Chapter 4

17 2 0
                                    

"Ayaw ko na," pangiyak ngiyak na sabi ni Ava.

"Bakit?" pagtataka kong tanong sa kaniya.

Nasa harap ko siya ngayon at naka upo kami dito sa may Manuel Ginson Hall.

"Finals na natin next week. Wala pa akong masyadong na gets. Tapos pag nag aaral ako walang pumapasok sa utak ko," at duon na bumuhos ang iyak niya kaya tinabihan ko siya.

"Alam mo Ava tumigil ka," tinignan niya ako ng masama kaya pparang gusto ko siyang tawanan dahil sa itsura niya. "Second Year na tayo ngayon mo pa balak mag back out loko lang yan?" natatawa kong sabi kaya natawa na din siya.

"Kairita ka talaga," sabay pahid ng luha niya.

"Turuan kita gaya ng ginagawa natin. Tapos basahin mo iba nating notes if may di ka maintindihan tanungin mo ako," tumango tango naman siya sa sinabi ko.

"Bakit kasi di ako kasing talino mo," umiling ako sa sinabi niya.

"Matalino ka. May kanyang kanya lang talaga tayong kaalaman na duon tayo magaling," pag ch cheer up ko sa kaniya at tumango tango siya. "Tulad ng sa math natin ang galing mo sa math samantala ako gusto ko nalang humimlay." Natawa siya sa sinabi ko kaya napatawa nalang din ako para gumaan loob niya.

Pag nasa school ako at lalo na kasama ang mga tao na close ko. Hindi ko pinapakita ang ugaling meron ako sa trabaho ko lalo na pag alam kong di naman kalaban ang kaharap ko.

"Tsk. Nang bola pa," tanging nasabi niya sa akin.

"By the way kailan free time mo?" bigla kong naalala ang kailangan kong gawin after finals kaya alam kong wala akong free time.

"Wala eh," maikli ko nalang na sabi.

"Apaka busy mo naman. Baka sineseryoso mo na ng malala ang pag dodoctor ng hindi ko nalalaman ha," natawa tuloy ako sa sinabi niya.

"Aba syempre gusto kong maging ceo na ng kumpanya namin dapat ko lang seryosohin." Deretso ko lang sabi.

No one knows sa circle of friends ko na isa akong agent. Ang alam lang nila I am just a Simple girl doing my best to reach my dream na maging ceo and makapagpatayo pa ng isang kumpanya na ako mismo ang nagpakahirap.

Kalog naman talaga ako if I am not doing my work being an Agent but when I am outside of my work. I am not wearing black clothes with black mask ay kabaliktaran naman if wala ako sa trabaho. I always wear pink clothes since favorite color ko and kilay ako.

Tumahimik na kami ni Ava at nag simula ng mag aral. Marami kaming free time ngayon dahil Wednesday. Hindi ko rin namalayan ang oras sa dami naming inaaral kung hindi lamang may tumawag sa akin. Napatingin sa akin bigla si Ava at nginitian ko.

I took my phone from my bag at nakita kong X ang nakasulat kaya dali dali ko ng sinagot.

"Hello," bungad ko sa tawag. Tumayo ako at lumayo muna sa pwesto kung saan kami nakaupo ni Ava.

"Black, can you handle another one more Crime?" hindi bati ang narinig ko kundi another mission agad pero hindi na bago sa akin lalo na minsan ay hindi ko pa natatapos o naumpisahan ang isa ay meron na agad.

"Do I have to go there?" maingat ko na tanong lalo na I am in a Public place.

"If you can immediately," tumango tango ako ng wala sa oras dahil sa sinabi ni Commander X. "Pero if you have classes since today is Wednesday come here later if you have free time." Tsaka niya pinutol ang tawag.

Bawal sabihin sa amin ang mission sa phone call lalo na may folder di na binibigay sa amin na anduon ang mga details na gagawin namin.

Naalala ko nanaman tuloy na hindi pa pala na sasagot ni Commander X ang tanong ko kung kailan ako mag uumpisa sa pag imbestiga sa mga Mafia. Pero naumpisahan ko na ang pag reresearch tungkol sa kanila.

Nalaman ko na bago naging Mafia Queen si Madrasta Mia ay naging sikat na aktress ito. Mahaba ang kanyang buhok at kulot na kulay light brown. Malaporselana din ang kutis niya at mapungay ang mata. Pero simula ng nakilala si Amari Nelson, ang King at pinakakilalang mafia ay umalis ito sa industriya ng showbiz at sumama sa kaniya. Naging maganda nga din daw ang takbo ng Mafia Clan nila.

Ginamit ko din ang mga impormasyon na nakalagay sa folder na binigay ni Commander X sa akin kung saan nanduon ang mga makakatulong na impormasyon.

Bumalik na ako sa kinauupuan ko at nakatulog si Ava. Napagod ata kakaaral. Pinabayaan ko na muna siya lalo na at kanina pa din nag rereklamo si Ava na ilang oras lamang ang tulog niya.

Kinuha ko ang laptop ko mula sa bag ko at bigla akong nagulat nung nilapag ko ay may batang babaeng lumapit sa akin at may dalang rosas.

Naka Elementary uniform ito at taga dito lang din sa school. Naka bonytail din ang buhok niya. Hawak niya sa kanang kamay ang rosas at may hawak namang siyang Juice sa kaliwang kamay.

"Ate bigay ko daw po sayo," sabay abot sa akin ng rosas. "Pinapasabi po sa akin na wag ko sabihin ang pangalan niya at bumalik agad sa klase ko kasi masama daw po mag cutting. Pinapasabi din daw po na wag mo na alaman kanino galing at ang ganda mo daw po ate kahut na stress ka. Pero totoo naman po sinasabi ni Kuya pogi kaya ito po." Natawa tuloy ako sa bata na andaming sinabi.

Kinuha ko na ang bulaklak sa kaniya at nginitian siya. "Thank you." Maikli ko lang na sinabi.

Nakangiti siyang tumango sa akin at tumakbo papalayo. Nilagay ko nalang ang bulaklak sa gilid ng laptop ko at hindi ko na inisip kung kanino galing to lalo na nga at sabi ng bata wag na daw.

Hindi ito ang unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak. Masaya namn akong binigyan ako pero wala sa isip ko ang mga ito.

Nung nag on na ang laptop ko ay agad ko naman tinipa ang password ko. Kailangan ko ng gawin ang thesis ko lalo na malapit na din ang deadline nun.

Open area ang Manuel Ginson Hall kaya ramdam na ramdam ang ihip ng hangin at nililipad ang mahaba kong buhok kaya kinuha ko ang nakaipit kong hair clip sa sling ng bag ko at inipit ko ito ng mabilis.

Ilang oras ko din ginagawa ang thesis ko ng biglang may nag pop sa notification ko. Sa una ay hindi ko pinansin pero bigla akong nagulat sa nabasa ko kaya hindi na ako nag dalawang isip na iopen ang news na yun.

Agent Series#18: Behind that Black MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon