaniya at pinapaputok sa akin ang baril pero agad akong naka iwas.
Halatado na mas lalo siyang na takot sa akin. "Natatakot ka ba? Wag ka ng matakot at idadala na kita sa iyong paroroonan," pinapaputok niya ang baril ulit bigla pero hindi ito tumama sa akin. Dinaanan lamang ako ng bala sa kaliwang bahagi. "Luh? Bakit ako yung tinitira mo?"
Bigla ko ng inalabas ang baril ko at pinapaputukan na siya pero agad din siyang naka iwas at nag tago sa malaking poste.
"Bakit di mo ako harapin at nag tago ka lang diyan? Marunong ka ngang magpatakbo ng sindikato di mo naman ma protektahan?" mabilis siyang rumespode at pinapaputukan ulit ako ng baril pero iniwasan ko lamang. Dali dali ko ng kinuha ang baril ko at pinapaputukan siya dahil duon ay natamaan ang kanang braso niya.
Ang kaliwang binti ng bigla niya ulit ako pinapaputukan ng ilang beses.
"Kairita ka ah. Bakit wag ka maging chill? Sige ka mauubos ang bala niyan," tukso kong sabi sa kaniya.
Bigla siyang nagpalabas ng granada pero alam kong peke iyon dahil sa hitsura palang. Bakit kasi parang plastic naman. Apaka boring tuloy. Nung tinapon niya bigla ay napatawa ako ng malakas.
"Bakit naman hindi sumabog," asar ko sa kaniya at pinapaputukan ko siya ulit sa kanang binti naman kaya kung kanina ay paika ika siyang tumakbo ngayon nakaluhod na sa sahig.
"T*ngina kang babae ka!" sigaw niya ng malakas.
"Ako lang to. Chill," asar ko sa kaniya. Papaputukan niya sana ulit ako kaya lang inunahan ko na siya at sa balikat siya na tamaan. "Oops sorry," sabay lakad ko papalayo sa kaniya.
Kinuha ko ang cellphone kong maliit sa pouch ng slacks ko at diniall ang number ni Papa. "Pa send kayo ng Ambulance and after nito pwede niyo na hulihin after niya gumaling," hindi ko na hinintay may sabihin pa si Papa kaya pinatay ko na din agad ang tawag.
"Commander X, clean job." Pagsalita ko nung pinindot ko ang airpods na nasa kanang tenga ko.
"Good. Bumalik ka na dito sa headquarters sa opisina ko at meron kang confidential na kailangan sabihin. Dadagdagan ko lang task mo," dumeretso na ako sa pag lalakad at wala na akong sinabi na kahit ano pa kay Commander X.
BINABASA MO ANG
Agent Series#18: Behind that Black Mask
RomanceAbilio Cryptic is an exclusive agency made for women. It is founded by the government with the purpose of training and raising expert agents who will be assigned to dangerous jobs. They are expected to excel in any field, completing their job faultl...